TwentyOne
Diana's PoV
From: Baby<3
I will be late, just wait for me. I'll be there shortly. Iloveyou.
Basa ko sabay pasok ng phone ko sa bulsa ng blouse ko. Ilang beses ko na itong binabasa. At hanggang ngayon wala pa din ang loko. Nakakatampo na din ah.
"Ay day ? Ikaw nanaman closing ng HQ?! Hahaha diba ngayon ang bridal shower? Pinaparlor ko na nga yung asawa ko eh..." Pansin sa akin ni Ian na nag aayos na mg gamit.
"Ah Oo, ngayon nga... Nga pala, official na ba yung listahan na iyon?!" Pagaalala ko sa listahan na nakita ko sa bulletin board ng HQ namin. Sa sunod na issue kasi ng School Magazine for the Month of January, eh kailangang isama ang listahan na iyon actually tuwing January ang pinakamabenta naming buwan, dahil kahit ibang school ay nag aavail. Alam na kung ano ang dahilan syempre yung napakawalangkwentang listahan na iyon. Joke. Oo na ! Aaminin ko' bukod sa pagiging girlfriend ni Rocky... Yan ang unang una kong pangarap as in Goal ! Objective ! Ganun ! Bago kasi namatay si Papa, naipangako ko sa kanya na katulad ni Kuya, makakasama ako sa listahan na iyon, kasama din dun ang pangako kong magiging valedictorian ako, pero obviously hindi sya nangyare... Kaya yung pagiging kasali sa listahan na lang ang tangi kong pagasa para matupad ang pangako ko kay papa kahit isa lang, atleast diba? Pero anak ng super junior naman ! Hindi ko naman alam na ganun kalupet ang criteria ! Kailangan deans lister, kailangang involve sa isang school org, sikat, matindi humakot ng achievements sa school, maganda, maimpluwensya as in yung Ideal na estudyante talaga !
Grabe ! Pagiging Valedictorian nga kinapos ako ! Kaya ginugol ko ang buong pag aaral sa unibersidad ang lahat ng lakas at talino ko, pero bwiset na buhay dahil sa letseng Fheiy na iyan kahit ilang medals at awards na ang nahakot ko at laging deans list sobrang nahihirapan pa din ako dahil sa letseng paninira at pagpapahiya nila sa akin.
At ngayon mukhang magkasabwat pa sila Maggie ! Kaya katakot takot na kaba ang naramdaman ko nang hindi ko nakita sa listahan ang pangalan nila, at pangalan namin ni Rica ang pumalit, at thankyou lord nga naman ako'y no. 1 pa !! Oo, aaminin ko natuwa ako pero... Alam kong magiging isang napakalaking issue nito sa mga bruha !
"hay nako girl, don't you worry anjan naman si Papa Rocky for you... Aren't you happy finally diba?!" kinikilig na sinabi ni Ian
"Hayy kung andito lang si Papa..." medyo naiiyak kong sinabi
"Can I speak to the no. 1 top spot on the list? Babyyy?!" sobrang lambing na bati ni Rocky
"Babyyy!" patalon akong tumayo at inakap sya.
"Red!" Masayang bati ko ng makita ko sa likod si Red
"Hi Marie..." bati nya, sabay halik sa aking pisnge.
"Daan muna tayo kay Bridjet?" Tanong ko kay Rocky na kinukuha na ang aking mga gamit.
"ah eh... Kung kay Red ka na lang magpaayos?" sabay turo kay Red na nasa tabi ko
"Ay Oo nga ! Pwede ba girl?" Yakap ko kay Red.
"Oo naman girl ! Kaya nga ako nandito eh, dun na lang tayo sa condo...Ako na lang bahala sa kanya Rocky maghatid kay Iyang..", Sabi ni Red habang yakap yakap ako
"Sure.. Sure.. Hatid ko na lang kayo sa condo mo... Wala ka dalang kotse diba?" Tanong ni Rocky
"Ah Oo, sure." Sagot naman ni Red
Napansin ko na mas magaan na ang usapan nila ngayon at nakakatingin na ng diretso si Rocky kay Red ng maayos, kahapon kasi hindi makatingin ng diretso si Rocky kay Red eh alam mo yung parang may awkwardness? Ngayon wala na!
BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
RomanceThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...