Chapter 28

85 2 0
                                        

Diana's PoV

"Godmother nakita mo na si Rocky?"Tanong ko kay Ian
"Oo, hinahanap ka rin nya eh, mukhang may dinadala ang boyfriend mo, parang aburido eh, kasa-kasama nya si Red"sagot nya
"Teka mamaya mo na problemahin boylet mo, sali ka muna"Hila sa akin ni Maam Gonzaga

Si Red nanaman ang kasama nya? Kaibigan ko si Red pero simula nung bumalik sya naging ganyan na si Rocky. I mean alam kong kadadating lang nya, pero nitong mga nakaraang araw naging jampacked ang mga pangyayari sa buhay ko parang rollercoaster. Sana naman pag natapos tong ride na ito ay hindi ko pagsisihan ang pagsakay ko, at maging worth it lahat ng sigaw hiyaw na ginawa ko. Shems. Eto epekto ng beer sa akin eh. Awtsuu.

"Huy! Lalim ah, di ko mareach"Tapik sa akin ni Rica

Nasa dancefloor na pala kami hindi ko napansin.

"Piringan na natin ang mga girls!" Sigaw ng host na bading, friend ni Ate Klaud
"Habang pinipiringan sila, tanungin na muna natin pangalan nila...Hey ikaw na naka darkgreen na floral dress what is your name iha?" Tanong ng host kay Rica
"Rica."Matipid na sagot ni Rica

Dama ko ang kaba ni Rica, di naman nya kasi gusto ang mga ganito, napasali lang sya kagabi dahil tinopak sa pangaasar nya sa mga bruha.

Kasama pala namin sina Maggie, at ibang katrabaho ni Ate Kaye, ako ang huling tinanong nung host.
"At eto na, ang kanina ko pa tinitingnan, i love your outfit girl, kung lalaki lang ako ay nako baka mamaya tinanong na kita kung pwede ligawan, out of all this beautiful girls infront of us, I must say you are the loveliest. Iba ang kagandahan mo, pati bakla magpapakalalake para sayo! Diba?" Tanong nya sa audience, naghiyawan naman ang mga tao at nag palakpakan
"ANAK KO YAN!"Sigaw ni Mama
"Patay nakainom na si Mudra"bulong ko
"So, anong pangalan mo Miss?"Tanong ng Host
"Andami mong kuda girl haha, Diana ho" Nakangiti kong sagot
"Pwede ba kitang ligawan, Diana?" Tanong ng host sa kanyang panglalakeng boses
"Hahaha sorry girl may boyfriend na ako."Sagot ko
"Aray naman, first time kong manligaw, basted agad. Nako napaka lucky ng boyfriend mo hay tena simulan na natin ang GAMEEE!!!"

Ang haba ng pangalan ng game, at napakasimple ng mechanics, mangkakapa kami ng kung anek at sasabihin kung ano yun or sino? Shems. Yung kamay ko halos mapisa na sa pagpisil ni Rica sa akin, bulong sya ng bulong, na dapat hindi na lang kami sumali.

Tinatawanan ko lang sya at sinabihan ko na mag enjoy lang sya, minsan lang naman to.

"Talong!"sigaw ni Gigi
Tawanan naman lahat ng tao.
Habang tumatagala nagiging sexist ang mga bagay na pinapahawak nagsimula sa baso, stufftoy tapos ngayon talong na. Shems.

"Ayoko na dito te"bulong sa akin ni Rica
"Saglit lang patapos naman na ata."sagot ko

"KANGKONG?!" Pahiyaw na sabi ni Rica
Anong kangkong? Sabi ko sa sarili ko
"Sorry beh"bulong nya sa akin
Naramdaman ko ang pagtayo nya. Tae nangiwan ang gaga.
Kinuha ang kamay ko at pinahawak sa madahon na bagay.
"Puchang Pechay! Ricaaa..." mahina kong sabi
at shete narinig ng host yung sinabi ko kaya tuloy nasa laro pa rin ako.
Halatang sinadya ni Rica na magpatalo, keynes namaaan iwan ba ako?

Hiyawan ang tao.

"Lets go kinky ladies!"sabi nung host

Pusangkinalbo!

At ano pa nga ba ang nangyare, kapa kapa kung saang saang part ng katawan, unang tanong pa lang nagpatalo na ako, sino ba naman may gusto sa mga ganung laro ?

"So stupid talaga, loser" sabi ni Gigi

Ay meron pala etong mga frog na bruhang eto !

Pagkababa ko ng stage, pabulong naman akong pinasalamatan ni Ate Kaye.

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon