Reception Area...
Diana's PoV
"Andaming tao..." Bulong ko kay Mama
"Mga boss kasi yung iba jan, tapos yung iba sa negosyo natin" sabi ni Mama
"San tayo Ma?" Tanong koAgad agad namang may lumapit na isang staff sa amin at inassist kami papunta sa lamesa namin. Patamgo na man akong pasalamat dun sa staff at umupo.
Nag serve sa amin ng champagne ang mga waiters, nag siupuan na rin ang mga ninong at ninang malapit sa amin, andun sina Tita tska Tito tapos yung ibang best man na sa kabilang side naman nakaupo. Isa syang mahabang table ang nasa dulo ay ang upuan ng bride at groom. Yung ibang guest na sa ibang table na naka upo. Bale yung major characters ng kasal nasa long table.
Nagsimula ng tumugtog ng masayang tugtugij ang band na sinabayan ng DJ, dumating na pala si Ate Kaye at Kuya Nior, sumasayaw silang lumapit sa kanilang upuan habang ang lahat ay nakatayo at pinapalakpakan sila, ako eto nakaupo. Nawala ako sa mood nang makita ko si Maggie buti na lang hindi na ifo nagpumilit pang umupo sa lamesa namin. Bakit pa kasi nandito yan ?
Napatingin naman sa akin si Ate Klaud, na para bang humihingi ng dispensa para kay Maggie hindi ko alam kung anong klaseng expression sa mukha ang dapat kong ibigay sa kanya kaya, napapoker face na lang akong nakatitig sa kanya. Tinapik naman ako ni Mama para tumayo.
Pagkatapos ng hiyawan at palakpakan, pinaupo na kami nina Kuya Nior, at maya maya pa'y dumating na ang pagkain.
Hindi ko feel na kumain sana kaso ng ihain na ang mga pagkain, parang nakalimut ako na nag dyedyeta ako, biglang bumalik ang aking mood, hindi man ito ang paborito kong mga pagkain pero the way it was served to us it was really appetizing! Kaya't hindi na ako naghintay pa agad ko ng sinunggaban ang soup, pagkatapos yung entreé then nag main dish na ako, wala ng pansinan at all, sina Tito at Tita naman pasundot sundot ng mga tanong sa akin habang kami ay kumakain. Eh halos masasagot naman sa Yes or No ang tanong nila kaya tangp at iling lang ang inabot nila sa akin, maya maya pa'y sumuko na sila sa pagtatanong kaya't sina Kuya Nior na lang ang ininterrogate nila.
Na dapat naman ! Hello?! Kasal nila to diba ? Sila dapat ang bida !"Wow, hindi ka ba nakakain bago umalis ?" Tanong ni Mama na manghang mangha sa paraam ng pagkain ko
"Hindi na eh, actually wala ako sa mood kumain." Sabi ko
"Wala ka pa nyan sa mood anak?" Tanong nya habang nangingiti
"Kanina ma, eh ang ganda ganda ng pagkaserve para isang art ! Halos di ko na nga makain eh pero sobrang nakakalasap !" Sagot koDama ko namang nakatingin sa akin sina Greg, Jon at Rica, para bang gusto nila akong kausapin pero they all like testing the water, they're still figuring our how to start a conversation with me.
So break this beautiful awkwardness between us, I started making some moves towards them like asking to pass the cheese, or the gravy and such. They threw some awkward glances before they pass it on and some little smiles after they passed it to me. Honestly I wanted to smile, but I couldn't, I don't know why, but I just can't . So the very long delicious awkward banquet ended and the couple got there first dance. Yes it is really magically, parehas kami ni Mama na lumuluha habang pinapanood sila na sumasayaw. Nilapitan nga kami ni Tita, kasi kahit sya din naiyak na. Nang magkatinginan naman ang mga magulang ni Ate Kaye at kami ni Mama, sabay kaming natawa sa itsura namin, lahat kami ay naiyak. Kaya tuloy napabiro ang tatay ni Ate Kaye,
"Ano ba yan Bala'e ! Pareparehas tayong mga iyakin ! Sayaw pa lang yan! Kasal pa lang ito, paano na sa Binyagan na ng mga apo natin?" Sabi nito
Mukhang narinig naman ni Ate Kaye ang dulong part na sinabi ng Tatay nya
"Really Dad ? Mga ? Hahaha" tumatawang sinabi ni Ate Kaye
"Ilan ba gusto nyo po?" Nagbibirong tanong ni Kuya Nior
"Aba eh isang basketball team kaya?!" Nagbibirong sagot naman ng Tatay ni Ate Kaye na si Daddy Kris short for Kristoper Kane
"Meron ba dapat na reserba ?!" Nagbibirong sagot naman ni Kuya Nior
"SYEMPRE naman !" Pasigaw na sagot ni Daddy Kris
Pinalo naman ni Ate Kaye si Kuya.
Sumingit naman si Mama at nag ipit ng isang libo sa damit ni Ate Kaye
"O Para sa pang diapers ng Basketball team nyo" nagbibirong sinabi ni Mama
Maya maya pa'y nag sunuran na ang iba pang bisita sa kasal na mag ipit ng pera sa damit ng kinasal.
BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
Lãng mạnThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...