Greg's PoV
Hindi ko alam kung san ako papunta pero tumatakbo pa rin ako napatigil ako nang makita ko ang sasakyan ni Iyang. Nakaparada ito sa tapat ng isang kubo. Bukangliwayway na kaya natatanaw ko ang mga lalaking nagkakape sa may hagdanan ng kubo. Dahil na rin siguro sa lasing at sama ng loob kung ano na ang pumasok sa isip ko at sinugod ko ang grupo ng mga lalaki.
"Pare ! Anjan ba si Iyang?" Malakas kong sabi
"Ha? Pare mukhang kargada ka ah...wala kaming kilalang Iyang." Sagot ng isang lalakeng nakatayo sa poste ng kubo
"Anong wala kayong kilalang Iyang? ANONG GINAWA NYO KAY IYANG HA ?!!!! Ilabas nyo syaaaaa!!!!"sigaw ko.
"Teka pre. May nagpapahinga pa sa paligid baka naman pwedeng huminahon ka. Wala dito ang hinahanap mo" mahinahon na lapit sa akin ng isa pang lalaki
"WAG MO AKONG HAHAWAKAN !!! Paanong wala dito eh nandito ang sasakyan nyaaaa!!! ILABAS NYO SI IYANG! Anong ginawa nyo sa kanya haaaa ! Haaa! Iyaaaaang!!!!"Sigaw ko uliNapansin ko namang napatigil at nagkatinginan ang lahat nang ituro ko ang sasakyan ni Iyang.
"Ano???!!! Anong tinatanga tanga nyo jan ???" Pasigaw kong tanong
May lumabas na lalaki na animoy bagong gising lang
"Greg?!" Tawag nya
"Kilala mo?" Tanong ng isang lalaki
"Sya yun?" Tanong naman ng isa
"Bakit Iyang?" Tanong naman ng isa
"Anong meron bakit ang ingay?" Tanong ng isang babaeng kakalabas lang, at parehas na reaksyon ang puminta sa mukha nito.
"GREG?...Bat ka andito?" Tanong ng babae
Lumapit ito, una pinigilan pa ito ng lalaking kakagising lang, nginitian ito ng babae at nagpatuloy na lumapit sa akin.
"Paanong?" Tanong nya at hinawakan nya ang braso ko at inabot ang kamay nya para makipagkamay, tahimik lang ako at nagtataka sa tinuturan nya
"Mae, bagong kaibigan ni Iyang." Nakangiti nyang sabi
"Si Marie ay si IYANG?!" Gulat na sabi ng lalaki na nagtanong patungkol sa pangalan ni Iyang
"Puta, ambaho, kegandang babae hahahaha" tawa nito
"Archie nga pala" pagpapakilala nung tumatawa
Napatitig lang ako ng masama sa inabot nitong kamay, agad naman itong bumalik sa kinauupuan nya.
"Ilabas nyo si Iyang" mahina kong sabi kay Mae
"Mukhang hindi ko gagawin yan." Sagot sa akin ni Mae ,naglakad sya pabalik sa may pintuan na pinanggalingan nya kanina.
"Ano?! ANONG KARAPATAN NYO PARA ITAGO SA AKIN SI IYANG ! IYAAAAAANG !!! Lumabas ka jan mag usap tayo!" Sigaw ko
"Pare, ang aga aga, nakakaistorbo ka na ng ibang cottages" sabi naman ng matangkad na lalaki
"Anthony, ilayo nyo na yan dito" utos ni Mae sa matangkad na lalaki
"Tara na Greg." Aya sa akin ng lalaking katabi ni Mae
"HA?! San nyo ako dadalhin? Hindi ako aalis dito hanggat di ko nakikita at nakakausap si Iyang! IYAAAAAAAANG!!!" Sigaw ko uli
"IYAAAAANG! Magusap tayo! Ano bang ginawa ko? IYAAAAANGG! Mahal na Mahal kita! IYAAAANG! Patawarin mo ako kung ano mang ginawa ko Iyaaaang! Hindi ko na kayang mawala ka uli sa buhay ko" hagulgol ko
"Pare, tama na yan. Tara na, parehas nyo lang sinasaktan ang isat isa" bulong sa akin ni Anthony
"Rudie, tulungan mo ako dito" utos nya sa lalaking umaya sa aking umalis
Hinawakan nila ang magkabilang braso ko, malakas ako kaya dalawang beses akong nakawala sa kanya, habang nangyayare yun, napansin ko ang pag silip ni Iyang kaya mas lalo akong nagwala para makaalis sa hawak nila, pero sumuko na rin ang pagod kong katawan, napahagulgol na lang ako na parang bata.
"Pare, tara na..." bulong sa akin ni Rudie
"Mahal na mahal ko si Iyang pare, mahal na mahal ! Hindi ko kayang saktan sya! Pero bakit sya nasasaktan dahil sa akin" hagulgol ko
Dinala nila ako sa isang kubo kubo malapit sa dagat, palipas muna daw ako ng lasing, sumunod naman ang ilan nilang tropa na may dalang kape, yosi at beer.
"Kulang pa ba yung kagabi?" Sabi ni Anthony
"Parang uminom ako kagabi" sabi ni Rudie
"Suuus" kantyaw naman ni ArchieRudie's PoV
Tahimik lang si Greg habang nag kakantyawan ang barkada, siguro nagtataka ito kung sino kami, anong ginagawa nya dito, bakit namin sya kilala at si Iyang/Marie bakit kilala namin silang dalawa.
Lumapit ako at tumabi sa kanya.
"Kamusta ulo natin?" Tanong ko
Hindi ito sumagot bagkus umiling lang, inabot ko ang gamot na ipinadala ni Mae sa akin kanina sa bulsa ko.
At inabot ko sa kanya.
"Salamat" mahina nyang sagot, nakita ko rin na nagbigay sya ng matipid na ngiti
"Ako nga pala si Rudie, yan si Anthony, Jeff, Jay, Joemar, Archie" pagpapakilala ko sa mga kasama namin na busy sa paghaharutan.
"Papaanong?" Tanong nya
"Ahh, kagabi kami nagkakilala ni Marie, marie ang ginamit nyang pangalan kaya hindi ka maintindihan nila nung una." Pagkwento ko
"Ahh, nagkwento na sya sainyo? Anong sabi nya? Ako ba talaga ang dahilan?" Sunod sunod nyang tanong"Oo sa lahat ng yon!" Nakangiti kong sagot
Isang malaking question mark naman ang gumuhit sa mukha nya
"Papaaanong? Ako? Paano?" Tanong nya
"Halos marindi na kami kagabi sa paulit ulit nyang kwento, hanggang sa narealize ko na yung kwento nyo ay may hawig sa kwento namin ni Mae," kwento ko
"Ha? Kayo nun ni Mae yung babae kanina..." gulat nyang sabi
"Oo naman, akala mo kung sinong tomboy yun pero mahal na mahal ako nun" pagyayabang ko"Sabi mo hawig sa kwento nyo ni Mae?" Tanong nya
"Oo, isang accidente, dun kami nagkakilala" sagot ko
"Ahhh...tapos?" Tanong nya
"Actually na explain na namin lahat ng problema na kinaharap namin nun ni Mae, na hanggang ngayon minsan napapagusapan pa din namin. Pare, isa lang ang natutunan ko sa nangyare sa amin ni Mae, hindi ko naman sinasabe na ganun din ang gawin mo. Oras at space. Yan ang ang naging sagot para mag heal ang mga sugat namin, humupa ang lahat ng nangyayareng gulo." Sabi ko
"Hindi ko na kayang malayo sa kanya!" Medyo napapaluha nyang sabi
"Magtiis ka, ano naman yung 2 years? Enough na yun para sainyong dalawa na mahilom lahat ng sama ng loob, sakit at kung ano ano pa." Sagot ko
"2years?!" Gulat nyang sabi
"Joke lang, Ang ibig kong sabihin nasa sainyo yan pare kung gaano katagal, kayo lang makakapagsabi na okay na, handa na kayo uli." Sagot ko
"Yun ba ang ginawa nyo ni Mae?" Tanong nya
"Oo, mahirap pare, sobrang hirap, ilang beses akong sumuko at sinundan si Mae, gustong gusto ko na syang makausap, pagusapan ang mga bagay bagay para maging malinaw sa kanya ang mga nangyare pati din sa akin dahil andaming tanong na dapat sagutin pero narealize ko pare na yung mga sagot na hinihinge ko, ang tanging makakapagdala lang nun ay ang space na naghihiwalay sa amin." Kwento ko
Nakayuko lang si Greg habang nakikinig.
"Yung space na yun pinakita sa amin kung gaano kahalaga ang bawat isa sa amin, sinagot nito lahat ng tanong na hinahanap ko. Yung space at oras ding yun, ay ang tumulong sa amin na mag hilom ang mga sugat na dala ng kaguluhan na nangyare sa amin, natutunan din namin nung time na yun ang pagmamahal namin sa aming sarili, na nakalimutan namin sa kagustuhan na mahalin ang isat isa ng todo todo, masama pala yun kaya nang nagkagulo gulo parehas kaming naging talunan katulad ng sainyo ni Iyang" pagkukwento ko
"Hindi ko kakayanin" mahina nyang sabi
"Kakayanin mo yan" pagtapik ko sa kanya

BINABASA MO ANG
The Top Spot ( TAGALOG )
RomanceThis isn't about boy meets girl. This is not your classic romantic love story, this is about how a girl get into the Top Spot, with her twisted life events and twisted love affairs. Ofcourse, there will be a boy, that will add up and give more spic...