Chapter 9

256 20 9
                                    

Chapter Nine

"throwback thursday nanaman!" sabi ko habang naglalakad papuntang school.

Hindi na ako sumabay kina kuya, masyado na silang busy para makigulo pa ako sa kanila.

Okay na din to para makapag me' time naman ako.

Ilang beses ko ng pina'ulit-ulit ang nangyari kahapon at ng mga nakaraang araw, parang tama si kuya ang bilis ng pangyayari. I mean hindi naman nya literal na sinabe yun... Pero alam kong yun ang ibig sabihin nya.

Mukhang wala pa akong makakasama mamaya dahil sa may tampo pa ata si Rica at Jr.

Para na ngang nakakawalang gana ng pumasok pero shemz ! Ito ang magiging first day namin ni Rocky as a couple ! Kamusta naman yun ?! Kaya medyo na'eexcite ako kapag naiisip ko yun.

Nakarating na ako ng school na medyo pawis dahil na rin sa paglalakad. Umakyat na din agad ako sa room, wala ng dumudumog na madlang pipol sa room.

Bakit kaya ? Wala si Rocky ?

" Hi bitch !" bati ni Gigi

"Pwede ba ! Wag ngayon ?! Wala ako sa mood ! Baka madagdagan ko lang yang nasa mukha mo !" Sagot ko

Halatang natakot naman ang gaga kaya agad bumalik sa kinauupuan nya.

Grabe, kailan ba mag babago ang mga bruhang ito ?! College students na kaya kami ?! Asal highschool pa din.

Nakasimangot akong umupo sa pwesto ko. Wala pa sina Rica.

"LQ ka agad ?" Tanong ng seatmate ko si Charm

" Hindi naman, medyo stress lang." Sagot ko

" Oo naman, nakakastresa talaga, maging girlfriend ba naman ng isang famous na lalaki.dito sa school sino bang hindi ma-iistress tapos yung lalaki pa na yun ay ano.." hindi na natapos ni Charm yung sinasabi nya ng magtiliian ang mga babae at bakla sa labas ng room.

" ayos." nasabi ko

Ngumiti naman sa akin si Charm

Matipid na ngiti naman ang sinukli ko sa kanya.

" Goodmorning Baby.." Bati ni Rocky mula sa likuran ko

" Morning..." mahina kong sagot

Bago pa makasalita uli si Rocky dumating na si Maam Tan.

" Goodmorning Class, so after we discuss about writing a composition...." pag sisimula ni maam

Haay.

Wala pa sina Rica at Jr

San nagpunta yun, di ba sila papasok ?!

Natapos ang klase ng late medyo lumampas kami sa oras dahil sa nag paquiz pa si maam.

Wag kayong mag alala hindi ako bokya. English naman yun eh kering keri ko yun.

" San sunod mong klase ?" tanong ni Rocky

" Sa kabilang building.." mahina ko pa ring sagot

" hatid na kita.." sabi niya

" salamat.." mahina ko pa ring sagot

Hinawakan naman nya kagad ang aking kamay, at dinala ang aking backpack. Oo aaminin ko kinikilig nanaman ako ngayon pero, ewan ko ba nasstress pa din ako kaya hindi ako makapag react ng maayos sa mga nangyayari.

Ilang nag cchismisan na mga estudyante ang nadaanan namin na obvious naman na kami ang pinag uusapan, mga fanatics ng tambalan naming dalawa dahil may nagpapicture pa sa amin, grabe ?!! Hindi ako makapaniwala nung sinabe nung babae kung pwede magpapicture akala ko kay Rocky lang kaya napa atras ako ng unte pero hindi, sinama nila ako sa picture picture nila.

The Top Spot ( TAGALOG )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon