Heracyl POV
Maaga akong namulat sa katotohanan na hindi lahat ng pamilya ay buo habang lumalaki ka. Isa na ako do'n dahil maagang kinuha sa amin ng Mama ko ang Papa ko, namatay siya sa isang aksidente. Masakit para sa isang batang tulad ko na walang nakakasamang ama habang lumalaki.
Pero kahit gano'n pa man ay hindi ko naramdaman na may kulang sa pagkatao ko dahil ginawa lahat ni Mama para sa akin, para hindi ko isipin na hindi ako kumpleto sa buhay ko. Masaya pa din ako dahil kahit sa konting panahon ay nakasama ko ang Papa ko, ganyan talaga ang buhay hindi natin masasabi kung hanggang saan lang tayo at kung kailan niya babawiin ito sa atin.
Hanggang sa isang araw ay sinabi sa akin ni Mama na may nakilala siyang isang tao na minahal niya at mahal din siya, sobrang saya ko na makitang masaya ang ina ko dahil alam kung deserve niya ang bagay na 'yon. She did everything para lang mabuhay niya ako at hindi ako hahadlang sa mga gusto niya.
Sinabi niya din sa akin na may mga lalaking anak ito at isa itong kilala na businessman. No'ng una ay nagdadalawang isip ako dahil natatakot ako para sa amin ng ina ko dahil hindi namin ka level ang taong mahal niya pero ng makilala ko ito ay nawala ang pangamba ko dahil mabait ito at tanggap kami.
Hanggang sa nagdesisyon itong do'n na kami tumira sa kanila para naman mas makilala ko pa ang kanyang mga anak at masanay na kami sa isa't isa lalo na't nagpaplano na silang magpakasal kaya magiging isang pamilya na kami.
Simula ng lumipat kami sa kanilang mansion ay ramdam ko naman na tanggap naman nila kami, maliban na lang kay Jared na bunsong anak ng mga Fontanilla na halata kung ayaw sa akin.
"Are you okay Heracyl?" napatingin ako kay Kuya Zach ng bigla siyang magtanong sa akin, pati tuloy sila Mama at Tito ay napatigil din sa pagkain.
"May problema ba iha?" segunda naman ni Tito.
"W-wala naman po, napansin ko lang kasi na wala si kuya Jared ngayon." sagot ko sa kanila.
"Hayaan mo na 'yong kapatid ko na 'yon. Madalas talaga siyang hindi sumasabay sa pagkain kaya masanay ka na." saad ni kuya Zach.
Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Siguro ay hindi pa ako sanay sa ugali ng isang 'yon.
"May pasok ka ngayon sa Cafe diba? Ipapahatid na lang kita sa driver." tanong ni tito sa akin.
Tumango naman ako. "Huwag na po tito, kaya ko naman mag commute at saka sanay na ako do'n." anas ko.
"Ang mabuti pa ay ako na ang maghahatid sayo bago ako pumasok sa kompanya." presenta naman ni Kuya.
"Ay naku kuya huwag na, alam ko naman na marami ka din ginagawa. Ayaw kung makaabala pa sayo." tanggi ko sa kanyang alok.
"Wala naman kaso sa akin 'yon Heracyl dahil parehong way lang din naman ang papunta sa pinagtatrabahuhan mo at sa kompanya." sabat niya naman at sa huli ay wala na din akong nagawa kung hindi ang pumayag.
At dahil tapos na naman akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na aayusin ko lang ang gamit ko para hindi na maghintay pa si Kuya Zach kapag aalis na kami. Nang malapit na ako sa kwarto ko ay nakita ko si Kuya Jared na papunta sa direksyon ko at mabilis akong hinila papunta sa kanyang kwarto.
"K-kuya, b-bakit?" halos utal utal na tanong ko.
"Huwag mo akong tawaging kuya dahil hindi kita kapatid!" madiin na wika niya na nakapagpakaba sa akin.
Akmang aalis na ako ng hinawalan niya ng mahigpit ang braso ko. "L-let me go! Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Anong pinaplano mo sa pamilya ko?" seryosong saad nito.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomanceSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...