Chapter 52

529 6 0
                                    

Reign POV

Isang linggo na ang nakalipas ng huli kaming mag usap ni Clyden, madalas ko din siyang binibisita sa hospital pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ipinagluluto ko din siya ng pagkain at binibigay ito kay Sav para siya na ang magbigay at huwag ipaalam sa kapatid niya na galing ito sa akin. Palagi lang ako nakaupo sa labas ng kanyang kwarto lalo na kapag walang magbabantay sa kanya.

Madalas din dumadalaw dito ang mag asawa, minsan ay sinasama nila ako sa loob at dahil hindi ko naman sila mahindian kaya sumasama ako pero hindi naman ako pinapansin ni Clyden, para lang akong hangin sa paningin niya.

At ngayon naman ay papasok ako sa kanyang silid dahil tinawagan ako ni Sav, kailangan niya kasing umalis dahil may meeting siya sa trabaho, sa susunod na araw ay pwede ng makalabas si Clyden.

Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanya wheelchair. Agad naman siyang napatingin sa akin. "What are you doing here?" tanong niya.

"Tinawagan kasi ako ng kapatid mo na kung pwede ako muna ang magbantay sayo kasi may pupuntahan siyang meeting." sagot ko sa kanya.

"You don't need to do it. Sinabi ko na sa kanya na hindi ko kailangan ng bantay dahil kaya ko naman na."

"Ayos lang naman sa akin Cly, wala naman akong ibang gagawin." pagpupumilit ko.

"Bakit ba ang kulet mo? Sinabi ko na nga na hindi kita kailangan dito!" sigaw niya kaya napayuko naman ako. "Huwag mo akong iyakan Reign , umalis ka na lang kasi." dagdag niya pa.

Umiling naman ako. "Sa ayaw at sa gusto mo ay dito lang ako." pursigidong turan ko.

"Tangina! Hindi ka ba nakakaintindi na ayaw kitang makita? I hate you! Tinataboy na nga kita eh pero siksik ka pa rin ng siksik. Ganyan ka na ba ka desperada ngayon? O baka naman iniwan ka na ni Zach kaya nandito ka." madiin niyang sambit.

"H-hindi, nandito ako kasi gusto ko. Ilang beses ko na ba sinabi sayo na walang namamagitan sa amin, parang kapatid lang ang turing niya sa akin." paliwanag ko sa kanya.

"I don't care! Alam mo sa tuwing nakikita kita ay mas nasasaktan lang ako Reign, kaya kung pwede lang ay huwag ka na lumapit sa akin. Pinagsisihan ko kasing ikaw pa ang minahal at pinili ko eh."

"Pwede pa naman natin ayusin 'to Cly, alam kung may kasalanan ako dahil hindi kita hinayaan na magpaliwanag, masyado akong nadala ng emosyon ko na nakalimutan kung magtiwala sayo. Nasaktan at natakot ako na baka iwan mo ako at piliin mo siya. At alam kung mali ang umalis ako ng hindi nagpapaalam sayo."

"The damage has been done. I had enough Reign kaya tama na, masyado ng masakit kaya umalis ka na. Matagal ko ng tinapos ang kung ano man ang namamagitan sa atin. I'm in the process of moving on already at sana gano'n ka din."

Mabilis ko naman hinawakan ang kanyang kamay, hindi siya pwedeng sumuko, hindi niya kami pwedeng iwan.

"Cly please." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Damn it! Umalis ka na." sigaw niya at tinulak ako dahilan para mapasalampak ako sa sahig, nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

Unti unti akong nakaramdam ng pananakit ng tiyan ko dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin. "Oh my god, not my baby." isip ko.

"R-reign?" pagtawag niya sa akin.

"C-cly, h-help m-me." umiiyak na saad ko sa kanya habang namimilipat.

"A-anong nangyayari? T-tell me." kinakabahan na tanong niya sa akin.

Nasa gano'n na posisyon kami ng magbukas ang pinto at iniluwa no'n si Jared kasama si Hera.

"What's going on?" tanong agad ni Jared.

Tumingin naman ako sa kanya. "J-jared, H-hera."

Napatingin naman sa akin si Jared at mabilis akong nilapitan at binuhat. "Hold on Reign." saad niya at inilabas ako sa kwarto, sumunod din sa amin si Hera.

Jared POV

Mabilis kung dinala sa emergency room si Reign dahil nakita ko kung paano siya mamilipit sa sakit, nakasunod naman sa akin ang asawa ko.

"Is she okay baby?" nag aalala na tanong ni Hera.

"She will baby, I know she will be okay. Pwede bang ikaw na muna dito at kakausapin ko lang si Clyden?" anas ko sa asawa ko at tumango naman ito.

Naglakad ako pabalik sa kwarto ng gago kung kaibigan at naabutan ko siyang nakayuko.

"What did you do, Cly?" galit na tanong ko sa kanya.

"What? Hindi ko sinasadya ang nangyari, sinabi ko na sa kanya na umalis na siya kasi hindi ko na kailangan ng bantay dahil kaya ko naman na, pero masyadong matigas ang ulo niya. Anyway, how is he?"

"Ngayon itatanong mo sa akin 'yan? Nag aalala lang sayo ang tao at gusto ka lang niya makasama!" inis na wika ko.

"Sinabi ko na sa kanya na matagal na kaming tapos pero hindi niya maintindihan. Ayaw ko na nga siyang makita pero sige pa din siya siksik ng sarili niya."

"Ganyan ka ba talaga ngayon? Wala naman ginagawang masama sayo si Reign at nagmamalasakit lang pero kung tratuhin mo ay parang wala kayong pinagsamahan! Alam mo bang siya ang nagluluto ng mga kinakain mo? Binibigay niya 'yon kay Savannah para hindi mo malaman na siya ang naghanda no'n at alam mo din bang halos palagi siyang nandito sa hospital at nasa labas lang siya ng kwartong ito?" inis na saad ko, kung hindi lang siya naaksidente ay mabubugbog ko siya.

"Kung iniisip mo na ang desperado niya para maghabol sayo kahit na ayaw mo na sa kanya ay hindi gano'n Cly, may rason lang siya kung bakit patuloy pa rin siyang umaasa na magkaayos kayo. She is now in danger, they are now in danger dahil 'yon sa katigasan ng ulo mo." dagdag ko pa.

Mabilis naman siyang napatingin sa akin. "They? W-what do you mean Jared?"

Ngumisi naman ako sa kanya. "Ayaw ko sanang pangunahan si Reign pero dahil gago ka ay sasabihin ko na. She is pregnant, she is pregnant with your child." madiin na saad ko. Mas mabuti ng malaman niya ang totoo ngayon.

"W-what? Huwag mo akong pinagloloko Fontanilla!" galit na saad niya sa akin.

"I wish I was joking Clyden but not. Buntis si Reign kaya umalis muna siya pansamantala dahil bawal siyang mastress, masyadong maselan ang pagbubuntis niya. Nakiusap lang siya sa amin na huwag muna sabihin sayo habang hindi pa kayo okay. Ako ang nagsabi sa kanya na do'n na muna siya sa Hacienda namin dahil mas mapapanatag ang loob namin ng asawa ko dahil alam namin na safe siya do'n dahil nando'n si Kuya." paliwanag ko sa kanya.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon