Chapter 39

436 6 0
                                    

Clyden POV

Nandito ako sa bahay nila Jared dahil may kailangan akong ibigay sa kanya, nakita ko naman siyang pababa ng hagdan.

"Hey bro ito na 'yong files na kailangan mo, dinala ko na dito dahil alam kung nakauwi ka na." anas ko sa kanya at inabot ang folder.

Nagtungo naman kami sa kanyang opisina dito sa kanilang bahay, mukhang nag away silang mag asawa base na din sa mukha ng kaibigan ko.

"Spill it." saad ko ng makaupo kami.

"What?" tanong niya naman sa akin.

"What happen? Nakasalubong ko ang asawa mo pero hindi man lang ako pinansin." wika ko.

"Nagkasagutan lang kami."

"Bakit? Ano bang nangyari?" pangungulit ko naman.

Nagsimula na siyang mag kwento hanggang sa nangyari kanina sa restaurant habang ako ay tahimik lang na nakikinig.

"Hmmm, marahil sumama ang loob sayo ang asawa mo. Hindi mo din naman masisisi si Hera kung bakit kasi nga busy ka sa trabaho kaya hindi na kayo nagkakaroon ng oras sa isa't isa." komento ko.

"Alam ko naman 'yon at palagi ko naman sinasabi sa kanya lahat ng ginagawa ko. Naiintindihan niya din naman at sinabi kung babawi ako kapag maayos na ang lahat."

"Nando'n na tayo sa bagay na 'yon but what happen earlier is different bro dahil kung ikaw ang nasa posisyon niya gano'n din siguro ang magiging reaksyon mo. Ang alam ng asawa mo apat kayong nasa meeting tapos makikita niyang dalawa lang kayo ni Clarisse at isa pa kitang kita niya na masaya kang nakikipag usap sa ibang babae habang kayo hindi nagkakaroon ng quality time tapos mukhang sweet pa ang gesture ng kliyente mo sayo. Syempre sasama ang loob niya at hindi maiiwasan na mag isip siya ng kung ano base sa nakita niya." paliwanag ko. "And what's worse is you apologize to Veronica in front of your wife. Anong gusto mong isipin niya do'n? Papasok sa isip niya na pinapamukha mo sa kanyang siya ang may mali kasi ikaw ang nag sorry sa kliyente mo dahil sa ginawa ng asawa mo." dagdag ko pa.

"I just want to protect her dahil nasa public place kami, ayaw ko naman mapasama ang asawa ko sa ibang tao." depensa niya.

"Your reason is valid pero nasaktan mo pa din ang feelings ng asawa mo lalo na't sinabi mo pa sa harap niya na huwag gumawa ng eksena sa restaurant without thinking what she will feel. Valid din naman ang rason niya kung bakit naging gano'n ang reaksyon niya. Mali ang naging kilos mo p're dahil iniisip mo ang nararamdaman ng kliyente mo dahil sa mga sinabi ng asawa mo kaya nakalimutan mong may feelings din si Hera, na nasasaktan din siya dahil sa mata mo mukhang siya pa ang may kasalanan." saad ko.

Tumayo na ako. "I need to go now. Kausapin mo na lang ang asawa mo."

Jared POV

Nang makaalis ang kaibigan kung si Clyden ay lumabas na din ako ng opisina para puntahan ang asawa ko, alam kung nasa pool area lang siya.

Habang papalapit ako sa kung saan si Hera ay may narinig akong kausap niya sa phone, mukhang si Savito. Tumigil muna ako sa paglapit sa kanya at nakinig sa sinasabi niya sa kanyang kaibigan.

"Nakakasama lang talaga ng loob best kasi parang ako pa 'yong may kasalanan sa nangyari kanina."

"At hindi ako makapaniwala na he apologize to that woman in front of me na parang nag aalala pa siya sa kung anong nararamdaman ng babaeng 'yon dahil sa mga sinabi ko, parang mas nacomfort niya pa 'yon kaysa sa akin na asawa niya. Parang nasa isang laban ako na basta na lang tinalikuran ni Jared para kampihan ang ibang tao."

"Tapos ako pa pala ang nagmumukhang gumawa ng eksena sa restaurant na 'yon? So anong gusto niyang gawin ko hayaan na lang gano'n? "

"I feel betrayed by my own husband."

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon