Jared POV
Nagising ako na wala na ang asawa ko sa aking tabi, marahil ay nasa baba na ito. Napagod yata ako kagabi kaya tinanghali na ako ng gising mabuti na lang at sabado ngayon kaya walang pasok sa opisina.
Bumangon na ako para sana lumabas at puntahan si Hera ng bumukas ang pinto at nakita ko siya na nakangiti sa akin na may dalang tray na may lamang pagkain.
"Good morning baby." panimulang bati niya at naglakad palapit sa akin.
"Maaga ka bang nagising? Akala ko tulog ka pa." saad ko at hinalikan siya sa pisngi."
"Dapat nga ay tulog pa ako ngayon dahil hindi mo ako hinayaan na makapag pahinga ng maaga kagabi." natatawang anas niya.
"I just miss you at hindi ko mapigilan ang sarili kung angkinin ka ng paulit ulit at alam ko naman na gusto mo din." nakangising turan ko.
Hinampas niya naman ako sa balikat. "Kumain ka na nga lang, hindi kung ano ano ang lumalabas diyan sa makasalanan mong bibig."
Natawa naman ako dahil sa inasta niya. "What? Makasalanan na pala ang tawag mo dito?" turo ko sa labi ko. "Hindi ba dapat isa ito sa nagpapaligaya sayo at nagdadala sa langit?" pang aasar ko sa kanya.
"Ang manyak mo talaga."
"Kumain ka na ba? Sabay na tayo." pag aya ko sa kanya.
"I'm already a full baby."
"Bakit kasi hindi mo ako ginising ng maaga." pagmamaktol ko.
"Ang himbing kasi ng tulog mo mister at isa pa alam kung pagod ka."
"Hindi naman ako napapagod sa pagdala ko sayo sa langit, sapat na sa akin ang marinig ang mga ungol mo." wika ko.
"Siraulo! What I mean is pagod ka sa trabaho kaya mas okay na tanghali ka na nagising para naman makabawi ka sa puyat at pagod. Iba na naman 'yang nasa isip mo."
"Nakahubad ka kasi sa isip ko." nakangising sambit ko.
Inirapan niya naman ako kaya hindi ko na mapigilan ang mapahagalpak sa tawa.
Umayos naman ako ng upo at nagsimula ng kumain, alam kung siya ang nagluto dahil kabisado ko ang cooking skills ng asawa ko.
"Nagkausap ba kayo ni Reign?" tanong ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa akin. "Tumawag siya kahapon sa akin pero hindi naman naging matagal ang pag uusap namin at nakarating na din siya sa Hacienda pero hindi niya naabutan si Kuya Zach."
"Baka may inasikaso lang kaya gano'n." saad ko.
"Alam na ba ni Kuya?"
Umiling naman ako. "Hindi niya pa alam na buntis si Reign, magkakausap din naman silang dalawa niyan." sagot ko sa kanya.
"I hope she will be okay, alam kung malakas si Reign at kakayanin niyang harapin ang pagsubok na ito. Hindi nga lang madali ang maglihi lalo na't hindi niya kasama ang ama ng anak niya pero syempre wala naman tayong magagawa dahil desisyon niya na huwag ipaalam kay Clyden ang tungkol sa pagbubuntis niya."
"I know, ganyan ka din ba ng nagbubuntis ka?" hindi ko mapigilan ang hindi itanong sa kanya dahil alam kung wala din ako sa tabi niya ng mga panahon na 'yon.
Tiningnan niya naman ako. "Hindi pa kasi halos isang buwan pa lang no'n kaya hindi pa nagsisimula ang paglilihi ko pero siguro depende din 'yon kasi meron naman na buntis na kahit isang buwan pa lang ay naglilihi na."
Napabuntong hininga naman ako. "Kung sana nalaman ko lang ng maaga ay sana naalagaan ko kayong dalawa." mahinang bulalas ko.
Agad niya naman hinawakan ang kamay ko. "I told you it's not your fault Jared, siguro ay hindi pa talaga 'yon ang tamang oras."
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomanceSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...