Heracyl POV
Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko sa unit ko, maganda at maayos ang napili ni Sav kaya wala akong naging problema. Iniisip ko nga na malaki ito para sa akin na mag isa lang naman ang titira pero okay na din.
Habang nakaupo ako sa sofa at kumakain ng inorder kung meryenda ay tumunog ang phone ko. "Oh bakit napatawag?" tanong ko agad sa kanya ng masagot ko ito.
"Itatanong ko lang sana kung okay na ba sayo 'yang unit mo? Hindi kasi ako makakapunta diyan dahil marami pa akong trabaho ngayon."
"Ayos na naman ito, malaki nga para sa tulad kung mag isa lang naman." sagot ko sa kanya.
"Malaki talaga ang mga unit nila diyan kaya gano'n. Ang arte mo pa kasi, kung do'n ka na lang tumira sa mga Fontanilla edi hindi mo na kailangan mag condo."
"Kahit ano pa ang sabihin mo sa akin ay gano'n pa din ang isasagot ko kagaya ng sinabi ko sayo ng isang araw. At saka mas okay na ako dito hindi masyadong malayo sa pagtatrabahuan ko kung sakali." anas ko.
"May trabaho ka na? Akala ko ba ay naghahanap ka pa?"
"Naalala mo ba ang naikwento ko sayo si Zane? Tumawag kasi siya sa akin kanina at sinabi niya na maglalaunch sila ng bagong mga brands." wika ko.
"Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya. Psh! Magkaibigan pala ang family at family ko. Oh anong connect?"
"Bakit pakiramdam ko ay iritang irita ka sa kanya? Naiimagine ko ang mukha mo. Hala ka best ha, baka magkakaroon ka na ng lovelife niyan." pang aasar ko sa kanya.
"Hay naku! Tigilan mo ako Heracyl Fae Fernandez sa mga nakakadiring sinasabi mo. Ang hangin ng lalaking 'yon."
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Nag usap pa kami bago siya nagpaalam na ibababa niya na dahil may mga dapat pa siyang tapusin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil pupunta ako sa Velasquez Companya para naman makapag usap na kami ni Zane, sana lang ay may magandang offer siya sa akin para naman hindi na ako maghanap ng iba pang trabaho.
Nang matapos akong kumain ay napatingin ako sa orasan at malapit ng mag 8am, siguro naman nando'n na si Zane sa opisina niya. Hindi ko pa naman sinabi sa kanya na ngayon ako pupunta.
Pumara lang ako ng taxi at sinabi sa driver kung saan niya ako ihahatid. Hindi naman malayo sa condo ko ang kompanyang 'yon sana lang hindi ako abutan ng traffic para hindi ako tanghaliin at baka may meeting 'yon.
Nakarating ako sa harap ng Velasquez building ng 8:30 am, nagbayad lang ako sa taxi at tuloy tuloy ng pumasok sa loob. Alam ko naman na kung saan ang opisina ni Zane kaya hindi ko na kailangan pang magtanong.
Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang opisina niya ay nakita ko ang kanyang sekretarya, ngumiti lang ito sa akin at senenyasan akong pumasok na lang sa loob, mukhang walang ginagawa ang boss niya ah.
Hindi na ako nag abala pang kumatok sa pinto at pumasok na lang ako, naabutan ko si Zane na busy sa kanyang phone.
"Mukhang walang ginagawa ng CEO ngayon ah." saad ko at nagtaas naman siya ng ulo.
"Oh you're here, hindi ka naman nagsabi na pupunta ka." anas niya.
"Gano' n talaga para bibo." natatawang utal ko.
Napailing naman siya. "Kahit kailan talaga puro ka kalokohan."
"Kaya ako nagpunta dito para mapag usapan natin ang sinabi mo sa akin kahapon. Baka naman may maoffer ka sakin na trabaho. Alam mo naman kailangan ko ng puhunan sa Cafe ko." wika ko.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomansSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...