Chapter 46

474 6 0
                                    

Jared POV

Papasok ako ngayon sa condo ni Clyden para kausapin siya, alam kung nandito siya dahil ng nagpunta ako sa kanyang opisina ay wala siya do'n mukhang hindi pumasok ang gago.

Nang makarating ako sa tapat ng kanyang unit ay hindi na ako nag abala pang kumatok at dumiretso na ako ng pasok dahil alam ko naman ang pass code niya. Nang makapasok ako ay nakita ko siyang nakaupo sa kanyang sala habang may hawak na alak, ng mapansin niya ako ay tumayo siya at naglakad palapit sa akin.

"Why are you here fucker?" tanong niya.

Agad ko naman siyang sinuntok ng walang pasabi. "After what you have done to Reign nandito ka lang at nagpapakalasing? Tapos tatanungin mo ako kung bakit ako nandito? Eh gago ka pala eh!" galit na saad ko sa kanya.

Mabilis naman siyang tumayo at pinunasan ang kanyang bibig na dumugo dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko.

"Galit siya sa akin at ayaw niya akong makausap, ayaw ko muna siyang pilitin dahil alam kung nasaktan ko siya kaya binibigyan ko muna siya ng oras para makapag isip. Alam kung galit ka sa nangyayari sa amin at hindi kita masisisi do'n." saad niya.

"Ilang beses na kita sinabihan tungkol diyan lalo na ng sinabi mong bumalik na si Jane pero dahil gago ka ay hinayaan mo pang humantong sa ganito. Sinabi ko na sayo no'ng una pa lang na kung hindi ka pa handa pumasok sa isang relasyon ay huwag na muna hangga't may natitira ka pang pagmamahal sa ex mo dahil magiging unfair ka lang sa bago mo at isa pa concern lang din ako dahil alam kung si Reign ang nililigawan mo ng oras na 'yon." wika ko.

"Mahal ko si Reign at sigurado ako do'n."

"Pero bakit nakipagkita ka pa din kay Jane? Alam kung may rason ka pero pwede naman na sabihin mo 'yon kay Reign para maintindihan niya, look what happened now mas lumaki ang problema mo." saad ko. Agad niya naman ikwenento sa akin ang lahat ng nangyari sa pagitan nila Jane.

"Fuck you! Ang talino mo sana pero bobo ka sa bagay na 'yan. Eh ano ngayon kung may sakit siya? Hindi mo obligasyon ang bagay na 'yon dahil hindi mo naman siya ka ano ano, may doctor siya, may pamilya at mga kaibigan. Halata naman na nagsisinungaling lang siya para makuha ang oras mo at ikaw naman 'tong si gago naniwala din." anas ko.

"May pinagsamahan din naman kami pre at ayaw ko naman na sa huli ako ang masisi. At isa pa gusto ko din na magkaroon kami ng closure para tuluyan ng maging maayos ang kanya kanya naming buhay."

"At nagpadala ka naman? Kung sana sinabi mo lahat sa girlfriend mo ay wala ka sa sitwasyon na ganito ngayon. Paano mo pa makukuha ang tiwala niya ulit pagkatapos niyang marinig ang pinag uusapan niyo ng ex mo? Sinabi mo pang mahal mo siya at mahal mo si Maxine at sinabi mo din na hindi gano'n kadali na iwan si Reign dahil siya ang nandyan ng mga panahong lugmok ka. Ano sa tingin mo ang iisipin niya sa sinabi mo? Syempre she will think na naguguluhan ka at hindi ka makapili sa kanilang dalawa dahil malaki ang utang na loob mo sa kanya." paliwanag ko.

"Hindi naman ako papayag na mawala siya sa akin alam ko sa sarili ko na mahal ko si Reign hindi dahil siya ang nandyan ng mga panahon na kailangan ko ng masasandalan dahil sa pag iwan sa akin ni Jane. Mahal ko siya dahil mahal ko siya at hindi dahil sa utang na loob. I already cut my communication to my ex at sinabi ko na din sa kanya na kahit anong gawin niya ay hindi na ako babalik pa sa kanya. Ayaw kung sirain ang babaeng bumuo ulit sa akin ng mga panahon na naging miserable ang buhay ko."

"So anong plano mo ngayon?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Bibigyan ko muna siya ng panahon para makapag isip, ayaw ko naman siyang pilitin na kausapin ako kung hindi pa siya handa. Alam kung masyado siyang nasaktan dahil kitang kita ko 'yon sa kanyang mga mata ng huli kaming mag usap."

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon