Reign POV
Nagulat talaga ako ng makita ko si Jared ng makalabas ako sa kwarto kung nasaan si Hera at base na din sa kanyang mukha ay alam kung may alam na siya. Hindi ko alam kung paano siya napadad dito at mukhang wala na akong kawala. Alam kung hindi siya titigil hangga't hindi ko sinasabi sa kanya ang lahat.
"Sa totoo lang Jared ay hindi ko alam kung paano ako magsisimula na sabihin sayo ang lahat, saksi ako sa nangyari sa kanya dahil ako ang nagdala sa kanya sa hospital na ito. Hera suffered too much and until now she is still suffering. Kahit ako hindi pa rin makapaniwala na nangyari ang bagay na ito sa kanya, sa inyo. Kasi I didn't expect na kaya mo siyang balewalain kasi alam ko naman kung gaano mo siya ka mahal. Sa mga panahong nagmamakaawa siya sayo na pakinggan mo siya, sa mga araw na umiiyak siya dahil sa pagpili mo kay Amanda." saad ko.
"Hindi si Amanda ang pinili ko at alam niyo naman siguro 'yon. Saksi kayo sa kung gaano ko kamahal si Hera." depensa ko.
"Oo hindi nga siya ang pinili mo pero pinaramdam mo naman 'yon kay Hera! Sinaktan mo ang babaeng sinasabi mong mahal mo. Hinayaan ka namin na marealize mo ang mga bagay bagay pero hindi ko akalain na aabot sa ganito. At ang mas masakit pa nagawa mong iligtas at alagaan ang ibang tao but you failed you help and protect Hera when she needed you the most!" madiin na wika ko.
"Hindi totoong tinulak ni Hera si Amanda kagaya ng nakita mo o sinasabi sayo ng babaeng 'yon. Kung tutuusin nga ay dapat kay Amanda ka magalit dahil itutulak niya sana si Hera sa hagdan dahil may nalaman siya at ayaw niyang ipaalam sayo ni Hera 'yon dahil iniisip niyang hindi ka niya makukuha kapag nagkataon. Habang nag aaway sila ay nawalan ng balanse si Amanda kaya siya nahulog at sakto na dumating ka." dagdag ko pa.
"You know why I hate you? Kasi nasasaktan ako para kay Hera at sa nangyari sa kanya she don't deserve all of this. Ikaw ang sinisisi ko kung bakit siya naging ganyan. Kung bakit siya nadepress at nawala sa katinuan!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
Nakita ko naman na napatingin siya sa akin. "What do you mean Reign?" tanong niya.
"Bago nangyari ang lahat ng 'yon ay galing ako sa isang meeting at dahil free naman ako nagpasya akong puntahan si Hera sa bahay niyo para yayain sana na lumabas dahil alam kung nagkukulong lang siya do'n dahil wala ka. Nang makapasok ako do'n ay hindi ko nakita ang mga katulong niyo kaya iniisip ko na baka day off nila. Umakyat ako sa taas dahil alam kung nandon'n lang si Hera sa kwarto mo, hindi pa ako nakakaabot sa taas ng marinig ko ang sigaw niya kaya mapatakbo ako at pinuntahan siya. P-pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Hera na umiiyak habang nakasalampak sa sahig. Tatanungin ko sana siya kung ano ang nangyari ng napansin kung may d-dugo. Sa sobrang taranta ko ay mabilis kung tinawagan ang driver ko para pumasok sa loob at tulungan ako na dalhin siya sa hospital. L-labis ang takot ng mga sandaling 'yon dahil nanghihina na si Hera, halos mawala na ako sa sarili ng oras na 'yon dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. S-sinabi sa akin ni Hera, she tried to call you, she also sent a message to you asking for help dahil iniisip niya na ikaw ang unang taong tutulong sa kanya but J-jared you failed her." halos humagulgol na ako.
"J-just continue Reign, p-please." nakita ko din na basang basa na ang mukha niya ng luha, hindi ko alam kung kakayanin niya pa ang susunod kung sasabihin.
"Jared." tawag ko sa kanyang pangalan at tumingin naman ito agad sa akin, kitang kita ko sa kanyang mga mata ang labis na sakit at pagsisisi.
"H-hera is pregnant with your child." mahinang saad ko.
"A-ano?" halos paos na boses niya.
"P-pero wala na siya Jared, h-hindi siya nakaligtas ng duguin si Hera, alam ni Amanda na buntis si Hera at ayaw niyang malaman mo 'yon dahil mawawalan na siya ng pag asa sayo. Alam natin na matagal ng may gusto sayo ang babaeng 'yon. Ang sabi sa akin ng doctor ay puyat, stress, pagod, gutom at depresyon ang naging sanhi ng lahat. I even questioned myself that time na k-kung sana maaga akong nagpunta ay nailigtas ko pa sila. H-hindi ko alam ang gagawin kaya tinawagan ko si Sav at pinaalam sa kanya ang nangyari dahil natatakot ako sa oras na malaman ni Hera ang nangyari sa anak niya ay alam kung hindi niya matatanggap." galit na turan ko.
Nakita ko siyang nakayuko at napansin ko ang pag galaw ng kanyang balikat senyales na umiiyak ito. Hindi ko siya masisisi dahil alam kung nasasaktan siya ngayon sa nalaman niya but he deserve to know the truth now dahil nandito na din naman siya.
Nakita ko din ang pagkuyom ng kanyang kamao sa labis na galit. "H-hindi ko alam, w-wala akong alam Reign. Ang pagkakaalala ko naiwan ko sa kwarto ni Amanda ang phone ko ng araw na 'yon dahil may meeting ako. Wala siyang binanggit sa akin na tumawag si Hera at wala din akong nabasa na message." halos nanghihina na ang kanyang boses.
"Sigurado akong alam 'yon ni Amanda at hindi niya sinabi sayo dahil gusto niya na tuluyan na kayong magkasira. Hindi niya nga sinabi sayo na buntis si Hera diba kahit alam niya naman ang totoo. Sobrang masama ang loob ko sayo Jared kahit na kaibigan pa kita, alam kung hindi mo ginusto ang nangyari pero hindi mawala sa isip ko ang sisihin ka. K-kasi... kung pinakinggan mo lang si Hera ay hindi mangyayari ang lahat ng ito, hindi mawawala ang anak niyo. Ang sakit lang isipin na.. Habang inaalagaan mo ang ibang tao ay unti unti mo naman dinudurog ang taong mahal mo. Ang laki laki ng hinanakit ko sayo, kasi.. Nagawa mong iligtas si Amanda pero hindi mo 'yon nagawa sa mag ina mo. You.. failed to protect your soon to be family. You.. failed Hera and your unborn child." madiin na wika ko.
Awa ang nararamdaman ko ngayon habang kaharap kung umiiyak si Jared, kung ibang tao ang makakikita sa kanya ay magtataka ang mga 'yon dahil kilala siya sa masungit, cold at walang pakialam sa paligid. Pero sa nakikita ko ngayon ibang Jared ang kaharap ko. Puno ng sakit, pagsisisi, galit at hinagpis na Jared ang nasa harap ko.
At kahit na galit ako sa kanya ay kaibigan ko pa din siya at alam kung sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon. Tumayo ako at lumapit sa kanya, rinig na rinig ko ang paghagulgol niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomanceSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...