Jared POV
Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas simula ng makaalis si Hera, para akong natuod sa kinatatayuan ko at hindi matanggap ng sistema ko ang pag uusap na nangyari sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko inaasahan na masasabi niya sa akin ang mga katagang 'yon, naniwala ako sa sinabi niya noon na mahal niya ako at hindi magbabago ang nararamdaman niya para sa akin pero ano itong sinabi niya ngayon na hindi niya na ako mahal? Pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya lang ako.
Hindi ko na alam kung ano pang paniniwalaan ko sa kanya, siguro nga ay talagang hindi niya ako minahal dahil kung totoong mahal niya ako ay hindi niya ako magagawang saktan ng ganito. Marahil ay ako lang talaga ang nagmahal sa amin ng totoo.
Nanatili pa ako do'n ng ilang minuto hanggang sa umabot pa ng isang oras pero hindi man lang siya bumalik. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Malinaw naman ang sinabi niyang hindi niya ako mahal. Mayamaya pa ay nagpasya na akong umalis sa lugar na 'yon.
Pagsakay ko sa aking kotse ay do'n na bumuhos ang luha ko, ang sakit sakit ng ginawa sa akin ni Hera. Handa akong ibigay sa kanya ang lahat, binigay ko lahat ng pag intindi at suporta sa kanya, minahal ko siya ng lubos pero tangina ito lang pala ang igaganti niya sa akin. Sakit lang ang ibabalik niya!
Ininstart ko na ang sasakyan ko at nagsimula ng magdrive, pakiramdam ko ay namamanhid ang buong pagkatao ko. Ang tanga ko para maniwala na mahal niya din ako. Sisiguraduhin ko na ito na ang huling beses na magpapakatanga ako dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Sukong suko na ako.
Seryoso lang akong nag drive kahit na basang basa na ng luha ang mga mata ko, nakakatawa na pagdating sa business ay matalino ako pero nagawang bilugin ni Hera ang ulo ko, nagawa niya akong paglaruan.
Nakaramdam ako ng galit, hindi sa kanya kung hindi sa sarili ko dahil hinayaan kung mahulog ako sa mga patibong niya. Sa dami ng babaeng nagkakagusto sa akin pero minahal ko ang babaeng walang ibang ginawa kung hindi ang saktan ako.
Patuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa hindi ko napansin ang isang sasakyan na nag over take kaya mabilis kung kinabig ang manibela pero huli na ng mapansin kung babangga ako sa isang puno, narinig ko na lang ang malakas na pagsalpok ng sasakyan ko bago tuluyang mandilim ang paningin ko.
Clyden POV
Halos lakad takbo na ang ginagawa ko ng makarating ako ng hospital dahil na aksidente ang kaibigan ko, pauwi na ako ng nakatanggap ako ng tawag kaya dali dali akong nagmaneho para lang makarating dito.
Dumiretso na ako sa ER dahil alam kung do'n dinala si Jared, ano ba kasi ang nangyari. Kinakabahan at natatakot ako, sana lang ay walang mangyaring masama sa kanya. We've been best friend since we are kids, he's like a brother to me kaya hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko makakausap ang doctor.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng ER kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at nagmamadaling lumapit sa doctor. "Sino ang pamilya ng pasyente?" tanong nito.
"He's my best friend, kamusta na siya?" aligagang tanong ko.
"He's still in critical condition as of now, maraming dugo ang nawala sa kanya at marami din siyang sugat na natamo gawa ng pagkakabangga ng kanyang sasakyan. We are still conducting some test as of now dahil tinitingnan pa namin kung may namuo bang dugo sa kanya utak. Pero nasalinan na namin siya ng dugo." paliwanag niya sa akin.
Halos manghina ako sa narinig ko mula sa kanya, hindi pa ligtas ang kaibigan ko sa kapahamakan. Nagpaalam na ang doctor na babalik na muna siya sa loob.
"What happened to my brother?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Zach.
"Nasa loob pa siya ng ER ang sabi ng doctor ay nasa kritikal na kondisyon pa rin siya hanggang ngayon dahil sa mga natamo niyang sugat at marami ang nawalang dugo sa kanya." sagot ko sa kanya.
Napahilamos naman siya ng kanyang mga kamay sa mukha. "Ano ba kasi ang nangyari? Bakit na aksidente ang kapatid ko? Ang tanga niya naman!" ramdam ko ang frustration sa boses ni Zach.
Hinintay lang namin na lumabas ulit ang doctor hanggang sa inilipat na si Jared sa isang private room pero hindi pa siya namin pwedeng lapitan sa ngayon.
Hera POV
Nagising ako na magang mga ang mga mata ko dahil siguro sa kakaiyak ko kagabi matapos ng maihatid ako ni Sav dito sa condo ko, ng una ay gusto niya pang manatili dito para samahan ako pero sinabi ko sa kanya na kaya kong mag isa kaya huwag niya na ako alalahanin.
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit ng mga binitawan kung salita kay Jared dahil alam ko sa sarili ko na puro kasinungalingan lang ang lahat ng 'yon dahil ang totoo ay mahal ko siya, mahal na mahal.
Hanggang sa makapasok ako sa trabaho ay lutang ang isip ko at parang wala ako sa sarili, pakiramdam ko ay ubos na ubos ako ngayon.
"Are you okay?" napatingin ako sa pinto ng opisina ko at nakita kung nakasandal do'n si Zane.
"K-kanina ka pa ba diyan?" tanong ko sa kanya.
Tumango naman ito at saka naglakad palapit sa akin at umupo sa upuan. "Masyadong malalim ang iniisip mo na hindi mo man lang napansin na nandito ako. May problema ba?"
Umiling naman ako. "May iniisip lang ako." maikling sagot ko.
"Ano naman 'yon? Hmm, I think mali ang tanong ko, dapat ay sino naman 'yon?"
"Ano ba 'yang sinasabi mo? Maluwag na yata 'yang turnilyo sa utak mo. Wala ka bang trabaho at nandito ka sa opisina ko para mambwisit?" asik ko sa kanya.
Tumawa naman siya. "Naisipan ko lang mag ikot ikot at napadaan nga ako dito sa opisina mo sakto na bukas ang pinto. Halata nga na lutang ka dahil himala na hindi mo sinara ang pinto."
Bumuntong hininga naman ako at isinandal sa upuan ang ulo ko, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong ni Zane dahil wala talaga akong gana ngayong araw.
"I think you need to go home and rest Hera, mukha kasing kulang ka sa tulad. Makakapaghintay naman 'yang trabaho mo." dagdag na saad niya.
Napatingin naman ako sa kanya. "Can I? I'm really not feeling well now, Zane." mahinang anas ko pero ang totoo hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko.
"You can go now Hera,"
Ngumiti naman ako sa kanya at inayos ang mga gamit ko habang siya naman ay umalis na para bumalik sa kanya opisina.
Nang maayos ko na ang gamit ko ay umuwi na ako sa condo ko para makapag pahinga dahil pakiramdam ko ay sobrang pagod ako at dala na din ng antok dahil wala ako masyadong tulog.
Habang papasok ako sa loob ng kwarto ko ay para akong lantang gulay, gusto kung puntahan si Jared at bawiin ang lahat ng mga sinabi ko pero alam kung hindi na siya maniniwala pa sa akin. At isa pa ay wala na akong mukha na maihaharap sa kanya matapos ng ginawa ko.
Siguro mas okay na din 'to para makapag move on na siya sa buhay niya, alam kung marami ang nagkakagusto sa kanya at makakakita din siya ng babaeng mamahalin niya at mamahalin din siya. I don't deserve him.
Nagsimula na namang tumulo ang luha sa aking mga mata, ako ang nanakit sa kanya pero bakit sobra din akong nasasaktan? Kaya ko kaya siyang makitang may kasama na iba? Kaya ko kayang makita na ngumingiti siya pero hindi na sa akin kung hindi dahil sa ibang babae na?
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomansSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...