Chapter 15

537 7 0
                                    

Hera POV

Ilang beses pa akong dumalaw kay Jared sa hospital pero lagi niya akong tinataboy, kahit na ilang beses na siyang pinagsabihan ni Kuya Zach ay hindi siya nakikinig. Ramdam ko ang sobrang galit niya sa akin at hindi ko naman siya masisisi dahil sinaktan ko siya ng sobra.

At ngayon ay halos tatlong araw na akong hindi nakapunta sa kanya dahil naging busy sa kompanya, hindi ko naman pwedeng iwan si Zane dahil alam kung kailangan niya din ako. At tungkol naman sa Cafe ko ay natapos na, sa susunod na buwan ay bubuksan na ito. Sobrang saya ng nararamdaman ko dahil sa wakas ay natupad ko ang isa sa pangarap ko.

Sa loob ng ilang araw ay marami akong napag isip isip sa buhay ko at ngayon sigurado na ako sa desisyon ko. Gagawin ko ang lahat para makuha ko ulit si Jared, kailangan mapatawad niya ako.

Tama ang sinabi sa akin ni Kuya Zach ng nag usap kami ng nakaraang araw, marami akong narealize sa mga sinabi niya. Who would have thought sa 'yong mga 'yon ay galing sa isang tulad ng babaero? Hanggang ngayon ay natatawa pa din ako sa tuwing naaalala ko 'yon.

Ang sabi niya pa sa akin. "Kung talagang mahal mo ang isang tao ay hindi mo siya bibitawan, kahit ano man ang pagsubok na dumating. Oo minsan makakaramdam tayo ng pagod dahil tao din tayo pero lagi nating isipin na may taong nandyan para sa atin magsisilbing pahinga natin sa nakakapagod na mundo. Hindi masama ang mangarap pero huwag mong kakalimutan ang taong nandyan sayo simula pa ng una at hindi ka iniwan. Magiging masaya ka lang ng tuluyan kung sabay niyong aabutin na dalawa ng taong mahal mo ang mga gusto niyo sa buhay."

"Aray!" napasigaw naman ako dahil may humampas sa akin habang nagmumuni muni ako.

"Para ka kasing baliw diyan na ngumingiti mag isa. Hindi pwede sa kompanya ko ang may saltik sa utak." natatawang anas ni Zane.

"Alam mo ang epal mo!" singhal ko sa kanya.

"Kanina pa kasi ako dito daldal ng daldal tapos hindi ka naman pala nakikinig dahil may sarili kang mundo."

Inirapan ko naman siya. "May iniisip lang ako." maikling saad ko.

"Alam ko naman kung sino ang iniisip mo, sana lang ay mauntog si Jared at makalimutan niyang ikaw ang minahal niya."

"Nyenye! Palibhasa kasi wala kang jowa kaya ka bitter." pang aalaska ko sa kanya.

"Madali akong makahanap kung gugustuhin ko, sa gwapo ko ba namang 'to ang daming nagkakarandapa sa akin."

Binato ko naman siya ng ballpen. "Ang yabang mo! Mas gwapo pa din siya sayo." anas ko.

"Talagang siya lang ang gwapo sa paningin mo, syempre mahal mo eh pero ang tanong ikaw pa kaya ang mahal niya?"

"Whatever! Umalis ka nga at marami pa akong gagawin. Magtrabaho ka na din hindi 'yong kung ano ano ginagawa mo baka gusto mo isumbong kita sa mommy mo." pananakot ko sa kanya.

Umiling iling naman siya at umalis na.

FASTFORWARD ....

Halos dalawang linggo ko ng sinusuyo si Jared pero hindi pa din nawawala ang galit niya sa akin, madalas niya pa din akong sinisigawan at tinataboy pero hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakakausap ng maayos.

At ngayon ay nandito na naman ako sa kanyang opisina at dinalhan siya ng lunch, ang dami ko pang natamong paso sa pagluluto kanina, pero pagdating ko dito ay wala siya. Ang sabi ng kanyang sekretarya ay may meeting daw ito kaya nagpasya na lang akong hintayin siya.

Kinuha ko muna ang phone ko para tawagan siya para malaman niyang nandito ako.

"Who are you?" nalungkot naman ako dahil sa bungad niya.

"Jared, si Hera 'to." sagot ko sa kanya.

"Ano na naman ba ang kailangan mo ha? Huwag mong sabihin na nandyan ka na naman sa opisina ko." singhal niya sa akin.

"Hmmm, paano mo nalaman? And yes nandito ako." anas ko.

"Umuwi ka na."

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita nakakausap." pagpupumilit ko sa kanya.

"Sa tingin mo gusto kitang makausap? Nagsasayang ka lang ng oras mo kaya umalis ka na dahil wala kang mapapala sa akin."

"Ah basta, hihintayin pa rin kita." determinado kung turan.

"Maghihintay ka lang sa wala." at saka ibinaba niya na ang tawag. Alam ko naman na hindi niya ako matitiis kahit na galit siya sa akin. Kahit na tinataboy at sinisigawan niya ako.

Hinintay ko siya sa pag aakalang babalik siya dito sa opisina pero lumipas na ang ilang oras ay wala akong Jared na nakita, imposible naman na hindi pa tapos ang kanyang meeting dahil mag aalas kwatro na ng hapon.

Napabuntong hininga na lang ako, mukhang ayaw niya talaga akong makita. Binitbit ko na lang ang niluto ko ay saka lumabas ng kanyang opisina, nakita ko ang kanyang sekretarya na busy sa kanya ginagawa.

"Aalis na kayo Ma'am?" tanong nito sa akin ng mapansin niya ako, sanay na siya sa akin dahil ilang linggo na din akong pumunta dito.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Oo eh, mukhang hindi pa tapos ang meeting ng boss mo." sagot ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa kanyang relo. "Eh kanina pa po tapos ang meeting ni Sir eh, hanggang 12pm lang naman 'yon. At ang alam ko wala naman siyang iba pang meeting.

Nalungkot naman ako dahil sa sinabi niya, mukhang iniiwasan niya talaga akong makita. "By the way, sayo na lang pala ito. Wala na naman kasing kakain niyan eh." inabot ko sa kanya ang niluto ko.

"Talaga po Ma'am? Pero diba para kay Sir 'to?" tanong niya sa akin.

"Hindi na niya 'yan kakainin dahil sigurado akong busog na siya." sagot ko at saka tuluyan ng nagpaalam sa kanya.

Jared POV

Nandito kasi ako sa Cafe dahil hindi pa ako bumabalik sa opisina simula ng matapos ang meeting. Hanggang 12pm lang sana ang meeting ko pero nagkita kami ng isa sa mga investor ko at nagkayayaan kaya nahihiya naman akong tanggihan ito.

Nang matapos naming mag usap ay bumalik na ako sa kompanya, halos mag 4pm na din pala at hindi ko man lang namalayan ang oras. Nando'n pa kaya siya? Halos dalawang linggo niya na akong kinukulit pero hindi ko siya pinapansin. Hindi ko talaga alam kung anong trip niya sa buhay.

Nang pabalik na ako sa opisina ko ay sinalubong akong sekretarya ko. Is Hera still here?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya. "Kakaalis niya lang Sir pero kanina pa po siya naghihintay sa inyo." sagot niya sa akin.

Napahawak naman ako sa sentido ko, hindi ko alam na tinotoo niya talaga ang sinabi niyang hihintayin niya ako.

"At saka Sir ito oh, dala po ito kanina ni Ma'am Hera, mukhang niluto niya para sayo. Binigay niya kasi sa akin bago siya umalis pero marami naman po kaya tinirhan ko kayo." anas niya.

Tinanggap ko naman ito at saka pumasok na sa loob. Nang makaupo ako ay tiningnan ko ang binigay sa akin ng sekretarya ko. Isa sa paborito kung pagkain at sigurado akong siya ang nagluto nito.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon