Jared POV
Nagising ako na wala na sa tabi ko ang asawa ko kaya bumangon na ako at bumaba dahil alam kung nando'n siya. Wala kasi kaming maids ngayon dahil na ka day off ang mga ito.
Nang makababa na ako ay nakita ko sa sala ang mga nakakalat na design ng asawa ko, 'yong iba dito ay may markang x at 'yong iba naman ay mga punit punit na. Napabuntong hininga naman ako at kinuha ang iba pagkatapos ay dumiretso na ako sa dining table.
"Nandyan na ang almusal mo, kumain ka na lang." anas niya ng makita ako.
"Hindi ka kakain?" tanong ko sa kanya.
Umiling naman ito. "Tapos na ako kaya kumain ka na diyan at baka malate ka pa." sagot niya sa akin at naglakad na patungo sa sala.
Mabilis ko naman siyang sinundan at hinawakan ang kanyang braso kaya nagtataka niya akong tiningnan. "Why? Hindi ka ba dito kakain? Hayaan mo na lang do'n at ililigpit ko nalang mamaya."
"What is this? Bakit sinira mo ang mga designs na gawa mo?" tanong ko sa kanya at pinakita ang mga papel na hawak ko.
"Hindi naman kasi maganda kaya uulitin ko na lang."
Bumuntong hininga naman ako. "Baby I know we have misunderstanding pero huwag mo naman idamay ang passion at trabaho mo. Alam ko kung gaano mo pinaghirapan at pinagpuyatan ang paggawa ng designs ayaw ko mawalan ka ng tiwala sa sarili mong gawa." mahinahon na saad ko.
Umupo naman siya sa sofa at yumuko ng wala man lang sinabi sa akin. Kaya tinabihan ko siya at hinawakan ang kanyang mga kamay.
"I know you are upset to me, alam kung masama ang loob mo. And I'm sorry if you feel that way. Gusto kung mag usap tayo dahil ayaw ko ng nag aaway tayo. Alam kung mali ang naging kilos ko ng huling pag uusap natin, alam kung nasaktan kita sa mga nasabi ko pero Hera hindi ko siya kailanman kinampihan kaysa sayo na asawa ko. I just want to protect you dahil nasa public place tayo ng araw na 'yon at ayaw ko na may masabi sayo ang ibang tao, wala akong pakialam kung isa akong Fontanilla hindi na bale na ako ang mapag usapan huwag lang ikaw na asawa ko." paliwanag ko sa kanya.
"At kahit kailanman ay hindi kita sinisisi sa nangyari ng araw na 'yon kung gano'n ang naging reaksyon mo. Hindi porke't humingi ako ng tawad sa kanya ay pinapamukha ko na sayo na ikaw ang may kasalanan, hindi porke't sinabi kung huwag kang gagawa ng eksena ay ikaw na ang mali. I didn't betrayed you baby, I just wanted to protect you in everything at kahit na kailan ay hindi kita magagawang talikuran dahil asawa kita at mahal kita. Ako ang unang magiging kakampi mo sa lahat ng bagay." dagdag ko pa.
Napatingin naman siya sa akin na animo'y nagtatanong ang kanyang mga mata sa kung ano ang ibig kung sabihin.
"Narinig ko ang naging usapan niyo ni Sav ng gabing mag away tayo at alam kung masama ang loob mo sa akin. Hindi ko man lang alam na 'yon na pala ang nararamdaman mo. We are married right? Sana sinasabi mo sa akin ang bagay na 'yan. At hindi ko nagustuhan na dinadown mo ang sarili mo, Hera hindi ka tanga o bobo dahil lang sa hindi tayo magkapareho ng ginagalawang mundo o trabaho. Ayaw kong isipin mo na sinusumbatan kita dahil sa wala kang alam sa pamamalakad ng isang kumpanya o dahil sa hindi ka isang CEO. Kung iniisip mo ang mga sinasabi ng ibang tao na swerte ka sa akin ay mali sila dahil ang totoo ay ako ang swerte na ikaw ang naging asawa ko, hindi mo kailangan maging mayaman, tagapagmana o pantayan ang kung anong meron ako dahil hindi ko kailangan 'yan. Ikaw at ikaw lang ang kailangan ko sa buhay ko, ikaw ang babaeng minahal at pinili ko maging kasama habang buhay. Nasasabi lang nila 'yan dahil wala naman silang alam sa buhay na meron tayo. So I don't want you to think that way." saad ko habang nakatingin ng seryoso sa kanya.
"I-im sorry, I should apologize to your client because of my behavior." mahinang turan niya.
Hinawakan ko ang kanyang mukha at hinarap sa akin dahil yumuko na naman ito. "You don't need to do that, wala kang kasalanan sa nangyari kaya hindi mo kailangan gawin ang bagay na 'yan. You're my wife, I will protect you no matter what." wika ko.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomanceSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...