Hera POV
Dahan dahan kung iminulat ang aking mga mata at puro puti lang ang nakikita ko, mukhang nasa hospital ako. May mga narinig akong boses at ng tumingin ako sa gilid ay nakita ko sina Sav at Reign na nag uusap.
Mayamaya pa ay nakita kung napatingin sa gawi ko si Sav kaya mabilis siyang lumapit sa akin. "Best mabuti at gising ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin?" sunod sunod na tanong niya.
Hindi ko pinansin ang kanyang mga tanong. "Anong nangyari?"
Nakita ko naman silang nagkatinginan na dalawa kaya ipinikit ko ang aking mga mata para muling alalahanin ang mga nangyari bago ako mapunta sa hospital. Naalala ko na biglang sumakit ang tiyan ko hanggang sa may nakita akong dugo.
"K-kamusta ang baby ko?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Pero mukhang may hindi magandang nangyari base na din sa mga itsura nila. "Ang mabuti pa best ay magpahinga ka na muna dahil hindi pa bumabalik ang lakas mo." anas ni Sav.
"Okay na ako, ang gusto ko lang malaman ay ang kalagayan ng anak ko!" nagsimula ng magtaas ang boses ko. Isa lang naman ang tinatanong ko pero bakit parang hirap na hirap silang sagutin ang bagay na 'yon?
"Best."
"Hera."
Sabay na tawag nila sa akin, hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari at kahit na may hinala na ako ay ayaw kung maniwala hangga't walang kumpirmasyon na galing sa kanila. "Ang dali lang naman ng tinatanong ko pero bakit hindi niyo magawang sagutin?" nagsimula ng tumulo ang luha ko.
"Best, bakit hindi mo sinabi sa amin? Sana naalagaan ka namin. I'm sorry." mahinang bulong ni Sav.
Lumapit naman sa akin si Reign at hinawakan ang kamay ko na mas lalong nagbigay kaba sa akin. "They did everything to save you both pero hindi na kinaya ng anak mo. I'm sorry but the baby is gone."
Halos manghina ako dahil sa narinig ko. "No! This can't be happening. Hindi pwedeng mawala ang anak ko! Siya na lang ang meron ako hindi pwedeng iwan niya ako." nagsimula na akong magwala dahil hindi kinakaya ng utak ko ang nalaman.
Mabilis naman akong niyakap ni Sav habang si Reign say lumabas para tumawag ng doctor. Mabilis naman ang mga ito na pumasok sa loob kung nasaan ako at naramdaman ko na lang na may itinurok sa akin ang isang nurse.
Savannah POV
Iyak lang ako ng iyak dahil sa nakita kung kalagayan ng kaibigan ko, mabuti na lang at nakatulog siya dahil sa gamot na tinurok sa kanya ng nurse dahil hindi siya matigil sa pagwawala. "Ito ang kinakatakutan ko eh, ang magiging reaksyon ni Hera sa oras na malaman niya ang nangyari sa anak niya." mahinang saad ko.
Agad naman akong dinaluhan ni Reign. "Kailangan lang natin ipakita sa kanya na nandito tayo at magiging kakampi niya.
"I hate Jared but I hate Amanda most, kasalanan niya kung bakit nagkagulo gulo ang relasyon ng dalawa at nadamay pa ang batang walang kamuwang muwang." puno ng hinanakit na turan ko.
"Huwag kang mag alala dahil pareho lang naman tayo ang hindi naniniwala na tinulak talaga siya ni Hera, naging kaklase ko din si Amanda at alam ko na masama talaga ang ugali niya. At isa pa malaki ang pagkagusto niya kay Jared ng college pa lang kami kaya hindi na ako magtataka kung gagawin niya ang lahat para makuha lang ito, pero pagsisisihan niya din ang lahat sa oras na malaman ni Jared ang pagsisinungaling niya at ang tungkol kay Hera at sa anak nito."
Habang nag uusap kami ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor, umalis kasi ito ng makatulog na si Hera dahil may kukunin lang na result.
"Doc. kamusta ang kaibigan ko? Maayos lang ba siya?" tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomanceSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...