Jared POV
Mabilis na ipinasok ng doctor ang asawa ko sa delivery room habang ako ay naiwan dito sa labas. Tagaktak ang mga pawis na lumalabas sa akin dahil sa sobrang kaba.
Alam kung hindi madali ang manganak lalo na sa oras ng paglalabor. Ramdam ko ang sakit at paghihirap ni Hera ng papunta pa lang kami dito sa hospital. Sana lang ay maging safe silang dalawa ni baby. Halos dalawang oras na akong naghihintay dito sa labas kaya mas lalong nadadagdagan ang kaba ko. Mayamaya pa ay lumabas ang nurse na may bitbit na bata.
"Congrats Mr. Fontanilla, it's a boy!" nakangiting anas niya at ipinakita ang anak ko sa akin.
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"How's my wife?" tanong ko sa kanya.
"She is okay and safe Sir, nakatulog lang siya dahil sa sobrang pagod pero mayamaya ay magigising din siya at ililipat namin sa private room. Mauuna na muna ako Mr. Fontanilla kailangan ko po munang linisan si baby."
Nakangiting tumango naman ako sa kanya at tuluyan na siyang umalis. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kung ligtas silang dalawa.
Habang hinihintay kung mailipat si Hera sa private room ay saktong pagdating naman ni Savannah kasama si Zane.
"Kamusta ang bestfriend ko?" tanong ni Sav.
"She is fine now, hinihintay ko na lang na mailipat siya sa private room." sagot ko.
"Iyong baby kamusta?" tanong naman ni Zane.
"He is okay also. Nililinis at inaayusan lang siya pagkatapos ay dadalhin din siya sa kwarto kung nasaan ang asawa ko."
Pagkatapos ng isang oras ay inilipat na ng kwarto ang asawa ko. Nandito lang ako ngayon nakaupo sa gilid ng kanyang kama dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising, marahil ay sobrang siyang napagod sa panganganak.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang nurse dala ang anak naming lalaki. Mabilis naman itong kinuha ni Savannah.
"Mr. Fontanilla babalik na lang po ako mamaya para kunin ang pangalan ng baby niyo." wika ng nurse at tinanguan ko naman siya.
Tuwang tuwa ang dalawa sa anak namin na halos ayaw na nilang bitawan. Habang nakatitig ako kay Hera ay bigla kung naramdaman ang paggalaw ng kanyang mga kamay.
"Baby?" bulalas ko at unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.
"Anong nararamdaman mo? Gutom ka ba? Gusto mong kumain?" tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya sa akin. "Nasaan si baby?"
Agad naman na lumapit si Sav na hawak ang anak namin at ibinigay ito kay Hera.
"Ang gwapo niya best, mukhang maraming mapapaiyak 'yan kapag lumaki." pagbibiro nito.
Kita ko naman sa mukha ng asawa ko ang labis na kasiyahan ng mahawakan niya ang anak namin.
FASTFORWARD ...
Ilang buwan na ang nakalipas ng biniyayaan kami ulit ng isang anak na lalaki at masasabi ko na buo na ang kasiyahan na nararamdaman ko sa buhay dahil may mapagmahal at maalaga akong asawa at sweet na anak. Wala na akong mahihiling pa sa buhay dahil sila lang ay sapat na. Hindi nabibili ng pera ang tunay na kaligayahan na sa pamilya mo lang makikita at mararamdaman.
May mga kanya kanya na kaming buhay ngayon. Sina Savannah at Zane ay ikinasal na, hindi kami makapaniwala na matagal na pala silang magkarelasyon at kahit si Hera ay nagulat dim. Ang kuya ko naman na si Zach ay engage na din. Getting strong naman ang mga kaibigan ko na sina Clyden at Reign. At syempre kami naman ng asawa ko ay masaya na sa buhay na meron.
Sino ang mag aakala na kami ang magkakatuluyan ni Hera sa huli? Hindi naging maganda ang pagkikita at pagkakakilala namin. Ang dami naming pinagdaanan sa buhay bago namin makamtan ang happily ever after namin, ilang beses kaming pinaghiwalay ng tadhana, ang daming problema ang kinakaharap namin at higit sa lahat ay sinubok ang pagmamahal namin para sa isa't isa at tiwala sa Diyos lalo na ng mamatay ang una naming anak.
I never thought that the woman I hate will have a space in my heart, the woman I despise at first is the woman who will complete my life. Dumating siya sa buhay ko ng hindi ko inaasahan. At ngayon ay wala akong pinagsisihan na ipinaglaban ko siya dahil hindi ako magiging masaya ngayon sa buhay ko kung sumuko ako.
"What are you thinking?" napabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ng asawa ko.
"Nothing baby, iniisip ko lang 'yong mga pinagdaanan natin." sagot ko sa kanya, nasa eroplano kasi kami ngayon papunta sa New York para icelebrate ang wedding anniversary namin. Hindi namin kasama ang anak namin dahil si Kuya Zach ang nagpresenta na magbantay dito.
Nakita ko naman ang pag ngiti sa akin ni Hera. "Who would have thought na mamahalin ako ng isang Jared Lyndro Fontanilla right? Lalo na't galit ka sa akin noon."
"Hindi naman ako galit talaga sayo it's just I'm thinking about my brother dahil kilala ko siya at alam kung ayaw niyang may bagong kasapi sa pamilya." depensa ko.
"Pero maliban diyan ay galit ka talaga sa akin dahil inaakala mo na may plano akong hindi maganda sa pamilya mo dahil nga hindi naman kami galing sa mayaman na pamilya, sadyang nagmahalan lang ang mga magulang natin."
"But the best thing that happened in my life is you." saad ko.
Binigyan niya naman ako ng matamis na ngiti at pagkatapos ay sumandal na ito sa balikat ko. Ganito pala kasaya ang magkaroon ng sariling pamilya. I realize na kahit gaano ka pa ka kilala o kayaman ay hindi pa din matutumbasan nito ang mayroong buong pamilya. Alam kung marami pa kaming pagdadaanan bilang mag asawa pero handa akong harapin ang mga 'yon basta kasama ko ang asawa at anak ko, alam kung hindi laging saya lang ang mararanasan namin pero hangga't nandyan ang pamilya ko ay wala kaming aatrasan na mga problema.
END
(Sa buhay ay hindi natin kailangan na magmadali lalo na sa pagpili ng taong mamahalin natin. Mas mabuting hintayin natin ang nakatadhana para sa atin. Kahit anong pilit mo sa isang tao o bagay kung hindi ito para sayo ay hindi mo ito makakamtan.) - Hera
(Kapag nagmahal ka ay dapat handa kang masaktan, magsakripisyo at umunawa. Hindi pwedeng kapag mahal mo ang isang tao ay dapat mahal ka din niya. Ang totoong pagmamahal ay walang hinihintay na kapalit. Hindi natin kailangan madaliin ang mga bagay sa paligid natin, ang kailangan lang natin ay maghintay at huwag sumuko. Huwag mong bitawan kung alam mong worth it ito.) - Jared
(May mga taong darating sa buhay natin para magbigay ng lesson pero hindi para manatili sa atin, dumaan lang sila sa buhay natin para matuto tayo sa mga bagay bagay para kapag dumating na 'yong taong para sa atin ay hindi na tayo magkakamali.) - Jane
(Ang pagkakamali ay hindi pwedeng sundan ng isa pang pagkakamali. Ang galit, puot at hinanakit ay walang magandang maidudulot sa ating buhay. Matuto tayong magpatawad kahit pa sa mga taong nakasakit sa atin. At laging isipin na huwag maging sakim o manakit ng kapwa para lang makuha ang gusto natin, buong pusong yakapin at tanggapin ang kung ano ang meron tayo sa buhay at binigay ng Diyos sa atin.) - Zachary
(Parte ng pagmamahal ang masaktan dahil kung hindi ka nakakaramdam ng sakit ay hindi ka totoong nagmamahal. Matuto tayong harapin ang sakit o ang taong nagbigay sakit sa atin at huwag tumakas.) - Reign
(Mas pipiliin ko ang katagang "Pipiliin kita araw araw kaysa mamahalin kita araw araw. Why? Ang pagmamahal ay hindi laging pantay minsan nababawasan o nadadagdagan ito habang tumatagal ang pagsasama niyo pero kung sasabihin niyang pipiliin ka niya araw araw is no matter what happen, kahit anong problema ang dumating, sa kasiyahan at kalungkutan ay nandyan siya para sayo habang buhay kang pipiliin.) - Savannah
(Minsan naguguluhan tayo sa dalawang tao, sa ating nakaraan at kasalukuyan. Pero laging tandaan na hindi lahat ng naging parte ng nakaraana ay dapat binabalikan, always look forward in life. Hindi pwedeng nakaahon ka na sa nakaraang sakit at hirap ay babalik ka pa. Huwag mong sayangin ang taong nagbigay liwanag sa madilim mong buhay, huwag mong hayaan na madurog ang taong bumuo sayo.) - Clyden
----------
Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwento nina Jared at Hera. Sana ay mag natutunan kayo. Godbless you all!
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomanceSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...