Chapter 10

622 7 0
                                    

Hera POV

Nandito na ako ngayon sa conference room habang hinihintay ang pagdating ng taong kakausapin ko, kanina pa ako nagdadasal ng paulit ulit na kung pwede ay si Kuya Zach na lang sana ang makakameeting ko at hindi ang taong nilayasan ko ng ilang buwan.

Sa totoo lang ay hindi pa ako handa na harapin siya, hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kapag muli kaming magkita. Hindi ko sigurado kung galit ba siya sa akin o hindi.

Mayamaya pa ay nagbukas ang pinto ay pumasok ang sekretarya ni Zane. "Ma'am Hera, nandito na po sina Mr. Fontanilla." pag impurma niya sa akin.

"Sige, papasukin mo na sila." anas ko.

Pagkalaan ng ilang minuto ay pumasok ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayong araw. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko but I need to be professional dahil alam kung 'yon din ang gagawin niya sa harap ko.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Have a seat Mr. Fontanilla." saad ko sa kanya, kaya sumunod naman siya kasama ng babaeng kasama niya.

"As of today ako ang mag aasikaso sa inyo dahil may mahalagang meeting si Mr. Velasquez kaya ako na muna ang inatasan na humarap sa inyo." dagdag ko pa.

"Yes, I know. Mr. Velasquez already informed me about it. And he also mentioned to me about you who will assist us. And as you can see I already read all the proposals so I'm quite interested in it. Can you show us the new brands you have also the beauty products." malamig na turan niya.

Mayamaya pa ay isinara niya na ang folder. "Can I see the sample of your works?" tanong nito sa akin.

"Sure Sir, here is the folder of all the products we have. And also we have the sample here as you can see." saad ko at itinuro sa kanya ang mga products.

"Oh you're one of the models of their new beauty products right? You're so beautiful." biglang anas ng babae na kasama ni Jared.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Yes I am." sagot ko.

"Velasquez Company is so lucky to have you. Total package it is." saad niya pa.

Hindi ko alam kung anong relasyon niya kay Jared at kung bakit siya kasama nito. Hindi kaya siya ang girlfriend nito? Imposible naman kasing magsama siya ng iba at alam kung hindi niya ito sekretarya.

"Look Jared, mukhang maganda ang mga clothings at beauty products nila, ang balita ko ay laging sold out it. So I think it will be one of the best sellers in the mall." pag kausap niya kay Jared.

Tumango naman si Jared. "We can try testing it for a week. So that we will know what will be the outcome." wika niya.

Sinabi ko sa kanila ang lahat ng kailangan nilang malaman tungkol sa mga products namin, kailangan ko silang ma impress para tuluyan na silang mag invest sa kompanya, alam ko naman na strikto si Jared kapag business ang pinag uusapan.

At nang matapos kaming mag usap at mukhang nakumbinsi ko naman siya sa mga sinabi ko at willing naman daw ito mag invest. He just need to discuss something to Zane para sa kontrata.

"Thank you for your time Ms. Fernandez, magpapatawag na lang ako ulit ng meeting sa boss mo para mas mapag usapan pa namin ang lahat." saad ni Jared.

"Thank you also for your time Sir," sagot ko habang inaayos ang mga folder.

"So bumalik ka na pala ulit?" biglang saad sa akin ni Jared, hindi ko namalayan na wala na pala dito ang babaeng kasama niya at nauna ng lumabas.

"Ah oo, isinama kasi ako ng boss ko sa ibang bansa para sa mga meetings at nag training din ako sa pag momodel ulit kaya ilang buwan din akong nawala." mahinang turan ko.

"Good for you. It's nice to see you again." saad niya at tuluyan ng lumabas ng conference room.

What the hell just happened? Iyon lang? Iyon lang ang sasabihin niya sa akin? Gosh!

Inis akong lumabas bitbit ang folder, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagkaganito. Matapos ng ilang buwan na hindi kami nagkita 'yon lang talaga ang sasabihin niya sa akin?

Agad na dumiretso ako sa opisina ni Zane pero ang sabi ng sekretarya niya ay hindi pa siya bumabalik kaya iniwan ko na lang ang mga papeles sa kanyang table at nagpadala sa kanya ng mensahe na uuwi na ako dahil pakiramdam ko ay naubos ang energy ko.

Jared POV

Hindi ko inaasahan na si Hera ang makakaharap namin sa meeting na 'yon, ni hindi ko nga alam na nakabalik na pala siya dahil alam ko ay umalis siya kasama ng kanyang boss.

"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ng katabi ko. She's Reign isa siya sa close friend namin ni Clyden. Her family is also one of our investors.

Tumango naman ako. "Oo naman."

Tiningnan niya naman ako ng seryoso. "You can't lie to me Jared, kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali simula ng meeting natin."

Bumuntong hininga naman ako. "Hindi ko lang inaasahan na makikita ko siya do'n." anas ko.

"Who?"

"Si Hera." maikling sagot ko.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata. "You mean siya 'yong babaeng sinasabi mong mahal mo?" pagtatanong niya.

"Yes." sagot ko.

"Hindi mo nabanggit sa akin na sa Velasquez Company pala siya nagtatrabaho at isa siya sa model nila, kaya pala ng una ko siyang makita kanina ay pamilyar siya dahil siya ang face of the Velasquez sa kanilang mga beauty products. So what are you planning to do now? You'll pursue her?"

"Sa ngayon hindi ko pa alam, kailangan ko pa siya ng makausap ulit." saad ko.

Bumalik lang kami sa opisina para ayusin ang ibang mga dokumento at saka nagpaalam na si Reign na mauuna ng umalis samantalang ako ay napag isipan na puntahan si Hera sa kanyang condo.

Nang makarating ako sa building kung nasaan ay unit niya ay tinanong ko agad sa receptionist kung ano ang room # niya at ibinigay niya naman ito sa akin. Isa ito sa pagmamay ari nila Reign kaya kilala na din ako ng mga empleyado dito.

Pagtunog ng elevator ay agad akong lumabas at naglakad papunta sa kanyang unit, hindi ako sigurado kung nandito na siya ngayon pero susubukan ko pa din.

Kumatok ako ng ilang beses at mayamaya pa ay nagbukas ito at nakita ko ang mukha ni Hera. "W-what are you doing here Jared?" tanong niya sa akin.

Himbis na sagutin ko siya ay mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit na ikinagulat niya. Sinubukan niya pa akong itulak pero hindi ako nagpatinag.

"Bitawan mo nga ako Jared, ano bang ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin ng makalas niya ang pagyakap ko.

"I want to talk to you, Hera." saad ko.

"Wala tayong dapat pag usapan Jared!"

"Hindi mo na ba ako mahal?" diretsong tanong ko sa kanya.

"A-ano ba 'yang tinatanong mo Jared? Sinabi ko naman na sayo ang lahat ng huli tayong nag usap diba? Akala ko ba naiitindihan mo na."

"Intinding intindi ko lahat ng sinabi mo noon Hera, kaya nga hinayaan kita sa bagay na 'yon. Pero ngayon na nakabalik ka na siguro naman pwede na." anas ko.

"Jared, hindi pa gano'n kadali 'yon. Hindi naman natin kailangan madaliin ang mga bagay bagay. At isa pa pareho pa tayong busy."

"Ikaw lang naman ang busy Hera dahil ako palagi akong may oras para sayo at alam mo 'yan." wika ko.

"Let's just talk some other time Jared, huwag mo na ngayon please." pakiusap niya.

Bumuntong hininga naman ako. "I will respect your decision, Hera, but expect me not to give up. Binigyan na kita ng maraming panahon para sa sarili mo at hindi ko na hahayaan na mawala ka pa ngayon. I'll wait for you later same place, same time." seryosong turan ko bago tuluyang umalis sa kanyang unit.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon