Jared POV
Kasalukuyan akong pauwi galing sa kompanya ng hindi sadyang natanaw ko si Reign na sumakay sa kanyang kotse, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at sinundan siya kung saan ito pupunta. Hanggang sa napunta ako sa isang hospital, kumunot ang noo ko dahil wala naman akong natatandaan na may nabanggit sa akin si Reign na may na hospital sa pamilya niya.
Hinintay ko muna siyang makababa at saka siya sinundan, kahit na ang daming katanungan sa isip ko ay iwaksi ko muna 'yon dahil gusto ko lang malaman kung ano ang ginagawa niya dito.
Nakita ko siyang huminto sa isang kwarto at saka pumasok, sino ang nandyan? Mayamaya pa ay may nakasalubong akong doctor kaya tinanong ko siya. "Excuse me doc. Itatanong ko lang sana kung sino ang pasyente sa room na 'yan?" saad ko.
"Kayo pala Mr. Fontanilla, matagal ng naka confine ang pasyente diyan halos ilang buwan na din. Si Mr. Heracyl." halos hindi ako makahinga dahil sa sinabi niya.
"Heracyl?" tanong ko pa, gusto kung maka sigurado na tama ang hinala ko.
Tumango naman siya. "Yes, Si Ms. Heracyl Fae Fernandez." do'n na ako tuluyang nanghina sa sinabi niya, nagpasalamat ako sa kanya at umalis din naman siya agad dahil may pasyente pa siya.
Napaupo ako sa bakanteng upuan sa gilid ng kwarto, ang dami dami tanong na pumasok sa aking isipan, paanong siya ang pasyente sa loob?
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at lumabas si Reign, tumayo naman ako para salubungin siya. Nang makita niya ako ay bigla siyang namutla. "A-anong ginagawa mo dito Jared?" nauutal na tanong niya sa akin.
"Ikaw Reign anong ginagawa mo dito sa hospital?" pabalik tanong ko sa kanya na hindi pinapansin ang sinabi niya.
"M-may binisita lang ako dito na kilala ko."
Tiningnan ko naman siya ng seryoso. "Kakilala o kaibigan mo Reign?" madiin na wika ko.
"Ano bang ginagawa mo dito Jared? At bakit napadpad ka dito?" pilit niyang iniiwasan ang tanong ko sa kanya.
Ngumisi naman ako sa kanya. "Bakit parang iniiwasan mo ang tanong ko Reign? May tinatago ka ba sa akin?"
Sunod sunod naman siyang lumunok. "Aalis na ako Jared, may kailangan pa akong puntahan."
Nauubos na ang pasensya ko. "Totoo bang si Hera ang nasa loob ng kwartong 'yan?" diretso kung saad sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ba't umalis si Hera." maang maangan niya.
"Don't fool mo Reign dahil alam kung nandito si Hera kaya huwag mo ng subukan ang magsinungaling o baka gusto mong ako mismo ang pumasok sa loob." pananakot ko sa kanya.
"Iyan ang huwag mong gagawin Jared, hindi ka pwedeng pumasok." pigil niya sa akin.
"And why? I can do whatever I want at alam mo 'yan Reign. Kung gusto kung pumasok diyan at malaman ang totoo ay magagawa ko." anas ko.
"Please Jared, makinig ka sa akin. Oo si Hera ang nandyan sa loob pero hindi ka pwedeng magpakita sa kanya."
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Senenyasan niya naman akong sumunod sa kanya hanggang sa napadpad kami sa rooftop. "What happened to her? Alam mo naman pala kung nasaan siya bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit tinago mo ang bagay na ito sakin?" tanong ko agad sa kanya.
Nakita ko naman siyang tumawa kaya mas nainis ako, anong nakakatawa sa tanong ko? Hindi ko alam kung nang aasar ba si Reign o nang iinsulto. "Tinatanong mo sa akin kung bakit tinago namin sayo si Hera? Hindi ba't busy ka naman sa oh so called friend mong si Amanda na halos hindi mo na nga maalala kung ano si Hera sa buhay mo diba?" nakangising turan niya.
"I'm serious here Reign." madiin na wika ko.
"Seryoso din ako Jared. Huwag mong isumbat sa akin ang hindi ko pagsabi na alam ko kung nasaan si Hera at huwag mo din sisihin ang magkapatid kung itinago din nila sayo ang bagay na ito. Dalawa talaga kami ni Sav ang may alam ng lahat, huli na lang si Clyden ng marinig niya ang usapan namin ng kapatid niya kaya nalaman niya."
"Alam ko na ngayon na nandito siya kaya hindi na kailangan na itago niyo pa sa akin ang kung ano man ang alam niyo. Alam mong hinahanap ko siya Reign, alam mong gustong gusto ko siyang makausap." saad ko.
"Hindi ko ipagkakait sayo ang malaman ang totoo dahil kaibigan kita Jared, pero ang tanong ay handa ka na ba sa malalaman mong nangyari? Will you handle the pain?" makahulugang saad niya sa akin.
"Kaya ako nandito Reign dahil kating kati na ako malaman ang dahilan kung bakit nandito si Hera at kung bakit tinago niyo sa akin ang bagay na ito." seryosong anas ko.
"Sa totoo lang Jared galit ako sayo, galit na galit ako sayo kahit pa kaibigan kita. Kasi ang tanga tanga mo! Naturingang matalino at magaling ka sa business pero tanga ka para hindi malaman ang totoo sa hindi. First I want to clear Hera's name, wala siyang kasalanan sa nangyari kay Amanda, dahil ako ang nakakaalam ng lahat, sinabi 'yon sa akin ni Hera."
Napayuko ako dahil sa sinabi niya. "Alam kung mali ang nagawa ko kay Hera, alam kung kasalanan ko kung bakit siya umalis. Nagpadala ako sa galit ko. Ayaw ko lang naman na may masabi sa kanya ang ibang tao." paliwanag ko.
"May dapat ka pang malaman Jared, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon mo pero sigurado akong ikakadurog mo ito, kagaya ng nangyayari kay Hera ngayon."
Nagtaka ako sa kung ano ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. Hindi pa din malinaw sa akin ang mga sinasabi niya. Pakiramdam ko ay hindi pa 'yon ang kasagutan sa mga tanong ko. Sa nakikita ko kay Reign ay kinakabahan siya na parang hirap na hirap sa mga katagang bibitawan niya.
"Kung ano man ang malaman ko ngayon Reign ay handa ako, gusto kung masagot ang lahat ng katanungan sa isipan ko at alam kung ikaw lang ang makakagawa ng bagay na 'yon. Gusto kung maintindihan kung bakit? Gusto kung malaman ang nangayari kay Hera dahil gusto kung magkaayos kami, gusto kung bumawi sa mga kasalanan na nagawa ko." seryosong turan ko.
Ngumiti naman siya ng malungkot sa akin, nakikita kung anytime ay iiyak na siya.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomansSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...