Chapter 19

532 9 0
                                    

Heracyl POV

Napaupo ako sa kama ko habang umiiyak, hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin o. Masyado na akong nasasaktan sa mga ginagawa at sinasabi ni Jared sa akin. Hindi ko na alam kung hanggang saan ko pa kakayanin ang lahat.

Ang laki ng pinagbago niya, dati hindi niya ako magawang pagsalitaan ng kung ano ano samantalang ngayon parang ang dali na lang sa kanya na saktan ako. Ito na ba ang epekto ng ginawa ko sa kanya o talagang hindi niya na ako mahal?

Pero naniniwala akong mahal niya pa din ako dahil kitang kita ko sa kanyang mga mata ang labis na galit sa lalaking katabi ko kanina sa bar. Hindi ako galit sa kanya dahil sa ginawa niya, galit ako sa sarili ko dahil alam kung nadagdagan ko na naman ang kasalanan ko sa kanya.

Tama pa bang manatili ako sa bahay na ito? Mukhang himbis na magkasundo kaming dalawa ay mas lumalala pa eh.

Tumayo na ako at pumasok sa banyo para maligo, nakakaramdam na din ako ng antok. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Jared bukas. Pero sisikapin ko na kalimutan ang nangyari ngayong gabi. Susubok pa ako ng isang beses kapag wala na talagang nangyari ay siguro kailangan ko na talaga mag move on.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising dahil hindi din ako agad nakatulog matapos kung maligo dahil hindi nawawala sa isip ko ang nangyaring sagutan namin ni Jared. Bumangon na ako at saka bumama, sana lang ay wala na siya dito.

Pagadating ko sa dining area ay nakahanda na ang pagkain, kaya umupo na ako at nagsimulang kumain.

"Manang nakaalis na ba si Jared?" tanong ko sa isang kasambahay.

"Tulog pa po yata si Sir, hindi pa naman siya bumababa simula kanina baka hindi siya papasok Ma'am." sagot nito sa akin.

Nagpalasamat naman ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain, mayamaya pa ay nakarinig ako ng yapak at pagtingin ko ay nakita ko si Jared na mukhang kakagising lang.

"Good morning." nakangiting bati ko sa kanya pero nilampasan niya lang ako.

"Nandito ka pa din pala? Ang tibay mo din 'no." malamig na turan niya.

"Ahm, gusto mo bang pag timpla kita ng kape?" binalewala ko ang una niyang sinabi.

"May mga kamay naman ako para gawin ko kaya hindi ko kailangan na magpatimpla sayo."

Napayuko na lang ako at kumain ulit, ayaw ko naman makipag sagutan sa kanya sa harap ng pagkain. Mas okay na ito ngayon dahil sumabay siya sa akin.

Nakita ko naman ang biglang pagkawala ng kanyang ngiti sa labi kaya tumayo na ako at dinala ang kape papuntang pool area.

Naupo ako malapit sa pool at ibinabad ang paa ko sa tubig, habang nagmumuni-muni ako ay tumikhim si Agatha sa likuran ko.

"Ahm, Ethan ano kasi.."

"What now?" tanong ko sa kanya, magsasalita na lang hindi pa sabihin ang gustong sabihin.

"Aalis sana ako, pwede bang pumunta muna ako sa condo ko?"

Napatingin naman ako sa kanya. "Why? Para magkita kayo ng lalaki mo? Ang cheap niya naman at condo mo pa ang gagamitin niyong meet up place."

Nakita ko naman ang lungkot sa kanyang mga mata kaya iniwan ko na ang tingin ko. "Isipin mo ang gusto mong isipin, nagpaalam lang ako sayo." anas niya.

Natawa naman ako ng pagak. "I know it doesn't matter to you if papayag ako o hindi so bakit ka pa nagpapaalam? At sinabi ko naman sayo na wala akong pakialam kung ano ang gawin mo sa buhay mo dahil hindi naman ako naging parte niyan kahit na kailan." wika ko.

"Ethan please, ayaw kung makipag away sayo. Nagpunta lang ako dito para sabihan ka."

"You can do what you want, buhay mo naman 'yan kung gusto mong umalis dito sa bahay at huwag ng bumalik then go on. Sanay naman na akong umaalis ka kung kailan mo gusto dahil hindi ka naman nakikinig sa opinyon ng iba." saad ko.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon