Jared POV
Halos mag umaga na ng makarating ako sa bahay, pagkatapos ko kasing umalis sa condo ni Zariyah ay dumiretso na ako sa bar para uminom. Hindi naman ako nagpakalasing dahil ayaw ko naman na ma aksidente.
Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si Hera na pababa ng hagdan. "Kakauwi mo lang ba Jared?" tanong niya.
Tumango naman ako. "May pinuntahan lang ako, ikaw ba gising ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Naalimpungatan lang ako at nakaramdam ng uhaw kaya bumaba ako para kumuha ng tubig." nakita ko naman siyang pumasok sa kusina at mabilis ding bumalik at naglakad palapit sa akin at inabot ang baso.
"Anong gagawin ko diyna?" tanong ko sa kanya.
"Baka ipaligo mo pwede naman, syempre iinumin." irap niya.
"Hindi naman ako ang nauuhaw bakit sakin mo binibigay 'yan?" tanong ko sa kanya.
Inirapan niya naman ako. "Tapos na akong uminom kaya dinalhan din kita ng tubig dahil halata naman na lasing ka."
Himbis na kunin ang baso na inabot niya sa akin ay mabilis kung tinawid ang pagitan namin at siniil siya ng halik, ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko. Nang binitawan ko ang kanyang labi ay mabilis ko siyang binuhat paakyat sa kanyang kwarto, wala naman akong narinig na protesta galing sa kanya.
FASTFORWARD..
Seryoso lang akong nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho, galing ako sa kompanya dahil may meeting ako sa isang kliyente at nasira ang araw ko ng makita ko sa opisina ko si Zariyah na naghihintay sa akin.
Ilang beses siyang namakaawa sa akin na mag usap kami at ayusin ang relasyon namin pero hindi ako tanga para pagbigyan pa siya. Ang kapal naman ng mukha niya para humarap pa sa akin matapos ng panggagago na ginawa niya at ng kapatid ko. Kung sa tingin niya ay tatanggapin ko pa siya pwes nagkakamali siya.
Iwinaksi ko na lang sa isip ko ang tungkol sa kanya at nagpatuloy sa pagdadrive ng biglang tumunog ang phone ko at nakita kung si Hera ang tumatawag. Saktong nag stop light kaya sinagot ko ito.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"J-jared, where are you?"
"Pauwi na ako, bakit ba?" sagot ko sa kanya.
"Pumunta ka dito sa ****** hospital, nandito kami."
"W-what happened?" kinakabahan na tanong ko sa kanya.
"Si Daddy mo kasi isinugod namin dito."
Mabilis kung pinaharurot ang kotse ko ng mag go signal na. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero hindi ko maiwasan na hindi kabahan.
Pagadating ko sa hospital ay halos patakbo ako pumasok sa loob at hinanap ang ER na sinabi ni Hera sa akin at ng makarating ako do'n ay nakita ko si Hera at Tita na nakaupo.
"What happened to Dad?" tanong ko sa kanila.
"Inatake siya ng sakit niya sa puso, hindi ko alam ano ang nangyari kasi nasa kwarto ako narinig ko na lang ang sigaw ni Mama kaya mabilis akong lumabas at pumunta sa kwarto nila at nakita ko si tito na nakahandusay sa sahig." pagkwento ni Hera.
"Nasaan si Kuya?" tanong ko sa kanya.
"H-hindi ko alam, nakita ko siya kaninang nagmamadali na umalis."
"Ang alam ko ay magkausap sila ng Dad mo at parang may pinag aawayan silang dalawa hanggang sa lumabas siya ng kwarto namin at pagpasok ko nakita ko na ang Daddy mo." singit naman ni Tita.
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit, alam kung may ginawa na naman si Kuya kaya nangyari ito. Humanda talaga siya sa akin kapag nakita ko siya.
Mayamaya pa ay lumabas ang doctor at tinawag kaming pumasok dahil daw 'yon ang hiling ng Dad ko, pagpasok ko ay maraming nakakabit sa kanyang aparato. "Dad." pagtawag ko sa kanyang pangalan.
"Jared anak, gusto ko lang sabihin sayo na ikaw na ang bahala sa kompanya at iba pa nating mga ari-arian. H-huwag kang magtatanim ng galit sa kuya mo dahil wala siyang kasalanan. Ipangako mo sa akin na magmamahalan kayong dalawa dahil magkadugo kayo. I'm so proud of you anak. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Zachary." mahinang saad niya.
"What are you talking about Dad? Magiging okay ka pa. Mahal na mahal kita." saad ko.
Bumaling naman siya kay Tita. "Salamat sa pagmamahal na binigay mo sa akin, naging masaya ako simula ng makilala ka. Ingatan mo ang sarili mo dahil mahal na mahal kita. Ikaw na ang bahala sa mga bata."
Nagsimula ng umiyak si Tita. "Ano ba naman 'yang mga pinagsasabi mo. Hindi mo kailangan sabihin sa akin ang mga bagay na 'yan dahil naging masaya din ako ng makilala ka. Ikaw ang bumuo sa akin at mahal na mahal kita." saad ni tita.
"Heracyl iha, salamat at dumating ka sa buhay namin. Masaya akong makilala ka at maging anak sa konting panahon. Ikaw na ang bahala kay Jared." wika niya kay Hera.
Mayamaya pa ay biglang nahirapan ng huminga si Daddy kaya pinalabas muna kami ng doctor, kahit na ayaw ko ay wala akong magawa.
Napaupo na lang ako habang hinihintay na lumabas ulit ang doctor, kinakabahan ako sa pwedeng mangyari pero hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan kung maging matatag para sa mga taong nasa paligid ko.
Napatayo ako ng biglang lumabas ang doctor. "Doc. kamusta si Dad? He's okay right?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko naman ang paglungkot ng kanyang mukha. "We did our best Mr. Fontanilla pero hindi na kinaya ng pasyente. He's gone."
Halos manghina ako dahil sa narinig ko, hindi matanggap ng sistema ko na wala na si Dad. Napaupo ako habang umiiyak, hindi ko matanggap na pati si Dad ay iniwan na kami. Alam kung may kinalaman si Kuya kung bakit nangyari ito pero kagaya ng huling hiling ni Dad ay huwag kung sisihin ang kapatid ko.
At kahit na hindi ko pa din tanggap ang pagkawala ni Dad ay wala akong magagawa dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko na maibabalik pa ang buhay niya. I tried to contact kuya pero hindi siya sumasagot at hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Siya dapat ang kasama kung nagluluksa dito pero wala siya.
Marami ang nakaramay sa pagkawala ni Dad, halos lahat ng mga investors ng kompanya namin at mga kliyente ay nagpunta. Limang araw lang ang burol niya dahil ayaw ko ng patagalin pa ito dahil mas nasasaktan lang ako kapag nakikita ko si Daddy.
Isang linggo pagkatapos ng lahat ng nangyari at nailibing na din si Daddy ay nagluluksa pa din ako, parang kailan lang ay kumpleto at maayos kaming pamilya pero ngayon ay wala na din si Dad, habang si kuya Zach ay hindi ko pa din mahagilap hanggang ngayon.
Kaharap ko ngayon ang family lawyer namin dahil pinag uusapan namin ang tungkol sa mga ari-arian na iniwan ni Dad at dahil hindi pa mahanap si kuya ay sa akin na muna lahat ito at ako na muna ang bahalang magpatakbo kasama ang mga nakapangalan sa kanya. Hindi din naman nagtagal si Atty. at umalis na dahil may mga aasikasuhin pa raw ito. Hinatid ko na lang siya sa labas at nagpasalamat sa kanyang tulong.
Pabalik na ako sa loob ng makita ko si Hera na patakbong bumababa sa hagdan na ikinataka ko."Jared, Jared, help me please." sigaw niya sa akin.
Mabilis naman akong lumapit sa kanya. "Calm down Hera, What happened?" tanong ko sa kanya.
"Si M-mama." umiiyak na sambit niya kaya dali dali akong umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ni Dad.
Nakita ko si Tita na nakahandusay sa sahig na walang malay, nasa tabi niya ang mga bote ng gamot. Agad ko siyang binuhat at dinala sa kotse ko habang si Hera ay nakasunod lang sa akin. Mabilis akong nag drive pumunta sa hospital para sakaling mailigtas pa si tita pero bigo din ang mga doctor.
Halos magwala si Hera ng malaman niyang pati ang kanyang ina ay wala na, alam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil 'yan din ang nararamdaman ko ng mawala si Daddy.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomantizmSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...