Chapter 33

535 9 0
                                    

Jared POV

Simula ng malaman ko ang nangyari kay Hera ay madalas na akong magpunta sa hospital, ang mga unang linggo ay hindi naging madali para sa akin dahil ayaw akong makita ni Hera, palagi siyang nagwawala sa tuwing nando'n ako. Hindi naging madali sa akin pero kailangan kung magpakatatag, minsan gusto ko ng mag break down pero hindi ko kaya na makita niya akong mahina.

Inaamin ko na masakit pero kailangan ko tanggapin 'yon dahil alam kung mas nasasaktan siya sa nangyayari at hindi ko siya susukuan. Mabuti na lang ngayon ay kahit papaano kumakalma na siya. Kaya binabantayan ko na siya sa loob pero hindi ako makalapit sa kanya dahil ayaw niya pa, hindi ko naman na 'yon pinipilit pa.

At tungkol naman kay Amanda ay ipinakulong ko siya at sobrang galit sa kanya ang pamilya niya dahil sa ginawa niya. Hindi lang 'yan ang paniningil na ginawa ko dahil sinigurado ko na mawawalan sila ng mga investors. Ilang beses ng nagmamakaawa sa akin ang kanyang mga magulang pero hindi ko sila pinagbigyan, alam kung wala silang kasalanan pero dahil anak nila ito kaya sila nadamay. Hintayin na lang nila na maging okay si Hera at siya lang ang makapag desisyon kung maibabalik ko sa kanila ang lahat.

"Baby, gusto mo bang kumain?" tanong ko sa kanya pero hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin.

"Baka gusto mo kumain ng chocolates, hindi ba paborito mo 'yon? Binilhan kita ng marami." dagdag ko pa pero hindi pa din siya sumasagot, bumuntong hininga na lang ako at naglakad pabalik sa upuan.

"Jared." napatingin naman ako sa kanya ng tinawag niya ang pangalan ko.

"Hmmm, may kailangan ka ba? May gusto ka?" tanong ko sa kanya.

"Why are you here?"

"K-kasi alam kung kailangan mo ako, nandito ako para bumawi sayo. Gusto kung humingi ng tawad sayo dahil sa nagawa ko na namang pagkakamali." saad ko.

"Why now? Bakit ng kailangan kita wala ka? Bakit kung kailan wala na siya saka ka nandito." nakatingin pa din siya sa bintana habang sinasabi 'yon.

Hindi ko na napigilan ang hindi tumulo ang luha dahil sa mga tanong niya. "Naging gago kasi ako, hindi ako nagtiwala sayo ng mga panahon na 'yon. Nagkamali ako kaya nasaktan kita." saad ko.

"Bakit Jared? Bakit hindi mo ako magawang pakinggan at piliin? Akala ko ba ang sabi mo sa akin ako lang ang paniniwalaan mo? Pero bakit kahit anong pilit kong magpaliwanag sayo ay hindi mo ako binigyan ng pagkakataon? Bakit hinayaan mo akong mag isa?" nakatingin na siya sa akin ng sabihin niya 'yon. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang sakit.

"I-im sorry baby, alam kung hindi sapat 'yon para maibsan ang sakit na nararamdaman mo. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para lang mapatawad mo ako. Nawala na sa akin ang anak natin at hindi ako papayag na pati ikaw mawala." seryosong wika ko.

"Uuwi na ba ako?" nagulat ako sa bigla niyang pagtatanong.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ko.

"H-hindi ko alam, natatakot ako na baka pag uwi ko ay maiwan na naman akong mag isa, wala akong kasama, palagi na lang ako mag isa."

"Pero natatakot ako, kasi baka maiwan na naman akong mag isa sa bahay na 'yon. Tapos wala akong kasama do'n, palagi na lang akong mag isa. Iniiwan kasi niya ako."

"I promise hindi ka na mag iisa, hindi na kita iiwan pa." ani ko.

Nanatili pa kami ng ilang araw sa hospital bago ako nagpasya na iuuwi ko na siya sa bahay, unti unti na naman umaayos ang kalagayan niya sabi ng doctor.

Reign POV

Kasalukuyan akong nakaupo katabi si Jared, sinabi niya sa akin ang plano niya na iuuwi niya na si Hera sa kanilang bahay.

"Sigurado ka bang kaya mong alagaan si Hera? May trabaho ka din." tanong niya sa akin.

"Siguro na ako Reign, gusto kung ako ang mag alaga sa kanya. Makakapaghintay naman ang kompanya ko at pwede naman na magtrabaho ako sa bahay. Gusto kung maging hands on sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang gumaling."

Ngumiti naman siya. "Hindi ka namin pipigilan sa gusto mong mangyari dahil karapatan mo naman 'yon. Ikaw ang boyfriend niya at alam kung gusto mo din na makabawi sa kanya. Alam kung hindi madala sa inyo ang magsimula ulit lalo na at nawalan kayo ng anak pero naniniwala ako na magiging okay din ang lahat"

"Salamat Reign, salamat sa lahat ng nagawa niyo kay Hera." saad ko.

"Ano ka ba naman! Hindi na iba sa akin ni Hera lalong lalo ka na dahil kaibigan kita."

FAST FORWARD ...

Isang buwan na ang lumipas simula ng makauwi kami ni Hera sa bahay at ang masasabi ko sa mga nagdaan na araw ay unti unti na siyang bumabalik sa dating Hera na kilala ko, pero may mga oras na nakikita ko pa din siyang umiiyak dahil nangungulila pa din siya sa pagkawala ng anak namin. Hindi pa namin napag uusapan ang nangyari dahil ayaw ko muna na biglain siya dahil sariwa pa ang nangyari sa kanyang alaala.

At ngayon ay pauwi na ako dahil pumunta ako ng opisina, may naka schedule kasi akong meeting kaya kailangan kung harapin sila. Si Kuya Zach ang kasama ni Hera sa bahay dahil dumating ito kagabi, ilang beses din siyang nagpunta sa hospital ng naka confine si Hera do'n, nasuntok niya pa nga ako ng malaman niya ang nangyari at pagkawala ng anak namin.

Pagkapark ko ng kotse ko ay mabilis akong pumasok sa bahay, nadatnan ko si Hera na nakaupo sa sala habang nanonood ng tv, habang si Kuya Zach naman ay kakababa lang ng hagdan.

"Nandito ka na pala, kamusta ang meeting mo?" tanong niya sa akin.

"As always, success! Ako pa ba?" pagmamayabang ko.

"Masyado ka ng mahangin!" singhal niya sa akin.

"Ikaw? Kamusta naman ang ibang property natin?" tanong ko sa kanya.

"Tinatanong pa ba 'yan? Magkapatid tayo kaya alam mo na ang sagot sa tanong mo." pagmamayabang nito.

Agad ko naman siyang binato ng unan. Kung makapagsalita na mahangin ako eh isa din naman siya.

Tumabi naman ako kay Hera. "Ininom mo ba ang gamot mo?" tumango naman siya sa akin.

"Aakyat na muna ako sa taas at magbibihis." saad ko at hinalikan siya sa pisngi.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon