Jared POV
Pagkatapos ng ginawa ko kay Hera ay inutusan ko na siyang maligo at saka ako lumabas ng kwarto ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi lang gano'n ang magawa ko sa kanya.
Sa loob ng tatlong taon na hindi kami nagkita ay masasabi kung ang laki ng nagbago sa kanyang ugali at katawan. Mas naging matured siyang tingnan kumpara sa dating Hera na nakilala ko.
I know I love her already but I will take advantage of her, hindi pa sa ngayon. Alam kung may tamang oras para sa bagay na 'yon. At sana huwag niya ng ulitin gawin sa akin ang ginawa niya kanina dahil baka sa susunod ay hindi na ako makapag timpi at angkinin na siya ng tuluyan.
Nang bumaba ako ay saktong nakasalubong ko ang isa sa mga kasambahay namin. "Sir, luto na ang meryenda." saad nito sa akin.
Umupo ako sa sala at do'n na lang pinadala ang pagkain. Hanggang ngayon ay malinaw pa din sa isip ko ang ginawa ko kay Hera sa kwarto ko. Kailangan ko muna siyang iwasan sa ngayon.
Habang kumakain ako ay napansin ko si Hera na pababa, umupo siya sa tabi ko. "J-jared, what happen e —,"
"Stop, huwag mo ng isipin ang bagay na 'yon.' pagputol ko sa sasabihin niya.
Nakita ko naman siyang tumango at kumuha na lang ng pagkain.
"So what's your plan now? Ang sabi mo ay ayaw mong manatili dito." tanong ko sa kanya.
"I'm planning to rent a condo muna habang inaayos ko ang pagpapagawa ko ng Cafe." sagot niya sa akin.
"Did you find a location already?" tanong ko pa.
Tumango naman siya. "May sinabi sa akin si Sav, alam niya na may mga available unit pa daw sa building na 'yon.
"Good then," sagot ko sa kanya.
"Is it okay with you?" baling niya sa akin.
"Why not? For the past 3 years ay naging independent ka, nakaya mong mamuhay ng mag isa kaya alam kung sanay ka na. I know you need it also for yourself kasi may mga pangarap kang gusto ma abot." saad ko.
"Thank you, Jared."
Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa pagkain at gano'n din naman ang ginawa niya.
Kinabukasan habang nag aayos ako dahil papasok ako sa opisina ay biglang kumatok si Hera sa kwarto ko na agad ko naman binuksan.
"May pasok ka?" tanong niya.
Tiningnan ko naman siya ng seryoso. "Hindi naman sabado at linggo para wala akong pasok sa trabaho."
Ngumuso naman siya sa akin. "Ang sunget mo naman, nagtatanong lang eh. Anyway, kaya ako nandito kasi magpapaalam na ako sayo, pupuntahan ko na kasi yung condo na rerentahan ko." saad niya.
"Inayos mo na ba ang mga gamit mo?" tanong ko sa kanya.
"Yes." nakangiting sagot niya.
"Okay then, tawagan mo na lang ako kapag may problema." anas ko at nagpatuloy sa pag aayos.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap. "Why are you doing Hera?" tanong ko sa kanya.
"Bakit? Masama na bang yakapin ka ngayon? Ang arte mo naman! I just want to thank you for everything Jared." mahinang bulalas niya.
Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at humarap sa kanya. "Hindi mo kailangan magpasalamat sa aki, ginawa ko 'to dahl gusto ko at para na din sa Mama mo. I'm always proud of you." saad ko.
Pagkatapos naming mag usap ay lumabas na siya ng kwarto ko, napabuntong hininga na lang ako. Kahit na gusto ko siya manatili dito ay ko siya pipigilan na umalis. Alam kung may mga gusto pa siyang ma abot sa kanyang buhay, hahayaan ko muna siya sa mga gusto niyang gawin. I will always support her.
Heracyl POV
Kasalukuyang nasa taxi na ako dahil pupunta na ako sa condo kung saan muna ako titira. Si Savannah ang nag ayos nito kaya hindi na ako nahirapan pa makalipat dahil kompleto na ang mga gamit do'n.
Nakakaramdam ako ng lungkot kapag naalala ko ang mansion, hindi madali sa akin iwan ang lugar na 'yon ng mawala si Mama at magdesisyon akong pumunta ng ibang bansa kaya hanggang sa makabalik ako ulit dito ay hindi ko maiwasan na pumunta do'n pero mukhang mali ang naging desisyon kung 'yon dahil sa nangyari sa amin ni Jared. At marahil tama na umalis ako do'n para hindi na maulit pa. Alam ko sa sarili ko kung ano ang totoong nararamdaman ko para sa kanya pero hindi pa ako handa dahil wala pa akong napapatunayan sa ngayon habang siya ay successful na.
Habang nasa byahe ako ay nagring ang phone ko at nakita kung tumatawag si Zane kaya agad ko itong sinagot.
"Hello, bakit napatawag ka Sir?" natatawang saad ko.
I heard him chuckle. "Tigilan mo ako Heracyl sa kakaganyan mo, mukhang wala kang planong ipaalam sa akin na nakauwi ka na dito." saad niya.
"Actually plano ko na talagang puntahan ka sa opisina mo kaso lilipat pa kasi ako ngayon sa condo ko." saad ko.
"Oh akala ko do'n ka titira sa mga Fontanilla?"
"At bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi naman nila ako ka ano ano." anas ko.
"Hindi ka din naman nila pinapaalis ah."
Bumuntong hininga naman ako. "Pero ayaw ko talaga umasa sa kanila kasi hindi naman ako parte talaga ng pamilya nila at ayaw ko na may masabi ang ibang tao. At isa pa gusto kung maabot ang mga pangarap ko na hindi humihingi ng tulong sa kanila." paliwanag ko.
"Ikaw bahala, anyway kaya ako tumawag dahil kailangan kita. May mga bagong brands na ilalabas ang kompany."
"Sige, I'll go there kapag tapos na ako mag ayos ng gamit." saad ko at ibinaba na ang tawag. Nagtatrabaho kasi ako bilang isa sa model ng Velasquez Company, nakilala ko Zane ng nasa ibang bansa ako at nando'n siya para umattend ng meeting.
Zane POV
Napangiti na lang ako ng maibaba ko ang tawag, kahit kailan talaga may pagka mataray ang babaeng 'yon. Isang taon na simula na nagkakilala kami ng may pinuntahan akong meeting sa ibang bansa, nabangga ko kasi siya sa mall ng oras na 'yon hanggang sa nalaman kung pinay pala siya.
Maganda at mabait si Heracyl kaya naging close kaming dalawa at inalok ko siya na maging model, ng una ay nagdadalawang isip pa siya dahil nahihiya siya pero sa huli ay napilit ko din siyang subukan.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang ina at ama ko. "Anong ginagawa niyong dalawa dito? Akala ko ba ay aalis kayo?" saad ko.
"Masama bang puntahan ka muna bago kami umalis? Alam mo naman mamimiss kita iho." sagot naman ni Mom.
"Sinabi ko na nga sa Mommy mo na busy ka at isa pa kaya mo naman na maiwan dito pero nagpupumilit pa din na puntahan ka." segunda naman ni Dad.
"Huwag niyo na akong alalahanin at kaya ko naman ang sarili ko, ang kailangan niyong dalawa ay mag enjoy sa bakasyon ng walang iniisip." anas ko.
"Hindi ko naman sinasabi na hindi mo kaya mag isa, kung bakit kasi ayaw mo pang mag asawa."
"Mommy, alam kung gwapo ako pero hindi pa ako handa sa kasal kasal na 'yan. Ayaw kung madaliin at baka sa huli magkamali pa ako at magsisi." sagot ko sa kanya.
"So son kamusta naman ang kompanya?" tanong ni Daddy.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Ayos lang naman Dad, wala kang dapat ipag alala at isa pa maglalabas ulit kami ng bagong designs at brands next month." wika ko.
"Good to hear that son, you are doing great."
Hindi din naman sila nagtagal at umalis na para hindi sila malate sa kanilang flight. Pupunta kasi sila sa ibang bansa para mag unwind at payag naman ako sa bagay na 'yond dahil alam kung kailangan din ng mga magulang ko ang bakasyon.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomanceSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...