Chapter 43

436 8 0
                                    

Clyden POV

Ilang araw na akong namomroblema dahil kay Jane at alam ko din na napapansin na ni Reign ang pagiging balisa ko dahil palagi niya akong tinatanong mabuti na lang at naniniwala siya kapag sinasabi ko na tungkol lang ito sa trabaho.

Ilang araw na akong ginugulo ni Jane kagaya na lang nitong nakaraang araw na pumunta siya sa opisina ko at niyaya akong lumabas, gusto ko man siya tanggihan pero hindi ko magawa dahil ayaw ko naman sumama ang loob niya at makaapekto sa sakit niya. Yes, she is sick, sinabi niya 'yon sa akin kaya siya umalis noon.

Madalas ko din siyang puntahan sa kanyang condo dahil nagrereklamo siyang may nararamdaman siya, ilang beses ko na din sinabi na sasamahan ko siya sa doctor pero ayaw niya naman at saka may mga gamot naman na daw siya.

Pero hindi ko na kayang magtago pa kay Reign dahil baka 'to pa ang maging dahilan para mag away kami at masira ang relasyon namin. Nakapagpasya na ako kailangan ko ng kausapin si Jane mamaya, siguro naman ay kaya niya ang sarili niya at nandyan naman ang pamilya niya.

Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko at tumatawag na naman si Jane.

"Clyden, please go here. I need you." umiiyak na saad niya, mabuti na lang at nakatalikod si Reign sa akin.

"Where are you? What happened?" tanong ko sa kanya.

"Nasa condo ko."

"Alright, wait for me there. Okay?" anas ko.

Naglakad ako palapit kay Reign. "Babe?" tawag ko sa kanya.

"Why? May problema ba?" tanong nito sa akin.

"May pupuntahan lang ako saglit, pwede bang mauna ka na lang sa condo ko?" saad ko.

"Sure babe." nakangiting turan niya.

Reign POV

Nang makaalis si Clyden ay agad ko siyang sinundan, hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito pero gusto ko lang malaman ang totoo. Malak ang tiwala ko sa boyfriend ko pero minsan hindi mawala sa isip ko ang pagtataka.

Pumara ako ng taxi at saka pinasundan ang kotse ni Clyden, habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba sa kung ano man ang matutuklasan ko. Nagtaka ako ng makita kung huminto ang kotse ni Clyden sa isang condominium building. Anong gagawin niya dito? May kakausapin ba siyang kliyente?

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago bumaba ng taxi, para hindi ako makita ni Clyden.

Nagtanong ako sa isang receptionist kung anong unit ang pinuntahan ni Clyden at mukhang kilala niya naman ako kaya ibinigay niya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil wala naman nabanggit ito sa akin na may binili siyang unit dito. Pumunta na ako sa elevator at dahil maraming tao kaya naghintay pa ako.

Jane POV

"Clyden, kanina ka pa diyan?" pagbanggit ko sa pangalan niya ng makita ko siyang nasa likuran ko matapos kung makipag usap sa kaibigan ko.

"Tama lang na marinig ko ang kasinungalingan mo! Wala kang sakit? Niloko mo ko!"galit na sigaw niya sa akin.

Mabilis ko naman hinawakan ang kanyang kamay. "Cly let me explain, hindi ko sinasadya na lokohin ka." saad ko.

"Hindi? Ginawa mo na nga diba? Pinaniwala mo ako! Iyon pala ay hindi naman totoo. Tangina!" sabay tulak sa akin na muntik ko ng ikabuwal.

"I'm s-sorry, 'yon lang kasi ang naisip kung paraan para makuha ang atensyon mo." anas ko at hinalikan siya pero sinampal niya ako at hindi pa siya nakuntento ay madiin niya akong sinakal. "L-let me go Clyden," mahinang sambit ko.

"Hindi ko alam na ganito ka pala ka desperada Jane, handa lang manira ng relasyon ng iba para lang sa sarili mong interest! Nagsisisi ako na minahal kita dati. Tigilan mo ang pagsubok na sirain kami ni Reign dahil hindi mangyayari 'yon."

"Oh c'mon Clyden alam kung mahal mo pa din ako hanggang ngayon dahil kung wala na talaga ako sa buhay mo ay hindi ka magkakaroon ng concern sa akin." anas ko.

"Dahil pinaniwala mo akong may sakit ka! May pinagsamahan pa rin tayo, pero kung alam ko lang ay hindi na sana ako nagsayang ng panahon sayo." sabay bitaw niya sa akin, halos habulin ko ang hininga ko.

Tumawa naman ako. "Bakit ba ang hirap sayo aminin na kahit papaano ay may natitira ka pang pagmamahal sa akin Clyden, sa tingin mo hindi magagalit si Reign kapag nalaman niyang madalas tayong magkasama, na palagi kang nandito sa condo ko."

"Stop giving some meaning to what I am doing to you Jane, naawa lang ako sayo dahil sinabi mong may sakit ka kaya pumapayag ako kitain ka pero hindi ibig sabihin no'n ay mahal pa kita. Ayaw ko lang na masira ang relasyon na meron ako kay Reign."

"Sa tingin mo mamahalin ka pa niya kapag nakita niya ang picture na'to?" sabay pakita ko sa kanya ng litrato sa bar kung saan hinalikan ko siya.

"Don't try my patience Jane, alam mo kung ano ang kaya kung gawin kaya huwag mo akong subukan dahil hindi mo ako matatakot."

"Kung talagang buo ang pagmamahal mo kay Reign sana sa una pa lang ay sinabi mo na sa akin na hindi mo na ako mahal pero hindi mo 'yon ginagawa Clyden at hanggang ngayon ay hindi mo masabi sa akin ang bagay na 'yon." wika ko. "Alam kung mahal mo pa ako kaya ka naguguluhan sa aming dalawa dahil si Reign ang nandyan ng mga panahon na iniwan kita, minsan nga napapaisip ako kung mahal mo ba talaga siya o minahal mo lang siya dahil siya ang nandyan." dagdag ko pa.

"Huwag mong pangunahan ang desisyon ko dahil hindi ikaw ang may alam kung sino ang mahal ko. Masaya na ako sa buhay ko."

"Really Clyden? So anong nangyari ng nasa bar tayo? Bakit tinugunan mo ang halik ko? That means mahal mo pa din ako diba? Poor Reign hindi niya alam na naguguluhan ang boyfriend niya." panunuya ko.

"Shut up! Hindi ako tumugon sa halik mo at alam mo 'yan!" bakas sa kanyang mukha ang galit.

"Why? I'm just telling the truth, alam mo sa sarili mo na mahal mo pa ako at mahal mo din siya pero ayaw mo siyang masaktan dahil naging kaibigan mo siya bago pa maging kayo." saad ko.

"Wala kang karapatan sabihin sa akin ang bagay na 'yan dahil ikaw ang nang iwan."

Bumuntong hininga naman ako at lumapit sa kanya. "Alam kung kasalanan ko kung bakit ka naghanap ng iba, iniwan kita kahit na ayaw mo akong umalis. Pero nandito na naman ako diba? Bumalik ako para sayo at ramdam ko naman na hindi pa nawawala ang pagmamahal mo sa akin at sigurado ako na kung hindi kayo ni Reign ay babalik ka naman sa akin." anas ko. "Hindi kita masisisi kung bakit ka naghanap ng iba at kung bakit naging kayo ni Reign, siya ang naging sandalan mo ng mga panahon na miserable ang buhay mo dahil sa pag alis ko kaya hindi ako magtataka kung bakit nahulog ang loob mo sa kanya, pero naniniwala ako na may puwang pa ang puso mo para sa akin." dagdag ko pa.

"I love her and I don't want to hurt her."

Nakaramdam ako ng kirot ng sabihin niya ang bagay na 'yon sa akin. Mukhang nakuha na nga ni Reign ang puso niya.

"Paano naman ako Clyden? Ano ba ako sayo?" tanong ko sa kanya.

"Mahal kita pero hindi na pwede. Kung ano man ang meron sa atin ay nakaraan na 'yon Jane."

"Is it because of her?" paninigurado ko.

"Jane as you can see I love Reign, siya ang nandyan ng mga panahon na halos masira ang buhay ko at hindi ko siya kayang saktan."

"Dahil lang do'n? Iyon ang rason mo kung bakit hindi na tayo pwede? Pero masasaktan mo pa din siya kapag nalaman niyang hindi naman buo ang pagmamahal mo sa kanya." pagpupumilit ko.

"Hindi ganyan ang ibig kung sabihin Jane."

Hindi na ako nakapagsalita pa ng makita ko si Reign na nakatayo sa pintuan, mukhang napansin din ni Clyden ang pagtahimik ko kaya sinundan niya ng tingin kung saan ako nakatingin.

"B-babe?" gulat na sambit ni Clyden.

Nakita kung tumakbo si Reign at mabilis naman itong sinundan ni Clyden, ilang beses ko pa siyang tinawag pero hindi man lang ito lumingon at alam ko na sa araw na ito ay talo na ako, na hindi na ako ang pinili ng lalaking mahal ko.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon