Jared POV
Iyak ng iyak lang ako habang nakaalalay sa akin si Reign, halo halo ang nararamdaman kung emosyon ngayon dahil sa nalaman ko pero mas lamang ang sakit at pagsisisi dahil hindi ko man lang alam na magkakaanak na sana kami ni Hera. Galit ako sa sarili ko dahil alam kung isa ako sa dahilan kung bakit nangyari 'yon. Kung sana kinausap ko siya sana buhay pa ngayon ang anak namin. Himbis na ako ang pumoprotekta sa kanila ako pa ang nakapagbigay ng sakit.
Nananalaytay sa buong sistema ko ngayon ang labis na galit para kay Amanda, hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya, kung hindi siya sana nagsinungaling ay hindi nagkakagulo ang buhay namin. Hindi ko mapapalagpas ang ginawa niya, sisiguraduhin kung pagbabayaran niya lahat ng 'yon.
"Alam kung masakit para sayo ang nalaman mo Jared at humihingi din ako ng tawad sa hindi pagsabi sayo kahit alam kung hinahanap mo si Hera, pero 'yon lang ang naisip namin na paraan ni Sav dahil hindi pa maayos ang kalagayan niya." saad ni Reign.
Hindi ko naman siya sinisisi sa pagtago niya ng bagay na ito, naiintindihan ko dahil alam kung kapakanan lang ni Hera ang iniisip nila ni Sav, ang ang laki ng pasasalamat ko sa kanila dahil hindi nila iniwan ito.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad Reign dahil naiintindihan ko. Ako pa nga ang dapat na magpasalamat sayo at kay Sav dahil nandyan kayo ng mga panahon na kailangan ni Hera ng masasandalan dahil wala ako. Tatanawin ko na malaking utang na loob ang bagay na ito." anas ko.
"A-anong sabi ng doctor? Magiging okay naman siya diba?" tanong ko pa sa kanya.
Tumango naman siya. "She just need time to accept what happen to your child, alam mo naman na mas masakit sa isang ina kapag namatayan ng anak. She is suffering also from depression pero naniniwala ako na malalagpasan niya ito."
Nakiusap ako sa kanya na kung pwede kung makita si Hera, ng una ay nagdadalawang isip siya dahil nga sa sitwasyon nito pero nagpumilit ako. Baka kasi kailangan ko lang siyang makausap eh.
Dahan dahan akong pumasok sa loob kasama si Reign at halos hindi ko kayanin ang nakita ko, ang laki ng pinagbago ni Hera. Para siyang patay na buhay, nakatulala lang habang nakatingin sa bintana.
"Hera, gusto mo na bang kumain?" tanong sa kanya ni Reign pero hindi man lang siya sumagot.
Ipinaliwanag naman sa akin ng kaibigan ko na madalas siyang ganito, hindi nila nakakausap dahil tahimik lang siya.
"May gusto pa lang bumisita sayo." pagkausap sa kanya ulit ni Reign at senenyasan ako.
Humakbang ako palapit sa kanya. Hindi man lang siya tumingin sa amin kaya mas nasasaktan ako.
"Hera, baby." mahinang saad ko.
Nakita ko naman ang paggalaw ng kanyang katawan ay mayamaya pa ay tumingin ito sa akin.
"Why are you here? Leave me alone! Umalis ka!" nagsimula na siyang magwala habang sumisigaw kaya naman lumapit si Reign sa kanya at niyakap siya.
"Hush Hera, it's me Reign. Calm down okay? No one will hurt you." pagpapakalma niya.
"No! No Reign he is here. Paalisin ko siya, parang awa mo na. Ayaw ko siyang makita." patuloy pa din siyang sumisigaw at dahil hindi ko na kinakaya ang nakikita ko ay lumabas na muna ako.
Ang sakit, sobrang sakit na ipagtabuyan ka ng taong mahal mo. Mukhang pati sa akin ay nagkaroon siya ng trauma. Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang nakaupo sa upuan, hindi ko maiwasan ang hindi umiyak dahil sa nangyari sa amin ngayon.
"Bro?"
"Jared?"
Napatingin ako sa mga nagsalita at nakita ko si Clyden at Sav na halata sa mga mukha nila ang pagkagulat, hindi yata nila inakala na makikita nila ako dito. Pumasok naman si Sav sa loob ng kwarto habang si Clyden ay umupo sa tabi ko.
"Are you okay bro?" tanong niya sa akin.
"Ang tanga tanga ko Cly! Sinira ko ang magiging pamilya ko. Napakawalang kwenta ko" mahinang saad ko.
"Jared walang may gusto na mangyari ang bagay na ito. Kailangan mong maging matatag para kay Hera kasi mas ngayon ka niya kailangan. Huwag mong hayaan na magluksa siyang mag isa, mas ngayon niyo kailangan ang isa't isa. May rason kung bakit nangyari ito. Nandito lang kami para sa inyo, nandito lang ako para sayo."
Mayamaya pa ay lumabas si Reign at sinabing pwede na kaming pumasok dahil kumalma na si Hera at nakatulog na din.
"Tingnan mo kung ano ang ginawa mo sa bestfriend ko Jared!." madiin na wika ni Sav,
"Stop it, Sav!" suway sa kanya ni Clyden.
"What now Kuya? Sinasabi ko lang naman ang totoo, isa naman siya talaga sa may kasalanan kung bakit nagkaganyan ang kaibigan ko! Kung hindi dahil sa pagiging makitid ng utak niya at sa kapabayaan niya sana hindi napahamak ang dalawa, sana hindi namatay ang anak ni Hera!" sigaw ni Sav,
"Manahimik ka! Sa tingin mo ba gusto ng kaibigan ko ang mamatay ang anak nila? Kung alam ni Jared hindi naman niya pababayaan si Hera. Oo may mali ang kaibigan ko pero hindi mo dapat isisi ang lahat sa kanya dahil namatayan din siya, hindi lang si Hera!" pabalik sigaw naman ni Clyden.
"You two stop! Hindi dapat kayo nagsisigawan dito at natutulog si Hera. Kahit magsisihan pa kayo ay nangyari na ang lahat. Ang magagawa na lang natin ay manatili sa tabi nilang dalawa dahil alam natin na wala ng mas sasakit sa isang magulang kung hindi mawalan ng anak." inis na wika naman ni Reign.
Hindi na lang ako kumibo dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong ako dahil sa mga nalaman ko. Mayamaya pa ay tumayo na ako.
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Clyden.
"May aasikasuhin lang ako." maikling sagot ko at saka lumabas ng kwarto. Kailangan kung harapin ang taong dahilan ng lahat ng 'to. May tinawagan pa muna ako bago tuluyang nag drive pauwi.
Hindi ako papayag na hindi pagbayaran ni Amanda ang nangyari sa mga ina ko, dahil kahit baliktarin man ang mundo siya pa din ang dahilan kung bakit nangyari sa amin ito. Mali siya ng taong ginago at sisiguraduhin kung pagsisisihan niya ang ginawa niya. I'm Fontanilla and I will ruin her life like how she destroyed mine.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomanceSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...