Chapter 36

462 8 0
                                    

Jared POV

Alas nwebe na ng gabi ng makabalik kami sa hotel, pagkatapos kasi naming kumain ay nag ikot ikot kami ulit saglit bago napagpasyahan na umuwi na, alam ko kasing napapagod na din itong kasama ko. Hindi din naman naging matagal ang byahe naman dahil hindi naman uso dito ang traffic. Akmang mauuna na sanang pumasok si Hera sa loob ng mabilis ko siyang pinigilan.

Nagtatakang tiningnan niya naman ako. "Why?"

Ngumiti lang ako sa kanya kasabay ng pagtakip ko sa kanyang mga magagandang mata. "Anong trip mo na naman Fontanilla? Kapag ako nadapa malalagot ka sa akin." angil niya.

Hindi ko naman mapigilan ang hindi matawa. "I will not let that happen baby." saad ko naman at inalalayan na ako sa paglakad papasok.

Nang makapasok na kami sa loob ay dahan dahan kung tinanggal ang kamay kung nakatakip sa kanyang mga mata.Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, akala niya yata ay tapos na ang surpresa ko sa kanya ng mag propose ako kanina. Simple lang naman itong pinahanda ko dahil hindi ako masyadong prepare.

Nagpalagay ako ng mga petals sa sahig, mga kandila na nagsisilbing ilaw at may mga lights din na design sa dingding at may nakasulat na "Soon to bewife, Mrs. Heracyl Fae Fernandez- Fontanilla"

Tumingin siya sa akin habang tumutulo ang kanyang luha, agad ko naman siyang nilapitan at hinawakan sa kanyang baywang. "Did you like it?" tanong ko sa kanya.

"I love it, Jared!" lumuluhang saad niya.

"Good to hear that, mabuti naman at nagustuhan mo. Sorry kung simple lang, ang totoo kasi niyan ay hindi ko napaghandaan ang bagay na ito." pag amin ko.

"Hindi ka pa naghanda sa lagay na ito ha? Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ng isama mo ako dito sa Paris at ang hindi ko inaasahan na pagpropose mo sa akin sa lugar na pinaka gusto kung puntahan."

Ngumiti naman ako sa kanya at iginaya siya papunta sa lamesa. "We should celebrate this night." anas ko sa kanya at nagsalin ng wine sa baso at ibinigay ito sa kanya.

Buong magdamag lang kaming nag inuman na dalawa, kaya pinili ko na dito na lang kami sa hotel para kahit malasing kami ay alam kung safe na kami. Nang maubos namin ang wine ay kumuha pa kami ng ibang alak.Pag iinom ang kwentuhan lang ang ginagawa naming dalawa.

"I can't believe that after how many years na pagrereject mo sa akin ay napa oo na din kita sa wakas." saad ko.

"Hoy grabe ka! Hindi naman kita nireject ah. Sadyang hindi pa siguro 'yon ang tamang oras para sa atin." depensa niya naman.

"Kahit na, baka nakakalimutan mo na ilang beses mo akong sinaktan at iniwan." sambit ko.

"Mag move on ka naman!" irap niya.

Natawa naman ako. "Sinasabi ko lang naman at isa pa alam ko naman na sa akin ka pa din babalik dahil mahal mo ako at sigurado ako sa bagay na 'yan. Ni hindi ka nga nagkaboyfriend ng mga panahon na hindi tayo magkasama eh." seryosong saad ko.

Natawa naman siya. "Why so serious baby? Hindi na naman ako mawawala sayo. I said yes na nga diba?"

"Mas makakasigurado ako kapag kasal na tayo, mahirap na at baka bigla ka na naman tumakas." saad ko.

"At sa tingin mo gagawin ko 'yon sa isang Mr. Jared Fontanilla? Eh kahit saan ako magtago alam kung makikita mo pa din ako."

"Buti naman alam mo, baka sa susunod itali na lang talaga kita." natatawang saad ko.

Sumandal naman siya sa balikat ko. "I will never do that again Jared, hindi na ako ulit aalis sa tabi mo kahit na kailan."

Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang katagang 'yon sa taong mahal na mahal mo, akala ko noon ay wala ng pag asa para sa pagmamahalan namin pero ngayon ay alam ko na ito na ang tamang panahon para sa amin.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon