Chapter 4

853 15 0
                                    

3 years later...

Marami ang nagbago sa buhay ng Fontanilla ng mangyari ang pagkamatay ng kanyang ama, ipinagpatuloy ni Jared ang pamamahala ng kanilang kompanya at iba pang mga pagmamay ari nila na nakapangalan sa kanya, samatalang nagkaayos na din sila ng kanyang kuya at ito na ang namamahala sa iba pa nilang business at ari-arian. Si Heracyl naman ay nagpunta ng ibang bansa para do'n na muna magtrabaho para makaipon at makapagpatayo ng Cafe at para na din makapag move on sa pagkawala ng kanyang ina. Ang huli niyang balita dito ay nagmomodel na ito at pagkatapos no'n ay wala na siyang naging balita pa.

Sa kabilang banda naman ay kalalapag lang ng eroplano kung saan nakasakay si Heracyl. It's been 3 years simula ng umalis siya at ngayon lang siya ulit nakabalik, hindi madali sa kanya na tanggapin ang pagkawala ng kanyang ina pero kailangan niyang maging malakas dahil alam niyang hindi ito magiging masaya kapag pinanghinaan siya ng loob.

Nagulat siya ng may biglang yumakap sa kanya. "I miss you, Heracyl."

Ngumiti naman siya dito at yumakap pabalik. "Long time no see, Sav."

"Nagmamadali ako kasi akala ko kanina ka pa dumating, sobrang traffic naman kasi." reklamo ng kanyang kaibigan.

"Kakababa ko lang din naman, tatawagan na nga sana kita." sagot naman sa kanya ni Hera.

Hindi din sila nagtagal sa airport at agad na umalis, dumaan muna sila sa isang Cafe para kumain dahil maaga pa naman kaya ayaw pa nilang kumain ng kanin.

"May balita ka ba kay Jared?" tanong ni Hera sa kaibigan.

"Para namang hindi mo alam na mas lalo pa siyang naging successful at ang alam ko ay okay na sila ng kapatid niya. Iyan kasi ang naikwento sa akin ni Kuya." sagot naman nito, kapatid niya kasi ang bestfriend ni Jared.

"Plano ko kasi sana pumunta ng mansion, may kailangan kasi akong kunin na gamit ko pa do'n." anas ni Hera.

"Eh bakit ba kasi hindi ka na lang do'n tumira?" tanong ng kaibigan.

"Ano ka ba Sav, wala naman akong karapatan na tumira do'n dahil hindi ko naman sila pamilya." saad ni Hera.

"Pero kahit naman hindi natuloy ang kasal ay pamilya pa din naman ang turingan niyo at isa pa tanggap ka naman ng magkakapatid."

"At saka diba nga sinabi ko sayo na plano kung magtayo ng sarili kung Cafe kaya nga nagtrabaho ako sa ibang bansa para makaipon." wika ni Hera.

Tinapos lang nila ang pagkain at saka umalis din agad ng Cafe at ngayon ay nasa tapat na sila ng Fontanilla mansion dahil may kukunin si Hera na mga gamit na naiwan niya ng umalis siya.

"Oh may plano ka pa bang tumuloy o sa susunod na lang na araw? Mukhang hindi ka pa handa eh." biglang bulalas ni Savannah sa kanya.

Mayamaya pa ay nakarinig sila ng busina sa may likuran nila kaya nag madaling bumaba si Hera at sumunod naman si Savannah. Nakita din nila ang paghinto ng kotse sa tapat ng mansion at bumaba ang taong kanila pa nila pinag uusapan.

"Hera." banggit ni Jared sa kanyang pangalan, hanggang ngayon ay iba pa din ang epekto sa kanya ng binata.

"Hi Jared, hinatid ko lang si Hera dito sa mansion dahil may mga gamit pa daw kasi siyang kukunin dito." singit naman ni Sav kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Tumango naman ang binata. "You can go now Sav, ako na ang bahala sa kaibigan ko." saad ni Jared sa dalaga.

Nanlaki naman ang mga mata ni Hera. "W-what? May kukunin lang ako dito pero sasama ako kay Sav." saad niya.

"You will stay here first Hera and that's final." madiin na wika ni Jared kaya sa huli ay wala din nagawa ang dalaga kung hindi ang sumang ayon. Hindi na din pumasok sa loob si Savannah dahil kailangan na nitong umalis.

Nang makaalis si Savannah ay sumunod na si Hera kay Jared papasok sa loob.

"Hindi ka nagsabi na uuwi ka na pala." panimula sa kanya ng binata ng makapasok sila.

"Nawala na kasi sa isip ko dahil sa sobrang excitement. Nasaan pala si Kuya Zach?" tanong ni Hera.

"Wala siya dito ngayon dahil may conference meeting sa ibang bansa." sagot naman nito sa kanya.

Umupo naman sa sofa si Hera. "Kamusta ka na pala? Balita ko mas lalo pang nagiging successful ang kompanya niyo ah. At mabuti naman na nagkaayos na kayo ng kapatid mo." saad niya.

Ngumiti naman ito sa kanya. "Hindi ko naman kasi pwede pabayaan ang mga ari-arian na naiwan ni Dad sa amin dahil 'yon na lang ang alaala na meron kami at isa pa 'yon din ang uling huling niya na magkaayos kami ni kuya."

"Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna, alam kung pagod ka sa byahe." dagdag pa nito. Hindi naman na siya nagreklamo dahil kanina niya pa din gusto matulog.

Umakyat naman si Hera sa kanyang dating kwarto at pagpasok niya do'n ay masasabi niyang walang pinagbago. Mukhang pinapalinis pa rin ito kahit na wala siya. Nakita niya ang isang picture frame kung nasaan nando'n ang larawan niya kasama ang kanyang ina.

Lumapit siya dito at kinuha ito. "Ma, nandito na po ako ulit. Pasensya na kung matagal akong nawala, masyadong masakit sa akin ang nangyari dahil hindi ko man lang na paghandaan ang bagay na 'yon. Sobrang namimiss na kita at alam kung masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. Iyong pangarap kung magkaroon ng isang Cafe ay mangyayari na, mayroon na akong sapat na ipon para makapag pagawa no'n," pag kausap niya sa picture.

Ibinalik niya din kung saan nakapatong ang frame at saka humiga sa kanyang kama. It's good to be back pero wala siyang planong manatli dito sa bahay ng Fontanilla. Ayaw kung umasa sa kanila dahil alam ko naman na kaya ko. Gusto kung maging independent at ma achieve ang pangarap ko sa buhay na hindi umaasa sa tulong ng iba, kilala ko sila alam kung makikialam sila at ayaw ko naman ng gano'n.

Kung tutuusin ay hindi naman ako kasali sa pamilya nila kaya ayos lang kahit hindi ako tumira sa bahay na ito, okay na sa akin na malaman na hindi nagbago ang pakikitungo nila sa akin matapos ang nangyari.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon