Reign POV
Papasok ako ngayon sa hospital kung nasaan si Clyden dinala, nalaman ko kasi kay Hera na naaksidente daw ito kaya hindi ako nagdalawang isip na bumyahe agad dito. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Kuya Zach pero nagpumilit pa din ako. Naiintindihan ko naman siya, alam kung nag aalala lang siya sa akin.
Naglalakad na ako ngayon papunta kung saan ang kwarto ni Clyden na ibinigay ng nurse na pinagtanungan ko. Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan ko na lang ang pinto. Nakita kung masayang nag uusap sila ng kapatid niya at agad din naman napatingin sa akin ng mapansin nila ako.
"What are you doing here?" tanong sa akin ni Savannah.
"Bibisitahin ko lang si C;yden." sagot ko naman.
"He is fine kaya pwede ka na umalis."
"Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito kaya wala kang karapatan na paalisin ako." matapang na anas ko.
Magsasalita pa sana siya ng pigilan na siya ni Clyden. "Okay naman na ako Reign kung 'yan ang gusto mong malaman. Buhay pa naman ako kaya pwede ka na umalis." seryosong turan niya, inaamin ko na nasaktan ako dahil sa pagpapaalis niya sa akin.
"See? Narinig mo naman ang sinabi ni kuya diba? Siguro naman ay nakakaintindi ka." wika ng kapatid niya, alam kung galit siya sa akin.
"Ang hilig mo din makisabat 'no? Hindi naman ikaw ang kinakausap ko. Gusto mo talagang nakikisawsaw." madiin na anas ko.
"Wala naman masama sa sinasabi ko, sinabi niya na okay na ang kapatid ko at pwede ka na umalis."
"Hindi ikaw ang magdedesisyon kung aalis ako o hindi." saad ko.
"Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha mo Reign? Bakit ka na nandito eh hindi ka naman na welcome. Pinapaalis ka na nga ni Kuya diba? Huwag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo."
"Si Clyden ang gusto kung makausap at hindi ikaw." anas ko.
Nakita ko naman ang pagtawa niya. "So funny! Kung kailan na aksidente ang kapatid ko saka ka magpapakita, bakit hindi mo na lang tinuloy tuloy ang pagtatago mo at huwag ng guluhin pa ang kuya ko. Sigurado akong si Hera ang nagsabi sayo ng nangyari kaya ka nandito. Hindi kailangan ni Clyden ng awa mo at higit sa lahat ay hindi ka niya kailangan kaya kung ako sayo ay umalis ka na lang." pang uuyam niya.
"Wala kang alam sa rason ko kaya walang kang karapatan na sabihin sa akin ang bagay na 'yan. Wala kang karapatan diktahan ako kung babalik ako o hindi." matapang na turan ko.
"Don't act na concern ka sa kanya dahil alam naman natin na hindi. Baka nakakalimutan mo kung bakit siya nandyan nakaratay sa kama ngayon? Dahil 'yon sayo! Ikaw ang dahilan kung bakit siya na aksidente!"
Hinawakan naman ni Clyden ang kamay ng kanyang kapatid na parang pinapakalma. "Enough Sav.." suway niya dito.
"G-gusto ko lang makausap si Clyden kahit saglit." mahinang bulong ko.
Sasagot pa sana si Savannah ng maunahan siya nito. "Let her Sav, kakausapin ko lang siya saglit."
Nakita ko naman ang pagbuntong hininga nito at nagsimula ng lumabas sa kwarto. Kaya naiwan kaming dalawa dito sa loob.
"Anong gusto mong pag usapan? Pakibilisan na lang Reign dahil gusto ko ng magpahinga, masakit pa din ang mga sugat ko." walang emosyon na saad niya.
"Cly kaya ako nagpunta dito para ipaliwanag sayo ang lahat ng nakita mo kahapon. Kasi --."
"Stop it! Hindi ako handang makinig ngayon Reign. I already told you yesterday na wala na akong pakialam sa mga desisyon mo sa buhay dahil tapos na tayo. Kung 'yan lang ang ipinunta mo dito ay makakaalis ka na."
"But Cly, please pakinggan mo muna ako." pagsusumamo ko.
"Bakit no'ng ako ba nakiusap sayo nakinig ka? Hindi diba? Pagod na ako Reign at gusto ko ng peace of mind. Umalis ka nga diba? Continue your life now."
Mabilis ko naman na hinawakan ang kanyang kamay habang nagsimula ng maglandasan ang luha ko sa aking mga mata. Nakita ko naman ang pag iwas niya ng tingin at pagtanggal niya sa kamay kung nakahawak sa kanya.
"Please Reign, umalis ka na. Nakita mo naman na ayos lang ako. Huwag mo na sana guluhin pa ang buhay ko dahil nagsisimula na akong mag move on. Kaya sana gano'n ka din, huwag na natin saktan ang isa't isa. Tama na 'yong isang beses. Ayaw na kitang makita pa Reign kaya sana respetuhin mo ang gusto kung mangyari." dagdag niya pa.
At dahil mukhang seryoso siya sa pagpapaalis sa akin ay hindi na ako nagpumilit pa dahil baka mas lalo lang ako masaktan sa mga sasabihin niya. Tumayo na ako at naglakad palapit sa pinto at hindi na siya nilingon pa.
Paglabas ko ay nakita ko pa si Sav na nakaupo. "Reign, are you okay? Pasensya ka na sa mga nasabi ko kanina." saad niya ng makalapit siya sa akin.
Hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko sa pagtaboy sa akin ng ama ng anak ko kaya napayakap ako kay Sav at pagkatapos ng ilang segundo ay kumalas din ako.
Ngumiti ako sa kanya. "I'm fine, Sav, thank you for asking. Alagaan mo ang kapatid mo ha? I need to go now." saad ko at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya.
Savannah POV
Nang makaalis na si Reign ay pumasok agad ako sa kwarto ng kapatid ko at naabutan ko siyang nakayuko habang nakakuyom ang kanyang mga kamao.
"What happened Kuya?" tanong ko sa kanya.
"Did she leave already?"
"Yes, anong nangyari? Bakit siya umiiyak? Did you push her away?" sambit ko.
Marahan naman siyang tumango.
"Why did you do that? I thought you loved her." saad ko.
"I just need space to think Sav, ayaw ko siyang kausapin na galit ako at baka mas masaktan ko lang siya lalo."
"Pero nasaktan mo na siya, I am expecting kanina na ipagtatanggol mo siya. Kuya kung magmamatigasan kayong dalawa ay hindi talaga kayo magkakaayos niyan. Huwag niyo ng saktan ang mga sarili niyo dahil alam niyo naman na mahal niyo ang isa't isa. Think better and don't be stupid!" wika ko.
Hindi naman siya nagsalita at nanatili lang na nakayuko, alam kung nasasaktan din siya sa pagtataboy niya kay Reign. Sana lang ay magkaayos na silang dalawa dahil kitang kita ko sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Mayamaya pa ay pumasok ang doctor para tingnan ang kalagayan niya, ang sabi nito ay normal na naman ang lahat pero dahil nagkaroon siya ng bali sa binti ay pansamantala muna siyang hindi makakalakad pero kapag gumaling naman ito ay pwede na.
"Gusto mo bang kumain?" tanong ko sa kanya ng makalabas na ang doctor.
Umiling naman siya. "Busog pa ako. I want to rest." sagot niya naman sa akin.
"Sige, mukhang kailangan mo nga 'yan." saad ko at tinulungan siya na makahiga ng maayos.
"Thank you Sav." mahinang bulong niya.
"You're my brother, you don't need to think me dahil alam ko kung nasa posisyon mo ako ay gagawin mo din 'to sa akin. I love you kuya and I will always be here for you. Magpahinga ka na para tuluyan ka ng gumaling." nakangiting saad ko at hinalikan siya sa pisngi.
Hindi naman na siya sumagot at ipinikit na ang kanyang mga mata. Ako naman at bumalik sa pagkakaupo at nagsimulang magbasa ng mga emails sa laptop ko, kahit naman na nagbabantay ako dito sa hospital ay hindi ko naman kinakalimutan ang trabaho ko.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomanceSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...