Chapter 14

523 6 0
                                    

Hera POV

Madalas akong bumisita sa hospital pero hindi pa din nagigising si Jared, nag aalala na ako sa kalagayan niya kahit ang sabi naman ng doctor ay stable na ang kanyang lagay pero hindi ko pa din maiwasan ang hindi mag isip ng negatibo hangga't hindi pa siya tuluyang nagising.

Kasalukuyan akong nasa opisina ko dahil katatapos lang ng meeting namin, kahit na gusto kung manatili sa hospital ay hindi ko magawa dahil hindi ko naman pwedeng pabayaan ang trabaho ko.

Mayamaya pa ay may kumatok sa pinto at pumasok ang boss ko. "Zane ikaw pala." saad ko.

"Ibibigay ko lang sana itong folder, naiwan mo kasi sa opisina ko kanina ng matapos mong ireport, nacheck ko na din 'yan at may mga pirma na."

"Sana tinawagan mo na lang ako para ako na ang kumuha sayo hindi 'yong ikaw pa ang pumunta dito." anas ko.

"It's okay, pumanta din naman ako sa HR Dept. kaya dinaan ko na din dito." inabot niya ang folder sa akin at saka umupo.

"Kamusta na pala si Mr. Fontanilla?"

Napatingin naman ako sa kanya. "How did you know?" tanong ko sa kanya.

"We have a meeting last time at hindi si Jared ang humarap sa akin kung hindi ang kuya niya, nabanggit nito sa akin ang nangyari sa kapatid niya kaya siya na muna ang makakausap ko."

Bumuntong hininga naman ako ng malalim. "Hindi pa din siya nagigising pero stable naman na ang kalagayan niya." sagot ko sa kanya.

"Mukhang matindi ang pagkakabangga niya."

Tumango naman ako. "Hindi ko pa din alam kung ano ba talaga ang nangyari dahil hindi pa din naman namin siya nakakausap."

"He's brave and I'm sure he will wake up soon. Everything will be alright Heracyl." sabay tapik niya sa aking balikat at umalis na.

Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko hanggang sa tumunog ang phone ko at nakita kung si Kuya Zach ang tumatawag kaya sinagot ko agad ito.

"Hello kuya, bakit?" tanong ko sa kanya.

"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot"

"Nasa meeting kasi ako kanina at ngayon ko lang na check ang phone ko ng tumawag ka." anas ko.

"Napatawag lang ako para ipaalam sayo na gising na si Jared."

"Talaga kuya? Sige pupunta na ako diyan." masayang bulalas ko.

Tinapos ko muna ang lahat ng mga gagawin ko ngayong araw bago umalis, hindi naman pwede na umalis ako sa opisina ng hindi pa uwian, ayaw ko naman na may isipin na iba ang mga katrabaho ko dahil lang close kami ng may ari nito.

At nang matapos ko na ang lahat ay napatingin ako sa orasan saktong 5pm na at pwede na akong umalis. Inayos ko lang ang mga gamit ko at saka tuluyan ng lumabas sa opisina. Nag book lang ako ng grab para hindi na ako maghintay ng taxi pa. Habang nakasakay na ako ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng saya dahil sa wakas ay gising na siya kaya mawawala na ang pangamba ko ng tuluyan.

Nang makarating ako sa hospital ay mabilis akong pumasok sa loob, alam naman na ni Kuya Zach na papunta ako kaya alam kung inaasahan niya na ako. Ang alam ko ay wala pa si Clyden dahil nasa opisina pa ito.

Kumatok lang ako ng ilang beses sa pinto ng kwarto kung nasaan si Jared at saka binuksan ito ng dahan dahan, nakita kung nag uusap silang dalawang magkapatid at pagkunwa'y napatingin sa akin si Kuya Zach.

"It's good that you're here already Hera." saad niya sa akin.

"Marami kasi akong ginawa sa opisina kaya ngayon lang ako nakapunta." sagot ko sa kanya.

"Maiwan ko muna kayo, bibili lang ako ng pagkain." paalam niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Naglakad naman ako palapit sa kama ni Jared. "How are you feeling now?" tanong ko sa kanya.

"What are you doing here?" ramdam ko ang lamig sa kanyang boses.

"Hmmm, may gusto ka bang kainin?" hindi ko pinansin ang unang tanong niya.

"Again what are you doing here Hera?"

Napalunok naman ako. "Tinawagan kasi ako ni Kuya kanina at sinabi niya sa akin na nagising ka na nga daw kaya bumisita ako." sagot ko sa kanya.

"Hindi naman ako patay para bisitahin mo."

"Look Jared, gusto ko lang naman malaman kung okay ka na." saad ko.

"As you can see, okay naman na ako kaya pwede ka ng umalis. Hindi mo naman kailangan na magpunta dito dahil hindi naman kita ka ano ano."

Gusto kung maiyak dahil sa mga sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. "Siguro naman narinig mo ang sinabi ni Kuya diba? Ako na muna ang titingin sayo." anas ko.

"Hindi ko kailangan ng bantay dahil kaya ko naman ang sarili ko at mas lalong hindi kita kailangan!"

"Jared kung tungkol ito sa —"

"Stop! Wala akong pakialam sa kung ano ang sasabihin mo. Pwede bang umalis ka na lang? Gusto ko ng magpahinga eh. Mas magiging okay ako kung wala ka dito."

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib dahil sa mga sinabi niya. "Jared for once hayaan mo ako dito, hindi naman kita inano. Gusto ko lang malaman ang kalagayan mo."

"Nakita mo naman diba? Okay ako! Hindi ka naman siguro bulag 'no? Please umalis ka na! Mas magiging okay ako kung wala ang presensya mo dito!" sigaw niya sa akin.

"Jared nag aalala lang naman a–"

"Shut the fuck up and leave! Hindi kita kailangan dito Hera! Nag aalala ka? Matapos ng ginawa mo sa akin nakakaramdam ka pa pala ng gano'n? Huwag mo ng paikutin pa ang ulo ko Hera dahil hindi mo na ako maloloko pa!"

"Ganyan ba tingin mo Jared? Totoo ang sinasabi kung nag aalala ako sa nangyari sayo kaya ako nandito!" hindi ko na maiwasan ang hindi magtaas ng boses dahil sa inis.

"Hindi ko kailangan ng pag aalala mo, ang kailangan ko ngayon ay layuan mo ako!"

"Hindi naman ako magtatagal dito, gusto ko lang makasigurado na okay ka." mahinang saad ko.

"Okay man ako o hindi ay wala ka ng pakialam do'n! Bakit sino ka ba sa inaakala mo? Sino ka ba sa buhay ko? You're nothing, Hera." madiin na wika niya.

"Wala naman akong sinabi na kung ano Jared, nandito lang naman ako para bumisita." sambit ko.

"Para ano pa? Ikaw na nga ang nagsabi na magkalimutan na tayo, na mag move on na ako pero bakit lapit ka pa din ng lapit? Hindi ko alam kung ano na naman ang pinaplano mo pero ako na nagsasabi sayo, hindi na ako magpapakatanga sayo."

"Kaya please lang umalis ka na at huwag ng magpapakita sa akin kahit na kailan!" dagdag niya pa.

Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clyden, nagulat pa siya ng makita akong umiiyak.

"What's going on?" tanong nito.

"Clyden, pakisabi sa babaeng 'yan na pwede na siyang umalis." saad ni Jared sa kanyang kaibigan.

Nagtatakang tiningnan naman ako, pero hindi ko hinintay ang sasabihin niya at naglakad na ako palabas. Narinig ko naman na ang sinabi ni Jared kaya hindi niya na kailangan pang ulitin.

Ngumiti ako ng mapait ng makalabas ako. Inaasahan ko ng mangyayari ang bagay na ito, alam kung galit siya sa akin. Sino ba naman ang hindi? Matapos ng ginawa ko sa kanya, matapos ko siyang saktan ay may mukha pa akong ihaharap sa kanya.

Bago akong tuluyang umalis ay nakasalubong ko si Kuya Zach. " Where are you going? Aalis ka na agad?" tanong niya sa akin.

Tumango naman ako. "Marami pa kasi akong gagawin kuya, mukhang okay na naman si Jared." sagot ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng seryoso. "Did you cry? Anong ginawa niya sayo?"

Agad naman akong umiling. "Don't worry about me kuya, wala naman siyang ginawa. Nandyan na si Clyden." saad ko.

Bumuntong hininga naman siya. "Kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan ni Jared ay alam kung maaayos niyo 'yan. Magpalamig na muna kayo ng ulo."

Ngumiti naman ako sa kanya at saka nagpaalam na aalis na.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon