Hera POV
Pagod ako dahil kagagaling lang namin sa bakasyon ng asawa ko, tinupad niya talaga ang pangako niya na kapag natapos ang project na ginagawa nila ay babawi siya sa akin. Ilang araw lang naman kami umalis at ngayon ay nasa bahay na kami.
"Baby anong gusto mong tanghalian?" tanong sa akin ng asawa ko, nakabalik na kasi ang mga maids namin kaya hindi na ako ang nagluluto ng pagkain namin.
"Kahit ano na lang baby," sagot ko naman dito.
Mayamaya pa ay lumapit sa amin ang isang maid namin. "Ma'am, Sir nandito po si Ms. Reign hinahanap kayo."
Nakita naman namin si Reign na nasa kanyang likuran. Kaya agad akong tumayo at naglakad palapit sa kanya. "Hi Reign, kamusta?" bati ko sa kanya pero hindi naman ito sumagot at niyakap na lang ako bigla.
Nagulat ako ng maramdaman kung umiiyak ito kaya hinagod ko ang kanyang likod.
"What happened?" tanong ko sa kanya at iginaya siya paupo. Nakita ko naman ang seryosong tingin sa amin ng asawa ko.
"Why are you crying Reign?" segunda naman ni Jared ng makaupo ito.
Napatingin naman si Reign sa asawa ko, ngayon niya lang yata napansin na nandito din si Jared. Mukhang akala niya ay ako lang ang nandito sa bahay.
"Sige na Reign sabihin mo na kung bakit ka umiiyak." pagpupumilit ko sa kanya.
Nakita ko ang pag aalinlangan sa kanyang mga mata kasabay ng pagtingin niya sa asawa ko. Mukhang kinakabahan siya at halata kung ayaw niyang malaman ni Jared ang kung ano man na sasabihin niya.
"Spill it Reign, is it about Clyden?" seryosong tanong ng asawa ko.
Wala naman nagawa ito at bumuntong hininga, pagkatapos ay nagsimula na siyang ikwento ang nangyari.
"That bastard!" galit na turan ng asawa ko.Nakita ko naman ang pagkuyom ng kanyang kamao kaya mabilis ko itong hinawakan para pakalamahin siya.
"Calm down baby." mahinang saad ko.
"How many times I told him na ayusin niya desisyon niya sa buhay, dapat kung hindi pa siya sigurado sana hindi niya na niligawan si Reign." madiin na anas ni Ethan.
"Don't hurt him Jared, kahit naman na ganito ang nangyari sa amin ay ramdam ko naman na minahal niya ako kahit papaano." singit ni Reign.
"At ano ang gusto mong gawin ko? Hayaan na lang siya? Hindi porke't bumalik na si Jane ay magiging gago na siya ulit. Wala akong problema sa babaeng 'yon maliban na lang sa pag iwan niya sa kaibigan ko pero kaibigan ko kayong dalawa."
Sumingit na ako sa usapan dahil alam kung galit na ang asawa ko. "Baby, you can talk to Clyden calmly. Pwede mo naman siyang tanungin ng hindi niyo kailangan mag away. He's your best friend." bulalas ko.
"Tama ang asawa mo Jared, ayaw ko na magkasakitan kayong dalawa dahil sa akin at isa pa ayaw kung masaktan siya dahil mahal ko pa rin naman siya." segunda naman ni Reign.
"That's bullshit! Ayaw mo siyang masaktan pero ikaw okay lang sayo na saktan niya? Seryoso ka sa sinasabi mo Reign? Ang tanga mo naman kung gano'n! Ilang beses na kitang sinabihan ng una pa lang pero pinagpatuloy mo pa din." galit na sigaw ni Ethan kasabay no'n ang pagtayo niya at pag akyat sa taas.
Ilang beses pa siyang tinawag ni Reign pero hindi man lang niya ito nilingon.
"Hayaan mo muna siya, nadala lang 'yon ng emosyon. Ako na ang kakausap sa asawa ko mamaya." nakangiting saad ko sa kanya.
Tumango naman ito at ngumiti sa akin ng pilit.
"So ano na ang plano mo ngayon? Wala ka bang balak na kausapin muna si Clyden, para naman magkalinawan kayo." tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomanceSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...