Chapter 41

485 9 3
                                    

Savannah POV

Papasok ako ngayon sa opisina ni Zane ng nadatnan ko do'n ang kaibigan kung si Hera, himala yata at nandito ngayon ang babaeng 'to? Ang alam ko kasi ay tinatapos niya na lang ang kontrata niya sa Velaquez at hindi pa siya nakapag desisyon kung ipagpapatuloy niya pa ang nagtatrabaho dito dahil na din sa asawa niya.

"Mukhang seryoso ang pinag uusapan niyo ah." bulalas ko ng makapasok ako sa loob.

Napatingin naman sa akin si Zane. "Nasaan na ang mga pinapagawa ko sayo?" anas niya agad sa akin.

"Grabe ka naman! Hindi ko pa nga natatapos 'yon pwede mamayang hapon na lang?" sagot ko sa kanya.

"Just be sure to finish it Sav dahil kailangan ko 'yon."

Tumango naman ako. "I will." sagot ko sa kanya at umupo sa upuan kaharap si Hera.

"Himala at nandito ka ngayon ah, akala ko wala ka na balak pumasok." pagbibiro ko sa kanya.

Inirapan niya naman ako. "Pwede naman ako pumasok anytime, ang sabi ni Zane I can work at home." sagot niya naman sa akin.

"Ang unfair nga ng isa diyan samantalang ako kailangan pumasok araw araw." pagmamaktol ko.

Napatingin naman sa akin si Zane at tinaasan ako ng kilay. "Kailangan mo talagang pumasok araw araw ano pa't nasa training ka kung hindi ka papasok? Gusto mo bang sabihin ko sa parents mo na tamad ka?"

"Ang kapal ng mukha mo!" angil ko sa kanya.

"Ang ingay niyo namang dalawa, opisina ito at perya." singit ni Hera kaya natahimik ako habang si Zane naman ay tumatawa.

"Manahimik ka diyan! Anyway maiba ako kamusta na kayo ng asawa mong pinaglihi sa sama ng loob?" tanong ko sa kanya, alam ko kasi na magkaaway sila ng nakaraang araw.

"Okay na naman kami at nakapag usap na, plano niya pa nga na huwag na lang ituloy ang projects na 'yon para mapanatag ang loob ko kasi pinigilan ko naman siya. Sayang pera at dagdag kita pa 'yon sa kumpanya."

"Grabe talaga pagmamahal sayo ng Fontanilla na 'yon, akalain mo kayang gawin lahat at bitawan ang mga clients para sayo." anas ko.

"At hindi ko naman hinahayaan na gawin niya ang bagay na 'yon, alam mo naman kung gaano niya pinagsisikapan na manatili ang kumpanya nila. At isa pa nakausap ko na din 'yong Clarisse."

"Sabagay tama ka nga naman, importante din kasi kay Jared ang kumpanya nila lalo na't siya na ang halos namamalakad no'n. Oh anong nangyari do'n sa babaeng 'yon?" tanong ko naman.

"Mabait naman siya at kahit alam niyang okay na kami ng asawa ko ay kinausap niya pa din ako at nagpaliwanag. Isa pa engaged na siya."

"Mabuti naman at nag effort pa rin siya na makipag usap sayo. Ikaw naman kasi 'tong wagas maghinala agad." anas ko.

Agad niya naman siya binato ng ballpen na mabilis niya namang nailagan. Pagkatapos ay tumayo na din ito.

"Where are you going?" tanong ko sa kanya.

"Aalis na, may pupuntahan pa kasi ako." sagot niya naman.

Jared POV

Nandito ako sa opisina ko at kaharap ko ang kaibigan kung nagmumukha ng zombie dahil walang maayos na tulog. Ano na naman kaya ang problema ng lalaking 'to. Kanina ko pa siya pinagmamasdan ang ang lalim ng iniisip niya.

"Anong problema mo?" pagkuha ko sa atensyon niya, napapansin ko kasi na ang lalim ng iniisip niya at minsan naman ay tulala siya.

"She's back." maikling sagot niya.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon