Chapter 42

460 6 0
                                    

Clyden POV

Tatlong araw ng makalipas ng mag usap kami ni Jared at ngayon ay gulong gulo pa din ang isip ko, alam ko sa sarili ko na mahal ko si Reign pero ang hirap iwasan ni Jane dahil madalas nagkukrus ang landas naming dalawa.

Ayaw kung masaktan si Reign dahil siya ang taong dumamay sa akin ng mga panahon na lugmok ako kaya siguro minahal ko siya ng higit pa sa kaibigan. She is precious at ayaw akong makita siyang umiiyak ng dahil sa akin.

Nang matapos ako sa lahat ng trabaho ko ay nagpasya ako na magpalipas ng oras sa isang bar, hindi ko kasama si Jared dahil may lakad sila ng asawa niya samantalang si Reign naman ay kasama ang kanyang pamilya.

Pagdating ko sa bar ay umupo lang ako sa bakanteng upuan at umorder na ng alak. Pagod ako sa trabaho dahil sa sunod sunod na meeting at problema ko pa si Maxine dahil minsan ay pumupunta siya sa opisina ko.

Inom lang ako ng inom dahil wala naman akong balak na magtagal dito sa bar at uuwi din ako maya maya.

Habang busy ako sa pag inom ay may lumapit sa akin na babae at ng tingnan ko kung sino ito ay nakita ko si Jane.

"Clyden!" bulalas niya ng makalapit sa akin.

"What are you doing here Jane?" tanong ko sa kanya.

"Nagkayayaan lang kami ng mga kaibigan ko." sagot niya naman.

Tumango naman ako at hindi na nagsalita pa ng umupo ito sa tabi ko.

"Where is Jared? Wala ka bang kasama ngayon?"

Umiling naman ako. "Dumaan lang ako dito saglit at uuwi din. Wala si Jared dahil may pinuntahan sila ng asawa niya." saad ko.

"I see."

"Ahn Clyden about what I said last time." dagdag niya pa.

"I don't want to talk about it Jane. I need to go now." anas ko at tumayo na pero hindi pa ako nakakahakbang ng hagitin niya at ako siniil ng halik na ikinagulat ko. Hindi ako agad nakakilos para itulak siya sa pagkabigla.

"What are you doing?" galit na anas ko ng maitulak ko na siya palayo sa akin.

"I-im sorry Cly, it's just I miss you."

"I told you Jane I'm already taken so stop being desperate!" singhal ko sa kanya at tuluyan ng lumabas ng bar.

"Cly, I'm sick." nadigilan ako sa pag hakbang dahil sa sinabi niyang 'yon.

"You're what?" tanong ko sa kanya.

"May sakit ako, kaya sana pagbigyan mo muna akong makasama ka. Hindi naman kita kukunin kay Reign eh."

FASTFORWARD...

Matapos naming mag usap ni Jane at umuwi na ako malapit lang naman ang bar sa condo ko kaya nakauwi ako agad, pagpasok ko ay naabutan ko si Reign na nakaupo sa sofa. "Hi Babe." bati niya sa akin.

Naglakad naman ako palapit sa kanya. "Kanina ka pa ba? Bakit hindi ka nagsabi sa akin?" tanong ko sa kanya matapos ko siyang halikan sa labi.

"Akala ko kasi nandito ka na sa condo mo kaya hindi na kita tinawagan." nakangusong turan niya.

"Kahit na, dapat tinawagan mo ako ng dumating ka dito na wala pa ako." saad ko.

"Saan ka pala galing? Sa opisina?" tanong niya.

"Dumaan ako sa bar saglit, mabuti lang pala at umuwi na ako edi sana naghintay ka ng matagal dahil hindi ka nagsabi sa akin." wika ko.

Ngumiti naman ito sa akin at niyakap ako. Ito ang isa sa nagustuhan ko kay Reign ang pagiging malambing at maunawain niya sa lahat ng bagay.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon