Chapter 8

720 9 0
                                    

Heracyl POV

Nagising ako na masakit ang ulo ko dala ng hangover dahil nag bar kami ni Savannah kagabi, mukhang naparami ako ng inom kaya ramdam ko ang pagkahilo ngayon. Nandito ako sa bahay nila Sav dahil dito na ako natulog.

"Mabuti naman at gising ka na bruha, halika na sa baba at kumain na tayo." biglang sulpot ni Sav na kagagaling lang sa banyo.

Sabay na kaming lumabas at dumiretso sa garder dahil do'n gusto ni Sav na kumain.

"Nasaan si kuya?" tanong nito sa kasambahay nila ng makaupo kami.

"Tinawag ko na po Ma'am at pababa na sila." sagot naman nito.

"Sila?" pagtatanong ni Sav.

Tumango naman ang katulong nila. "Kasama niya po umuwi kagabi ang kaibigan niya si Sir Jared."

Napalunok naman ako dahil sa narinig kung pangalan at nakita ko naman ang pag ngisi ng kaibigan ko. Bakit nga ba nawala sa isip ko na matalik na magkaibigan nga pala ang Kuya ni Savannah at si Jared.

"Hey good morning!" rinig kung bati ni Clyden. "Oh nandito ka pala Heracyl." dagdag niya pa ng makita ako.

"Umupo na kayo para makakain na tayo." saad naman ni Sav.

"Hindi ko alam na nandito ka pala Hera." anas ni Clyde.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Hindi na kasi ako umuwi sa condo kagabi matapos naming mag bar." sagot ko sa kanya.

"Nag bar kayo?" tanong naman ni Jared kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo, nagyaya kasi si Sav kaya sinamahan ko na." anas ko.

"Ay naku Jared, alam mo bang lasing na lasing 'yan kagabi." pagsusumbong ni Sav kaya pinandilatan ko naman siya ng mga mata.

Napatingin ako ulit kay Jared at nakita ko ang nandidilim niyang mukha. Lagot na naman ako nito, kung bakit ba kasi nagkaroon ako ng madaldal na kaibigan.

"Hey guys baka magkatunawan na kayong dalawa." pagpukaw sa atensyon ko ni Clyde na nakangisi kaya napaiwas ako ng tingin kay Jared.

"Alam niyo pwede kayong mag usap na dalawa, walang may magagalit. Akala mo naman hindi kayo magkakilalang dalawa at hindi nag iimikan. If I know gusto niyo naman ang isa't isa nahihiya pa kayo sa amin." saad ni Sav at nagtawanan silang magkapatid.

"Nag uusap naman kami, anong akala niyo sa amin magkaaway. Ang mabuti pa ay kumain na lang tayo." anas ko at mabuti na lang hindi na sila ulit nang asar pa.

Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga lang kami saglit at saka tumayo na ako para bumalik sa kwarto at kunin ang gamit ko.

"Guys, mauuna na ako sa inyo. May gagawin pa kasi ako." paalam ko sa kanilang tatlo.

"I'll drive you home best." presenta naman ni Sav.

Hinila naman siya ni Clyden. "No need to do that Sav, pwede naman siyang isabay ni Jared dahil aalis na din naman 'yan. Right bro?"

Tumango naman si Jared. "Ako na bahalang magsabay sa kanya pauwi. Ihahatid ko na lang siya sa condo niya."

Sumang ayon naman ako dahil alam kung wala naman akong magagawa, pumasok na ako sa loob at kinuha ang bag ko at saka pumunta ng kotse ni Jared.

Saglit lang naman ang naging byahe namin bago nakarating sa condo ko, niyaya ko naman siya na pumasok sa loob dahil napapansin ko na parang inaantok pa siya.

"Pwede kang magpahinga muna kung gusto mong matulog. Mukhang inaantok ka pa." saad ko sa kanya.

"Hera, I want to ask you something." anas niya.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon