Jared POV
Akala ko ay titigil na si Hera simula ng nagpunta siya dito na wala ako pero nagkamali pala ako dahil kinabukasan ay nando'n na naman siya. Kahit na sinisigawan at tinataboy ko siya parang wala lang sa kanya. Minsan pag hindi sa kompanya at sa buhay siya pupunta.
At ngayon ay wala ako sa opisina dahil wala namang pasok at sabado pero umalis kami ni Reign dahil may importante kaming pinuntahan. At ngayon ay nasa tapat na kami ng bahay dahil hinatid ako ni Reign hindi ko kasi dinala ang kotse ko.
"Ginabi na tayo." natatawang saad niya.
"Atlis nakuha natin ang kliyente." saad ko naman sa kanya.
"At mabuti lang at single ka pa ngayon dahil kung kayo na ni Hera panigurado malalagot ka do'n kapag na late ka ng uwi."
"Let's just not talk about her." saad ko.
"Why not? Hindi pa rin ba kayo okay? Masyado mo naman yata siyang pinapahirapan, eh ang balita ko halos araw araw ka niyang pinupuntahan sa kompanya at minsan sa bahay niyo. Alam mo Jared kahit hindi mo sabihin ay alam ko naman na mahal mo pa din siya."
Bumuntong hininga naman ako. "Hindi naman kasi gano'n kadali 'yon Reign, malinaw na sa akin ng sinabi niya hindi niya na ako mahal. Hindi ko nga alam kung bakit niya pa ito ginagawa eh. Pagod na akong humabol at magmakaawa sa kanya." anas ko.
"Mukhang gumagawa naman na siya ng paraan ngayon para magkaayos kayo eh. Hindi naman siya mag eeffort ng ganyan kung hindi ka niya mahal, marahil marami lang talaga siyang iniisip o kaya naguguluhan lang siya ng mga panahon na 'yon kaya niya nasabi ang bagay na 'yon sayo."
Nag usap pa kami saglit bago ako bumaba ng kanyang kotse, bago ako pumasok ay tinawag pa ako ni Reign kaya napatingin ako sa kanya.
Naglakad siya palapit sa akin. "Oh nakalimutan mo, makakalimutin ka talaga minsan." sabay abot niya sa akin ng phone ko.
Tumawa naman ako at kinuha 'yon ng hindi sadyang natapilok siya at napayakap sa akin, mabuti na lang at nahawakan ko siya kaya hindi siya tuluyang natumba.
"Sorry Jared." hinging paumanhin niya.
"No worries, sa susunod kasi mag ingat ka, Ang clumsy mo." saad ko.
Pero nagtaka ako dahil hindi na siya nagsalita at nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa likuran ko.
"Heracyl." sambit niya kaya napalingon ako.
"Ah, hi." mahinang saad ni Hera.
"Iyong nakita mo, ano kasi, natapilok ako ng hindi sadya." paliwanag ni Reign.
Nakita ko naman na ngumiti si Hera ng pilit. "Ano ka ba wala 'yon. Sige mauna na ako." paalam niya at naglakad na.
Napatingin lang ako sa kanya habang papalayo ng bigla akong hampasin ni Reign.
"Gago ka ba? Wala ka man lang gagawin? Hindi mo siya susundan at kakausapin? Mukhang na misunderstood niya ang nakita niya." singhal nito sa akin at tinulak ako.
Napatakbo naman ako sa kung saang direksyon pumunta si Hera. Bakit kasi naglalakad 'yon alam naman niyang gabi na.
Nakita ko siyang naglalakad lang na parang wala sa kanyang sarili kaya tinawag ko siya pero mukhang wala lang siyang naririnig kaya mabilis kung hinablot ang kanyang kamay at nakita kung umiiyak siya.
"Hera, anong ginagawa mo sa bahay?" tanong ko sa kanya.
"Dumaan lang ako, akala ko kasi nando'n si Kuya Zach." sagot niya at yumuko na.
"Bakit ka naglalakad? Halika sa bahay at ihahatid na kita." anas ko.
Pero umiling lang siya. "Kaya ko naman umuwi ng mag isa, kaya bumalik ka na at baka hinihintay ka ni Reign."
"Umuwi na siya." sambit ko.
Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. "Sige, uuwi na ako."
Hindi pa siya nakakahakbang ng hilain ko na naman ang kamay niya. "Jared ano ba!" sigaw niya.
"Maglalakad kang mag isa dito na gabi na? Hindi ka ba nag iisip ha? Tapos ikaw pa ang galit ngayon." inis na turan ko.
"Sinabi ko na sayo na kaya kung mag isa, nakapunta nga akong mag isa dito eh."
"Huwag ng matigas ang ulo mo Hera, please lang!" singhal ko sa kanya.
"Ako pa ngayon? Hindi ko naman sinabi na ihatid mo ako ah. Hindi mo ako responsibilidad Jared!"
Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa frustration na nararamdaman. "Ano ba ang nangyayari sayo? Bakit ba kasi ayaw mong tumigil ha? Sinabi ko na nga sayo na tigilan mo na ako diba? Hindi ka ba makaintindi?" galit na wika ko.
"Gusto lang naman kitang makausap." mahinang bulong niya.
"Ano pa ba ang dapat pag usapan natin? Alam ko ay wala na diba dahil tapos na lahat." saad ko.
"Alam kung galit ka sa akin dahil ramdam ko 'yon pero gusto ko lang naman humingi ng tawad sayo."
"Para saan pa? May magbabago ba? Wala na Hera, kaya hindi mo na kailangan gawin ang bagay na 'yon. O baka naman nag guilty ka sa ginawa mong pananakit sa akin?" panunuya ko sa kanya.
"Sa tingin mo ba gusto kitang saktan? Sa tingin mo ba madali sa akin gawin ang bagay na 'yon? Hindi Jared!"
"Ginawa mo na nga diba? So bakit ka pa humihingi ng tawad sa bagay na gustong mong gawin? Ginawa ko ang lahat sayo Hera pero dinurog mo lang ako. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin 'yon? Kasama kita sa pangarap ko pero ako kahit minsan hindi mo iniisip na isama sa pag abot ng mga pangarap mo." puno ng hinanakit na turan ko.
"Masamang bang abutin ko muna ang mga gusto ko sa buhay Jared? Alam mo ang pinagdaanan ko!"
"Bakit pinigilan ba kita? Hindi naman diba? Sinuportahan kita simula pa nung una, pero kahit minsan hindi mo nakita ang bagay na 'yon dahil selfish ka! At ngayon na masaya na ako at kinakalimutan na kita nandito ka na naman ulit? Guguluhin mo na naman ang tahimik kung buhay para ano? Para saktan na naman ako?" anas ko.
Mabilis naman siyang umiling. "Hindi Jared, kaya ako nandito dahil gusto kong bumawi sayo. Alam kung nasaktan kita kaya ginagawa ko ang lahat para mapatawad mo lang ako."
"Sa tingin mo gano'n lang kadali maibabalik ang lahat? Na matapos mo akong saktan babalik ka at nagsorry tapos okay na lahat? Hindi gano'n 'yon Hera. Mahirap ibalik ang nasira na." madiin na wika ko.
"Ano bang nangyari sayo Jared? Hindi ka naman dati ganyan ah, Bakit ngayon ang tigas na ng puso mo?"
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo Hera kung bakit ako naging ganito? Ikaw ang nagturo sa akin na maging bato! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagbago!" sigaw ko sa kanya.
"Jared please, bigyan mo ako ng chance para makabawi sayo. Lahat gagawin ko para mapatawad mo lang ako."
"Lahat gagawin mo?" nakangising tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
"Then be my slave Hera." saad ko sa kanya.
"W-what? What do you mean? " halos hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ikaw nagsabi na kaya mong gawin ang lahat para mapatawad kita diba? Then be it. Be my sex slave." seryosong turan ko.
Nanlaki naman ang kanyang mata at nagulat na lang ako ng bigla niya akong sinampal.
"Oo alam kung may kasalanan ako sayo Jared pero hindi sa ganitong paraan kung gusto makabawi. Hindi ako bayaran na babae o prostitute! Kung galit ka sa akin tatanggapin ko pero sana respetuhin mo naman ako bilang babae." umiiyak na saad niya.
BINABASA MO ANG
Irresistibly Yours (COMPLETED)
RomanceSi Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanyang buhay. Jared Lydro Fontanilla naman ay laki sa mayaman na...