Chapter 17

522 10 0
                                    

Heracyl POV

Nang makasakay na ako sa taxi ay do'n na bumuhos ang luha ko. Hindi ko inakala na masasabi niya sa akin ang gano'ng bagay. Kilala ko siya at alam ko kung gaano niya ako nirerespeto kaya hindi ko maiwasan ang hindi masaktan ng sobra dahil sa sinabi niya sa akin.

Alam kung nasaktan ko siya at ako ang nagsabi sa kanya na handa akong gawin ang lahat para lang mapatawad niya at maniwala siyang mahal ko siya pero hindi sa gano'n na paraan.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" tanong ng driver, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka marahil dahil sa pag iyak ko.

"Okay lang ho ako manong, pasensya na." sagot ko naman sa kanya.

Tumango naman siya at ibinalik ang tingin sa kalsada.

Hanggang sa makapasok ako sa condo ko ay iyak lang ako ng iyak, hindi pa din matanggap ng sistema ko ang huling sinabi sa akin ni Jared, hindi ko alam na gano'n na kalaki ang pinagbago niya na kahit ako ay nagawa niya ng mabastos.

Alam kung hindi siya ang dapat kung sisihin kung bakit siya galit sa akin dahil ako naman ang puno't dulo ng lahat ng 'yon. Kung sana ay hindi ko siya iniwan at sinaktan ay hindi siya magiging ganito. Pero ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para lang mapatunayan ang pagmamahal ko sa kanya pero bakit ang tigas niya pa din?

Siguro kung hindi ako naging duwag ng huli kaming mag usap bago siya ma aksidente ay marahil masaya na kami, pero hindi eh. Ang tanga tanga ko lang para saktan siya ng paulit ulit, ang tanga ko para hindi siya pillin habang siya ay hindi ako binitawan simula noon.

Tama siya masyado akong naging selfish, pwede ko naman abutin ang mga pangarap ko na kasama siya, nandyan siya para sa akin simula noon at hindi niya ako pinabayaan. Sinuportahan niya ako sa lahat ng desisyon ko sa buhay pero sakit ang iginanti ko sa kanya, pero kahit gano'n I want him back, kahit na nasaktan ako kanina ay hindi ako susuko.

Kung siya ay sumuko na pwes ako naman ngayon ang lalaban para sa aming dalawa, ginagawa niya na lahat para sa akin, pinakita niya kung gaano niya ako ka mahal habang ako at palagi lang siyang pinagtatabuyan. And now it's my time to do it, ako naman ang magpaparamdam sa kanya kung gaano ko siya ka mahal.

Jared POV

Inis na napasabunot ako sa buhok ko ng makauwi ako dito sa bahay, tinangka ko pang habulin si Hera pero mabilis na itong nakasakay ng taxi. Hindi ko sinasadya sabihin ang bagay na 'yon sa kanya dahil sobra ko siyang mahal at nirerespeto. Wala naman talaga akong balak na totohanin ang sinabi ko.

I'm really a jerk!

"Oh, napapano ka?" napadpad ang tingin ko sa pinto ng kwarto ko at nakita ko ang kapatid ko na nakatayo do'n.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"The last time I check is bahay ko din naman 'to at pwede akong umuwi dito anytime."

"Whatever, umalis ka na nga at huwag ako ang bwisitin mo." singhal ko sa kanya.

Tumawa naman siya. "I guess nag away na naman kayo ni Heracyl."

Napatingin naman ako sa kanya. "At paano naman siya nasali sa usapan?"

"Nagkakaganyan ka lang naman kapag tungkol sa kanya, hindi ko kasi maintindihan kung bakit nagmamatigas ka pa. Bumabalik na nga sayo ang tao ikaw 'tong pabebe." ngisi niya sa akin.

"Tigilan mo ako sa kakasermon mo kuya, kung sa ating dalawa ang pagbabasehan ikaw ang mas babaero." anas ko.

"Friendly lang ako, kaya pinagbibigyan ko sila sa gusto nila."

Hindi ko na siya pinansin at naupo na lang sa kama pero mukhang wala talaga siyang balak na lubayan ako.

"You know what bro, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo dahil halata naman na mahal mo pa siya. At saka ipapaalam ko lang sayo na dito siya ulit uuwi."

Tiningnan ko naman siya ng seryoso. "Ano bang pinagsasabi mo?"

"She wants to stay her at dahil hindi naman siya iba ay pinayagan ko na."

"Ano naman ang gagawin niya dito?" tanong ko.

Nagkibit balikat naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Seryoso nga na hindi ko alam, basta tumawag lang siya sa akin. At wala naman 'yon kaso dahil dati naman dito siya nakatira at isa pa madalang lang naman akong umuuwi dito. Malay mo makabuo na kayo ng magiging pamangken ko."

"Fuck you!" sigaw ko sa kanya at ang gago ay tumawa lang bago lumabas sa kwarto ko.

Kinabukasan pagkagising ko ay agad akong naligo at nag ayos dahil may pasok pa ako sa opisina. Bago ako umalis ay dumaan muna ako sa dining area para sana uminom ng kape ng maabutan ko si Hera na nando'n.

"Nasaan si Kuya?" tanong ko sa isang kasambahay namin na hindi pinapansin ang presensya ni Hera.

"Maagang umalis si Sir Zach kasi may meeting daw siya." sagot naman nito sa akin.

"Kumain ka na Jared, sabayan mo na ako." anas ni Hera.

"No need, sa opisina na ako kakain." malamig na turan ko.

"Anong oras pa lang naman eh, pwede ka pang kumain. Nagluto ako ng almusal." pamimilit niya.

"Hindi ka naman siguro bingi sa sinabi ko? Hindi ako kakain dito." hindi ko na pinansin ang sasabihin niya pa at tinalikuran ko na siya.

Pasakay na ako sa kotse ko ng narinig ko na naman ang boses ni Hera.

"Jared."

"Pwede ba Hera tigilan mo ako? Umagang umaga huwag mong sirain mo araw ko please lang!" inis na saad ko.

"Gusto ko lang n —"

"Shut to fuck up! Hindi ka ba talaga nakakaintindi? Lubayan mo ako! Alam mo hindi ko nga alam kung bakit nandito ka sa bahay eh. Wala ka na ba pambayad sa condo mo at dito ka nakikisiksik? Ang pagkakaalam ko kasi ay ayaw mong tumira dito eh." panunuyo ko sa kanya.

Wala naman akong may narinig sa kanya kaya sumakay na ako ng tuluyan sa sasakyan ko.

Hanggang sa makarating ako sa opisina ay badtrip na badtrip ako. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Hera, matapos ng sinabi ko sa kanya kagabi ang akala ko ay lalayuan niya na ako pero talagang sa bahay pa tumira.

"Oh anong mukha 'yan?" anas ng kakapasok lang na si Clyden.

Tinaasan ko lang siya ng kilay ng hindi sinasagot. Napansin ko naman ang ilang beses niyang pag iling hanggang sa makaupo siya.

"Why are you here fucker?" diretsong taong ko sa kanya.

"Kalma ka lang, Dinala ko lang 'tong proposal para ma check mo kung okay na."

Inabot ko naman ang folder at saka tiningnan ang laman nito.

"Anong problema? Bakit ang init yata ng ulo mo? Is it because of Hera? Balita ko ay nasa mansion niyo siya." sunod sunod na tanong niya.

Napasandal naman ako sa upuan ko. "Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at naisipan na do'n umuwi sa bahay. Hindi ko naman siya pwedeng pagtabuyan dahil pumayag si Kuya." sagot ko sa kanya.

"Alam mo pre, pinapahirapan niyo lang ang sarili niyo eh. Mukhang gusto ni Hera na bumawi sayo."

"Sa tingin mo gano'n nakadali lang 'yon? Alam mo ang ginawa niya sa akin kaya mahirap na magtiwala. Sinabi ko na sayo na sumuko na ako. Tapos na akong magpakatanga sa kanya." seryosong saad ko.

"Hindi mo na nga ba mahal?"

Saglit na napatahimik ako dahil sa sinabi niya, hindi ko na nga ba mahal si Hera?

"See? Hindi ka agad nakasagot, alam kung hindi pa din nawawala ang pagmamahal mo sa kanya. Galit ka lang kasi kaya ka ganyan."

"Anong gusto mo, kalimutan ko na lang ang nangyari? Ang mga sinabi niya sa akin? Malinaw pa rin hanggang ngayon sa isipan ko ang sinabi niyang hindi niya na ako mahal at mag move on na ako tapos ngayon bigla na naman siya susulpot ulit sa buhay ko at sasabihin na mahal niya ako? Parang ginagago niya lang ako eh." saad ko.

"Alam ko naman ang nararamdaman mo pre, ang sa akin lang bakit hindi kayo mag usap ng masinsinan at subukan niyong ayusin ang kung anong meron sa inyo. Malay mo sa pagkakataong ito ay maganda ang kalalabasan."

Hindi na ako nagsalita pa at ipinagpatuloy ang pagbabasa ko ng proposal at pagkatapos ko itong pirmahan ay umalis na din si Clyden dahil marami pa siyang gagawin.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon