Chapter 50

513 6 0
                                    

Clyden POV

Pagkagaling ko sa Hacienda nila Jared ay dumiretso na ako agad sa bar, mayamaya din naman ay gabi na. Pumasok na ako sa isang VIP room at dinalhan na lang ako ng waiter do'n ng alak, kilala na naman nila ako dahil madalas kami ng kaibigan ko dito.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang sakit dahil sa nangyaring paghaharap namin ni Reign kanina, matapos kung makapag isip ng maayos at piliin siya ay ganito ang igaganti niya sa akin? Sa dami ng lalaki na makikita kung kasama niya si Zach pa talaga. Psh! Hindi ko alam na papatulan niya si Zach dahil alam niya naman na hindi 'yon nag seryoso at pinaglalaruan lang ang mga babae pero ito siya at sumama pa talaga sa lalaking 'yon at ako pa talaga ang pinakiusapan niyang umalis kaysa sumama na lang siya sa akin. That's bullshit!

Nilunod ko lang ang sarili ko sa pamamagitan ng alak, gusto kong magpakalasing para kahit papaano ay makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas masakit pa yata ang ginawa ni Reign sa akin ngayon kaysa ang pag iwan sa akin ni Jane noon.

Inom lang ako ng inom hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Mag aalas diyes na pala ng gabi, kaya tinawag ko na ang waiter at nagbayad na. Pagkatapos ay nilisan ko na ang bar at umuwi na sa condo. Habang binabaybay ko ang daan pauwi ay sumasagi sa isipan ko ang mga magagandang alaala namin ni Reign. Siya ang taong hindi ako iniwan ng panahon na lugmok ako pero hindi ko alam na siya din pala ang dudurog ulit sa akin. Pare-pareho talaga silang mga babae ang hihilig mang iwan, mga putangina!

Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko at nakita ko ang kapatid ko na tumatawag, ano naman kaya ang kailangan ng babaeng 'to? Sinagot ko naman ito dahil alam kung hindi siya titigil.

"Anong kailangan mo?" bungad ko agad sa kanya.

"Ang harsh mo naman kuya. Nasaan ka?" saad niya.

"Bakit ka nga tumawag kasi? Huwag mo sabihin na hindi ka sinipot ng date mo?" anas ko.

"Epal mo! Sa ganda ko na ito sa tingin mo hindi ako sisiputin? Anyway, nasaan ka nga?"

"Bakit? Namimiss mo ako? Huwag kasi ako ang gawin mong standard sa magiging boyfriend, mahihirapan ka talagang makahanap niyan. Pauwi na ako." wika ko.

"Oh shut up kuya! Kung ikaw lang magiging standard ko ay huwag na, ayaw ko sa lalaking gago."

"Tumawag ka para lang sa ganyan? Ibababa ko nato dahil nagdadrive ako." saad ko at ibinaba ang tawag.Inihagis ang phone ko sa upuan. Habang nagdadrive ako ay nakaramdam ako ng antok dahil na din siguro sa labis na kalasingan kaya mas binilisan ko pa ang pagmamaneho para makarating ako agad sa bahay pero mukhang mali ang ginawa ko na 'yon ng hindi ko napansin ang isang sasakyan na biglang sumulpot sa harap ko, huli na bago ko pa maiwasan 'yon kaya ramdam ko ang pananakit ng katawan at ulo ko ng sumalpok ako do'n hanggang sa nandilim na ang paningin ko.

Jared POV

Kasalukuyang nasa kwarto na kami ng asawa ko, umalis kasi kaming dalawa kanina kaya pareho kaming pagod. "Are you sure na hindi ka na kakain baby? Pwede akong magpahanda sa maid." tanong ko sa asawa ko.

"Kanina mo pa ako tinatanong niyan at sinabi ko naman sayo na busog na ako." nakangusong sagot niya sa akin.

"Sinisigurado ko lang at baka mamaya manggising ka na naman dahil nagugutom ka." saad ko.

"Grabe ka naman sa akin, akala mo naman palagi kitang ginigising. Anyway, baby may sasabihin ako sayo." nakangiting turan ni Hera.

Tininingnan ko naman siya. "What is it?"

"Eh kasi nitong mga nakaraang araw ay madalas sumasama ang pakiramdam ko eh."

Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Dapat nagpunta tayo ng doctor para naman mabigyan ka ng gamot."

Irresistibly Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon