Keira/Keya's POV
"So anong plano natin ngayon?"- seryosong tanong ni Rianze saming apat.
Kasalukuyan kaming tumatambay dito sa garden ng school. Ang ganda kasi ng view, sariwa ang hangin at higit sa lahat dito lang ang lugar kung saan tahimik.
"Ewan ko. Tanong mo sakanya."-saad ni Cyell habang nakanguso kay Sel.
"Hoy bakit ako?"- taas kilay namang sabi ni Sel kay Cyell.
"Kung tanggapin nalang kaya natin? Next week pa naman iyon diba?"- Eicy habang seryosong nagtetext. Tss, katext na naman siguro niya yung classmate nilang may gusto sa kanya. Pero siya naman kaibigan lang ang turing niya dun, though may itsura yun.
"Yeah, it's not that bad."-ako na nagbabasa naman ng wattpad.
Nagtataka siguro kayo kung ano ang pinag-uusapan namin noh? Well, let's just have a little flashback.
*Flashback*
(First Day of School)
After ng tatlong oras namin sa Detention room, pinatawag naman kami sa Principal's office. Gaah, katamad maglakad ah. Tss
Walang katok-katok kaming pumasok sa Principal's office, para san pa?alam naman na niyang darating kami eh.
"Ms. Miller, manners!!!" Malakas na sigaw ng Principal na si Sir. Falcon pagkatapos kong isara ng pagkalakas-lakas ang pinto niya.
"Oopsie."-ako habang mapang-asar na nakatingin kay Sir.
"*Sigh*,take your seats."
Nagkanya-kanya kaming upo matapos kaming sabihan ni Sir.
"Sir, pwede bang malaman kung bakit niyo kami pinapunta dito?-magalang na tanong ni Cyell. Matapos ng ilang segundong katahimikan.
"Suspended ba kami Sir?"-tanong naman ni Sel na prenteng-prenteng nakaupo na parang walang pakialam kahit na masuspend, kung sakali.
"Actually hindi, infact may good news akong sasabihin sa inyo Ms. Moore."- si Sir na kasalukuyang nakatingin sa aming lima ng napakaseryoso kaya naman napaayos kaming lahat ng upo. Sa pagkakataon kasing ito alam naming kailangan naming magseryoso.
"Kayong lima ang napiling exchange student na pupunta sa Redland Academy." dagdag na saad ni Sir.
"What?!"- sabay-sabay naming tanong at napatayo dahil sa gulat.
"Why? How come?!"- nakakunot-noong tanong ko.
"Kayo ang napili sa kadahilanang, kayong lima lang ang nakapasa sa test, naalala niyo ba yung kinuha niyong test before ng pasukan? At hindi lang iyon, kayo lang din ang nakapasa sa mga standards ng Academy na lilipatan niyo,kaya naman next week ay ililipat na kayo doon, and one more thing, the five of you will also be under the Special Science Class Curriculum of the said Academy."-paliwanag ni Sir. Falcon sa amin.
"Pero pwede rin namang hindi kayo tumuloy, bahala na kayong magdesisyon sa kung ano ang gagawin niyo, its all up to you."
*End of Flashback*
Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang araw na iyon. Ngayon lang namin ito napag-usapan dahil may kanya-kanya naman kaming ginagawa at ngayon lang din kami nagkasama ng matagal since Monday.
"Okay, we'll accept it."- Rianze
"T5, hindi ba kayo nabo-bore?ako kanina pa eh, mall tayo."- maya maya lang ay saad ni Eicy.
"Tara."- walang anu-ano namang pagpayag ni Cyell.
Tumayo na kaming lima at naglakad papuntang parking lot.
"Ako magdra-drive!"-malakas na sigaw ni Sel tsaka siya tumakbo na parang bata papunta sa sasakyan nila Rianze.
"Luhh, madaya!ikaw kaya kanina, kaya ako na ngayon!"-nakapout na sigaw ni Eicy kay Sel.
Naiiling nalang kaming tatlo sa inasal ng dalawa. Para talagang bata.haha
Sumakay na kaming lima matapos naming mapagkasunduan na si Rianze nalang ang magdra-drive.
"Ikaw kasi eh."-bulong na sisi ni Sel kay Eicy tsaka niya ito siniko.
"Anong ako? Ikaw kaya, kasalanan mo."- Eicy.
Tss. Naparoll-eyes nalang ako ng di oras dahil nag-aaway na naman silang dalawa. Si Cyell naman ay tahimik lang na nakaupo sa passenger seat.
Walang kahirap-hirap kaming nakalabas ng school dahil wala namang guard na nagbabantay kanina. Hahaha buti nalang, kung hindi baka kawawa na naman sila sa amin. Last time kasi bago kami nakalabas ng school kinailangan pa namin silang itali dahil ayaw nila kaming padaanin.
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko, kararating lang ko lang galing sa mall kasama nung apat. Wala namang ibang nangyari bukod sa pagsho-shopping namin ng mga kaek-ekan, like dresses, accessories and such. Nag-arcade din kami, tsaka kumain sa isang Korean Restaurant. At hindi rin nawala ang mga kalokohang ginawa namin kanina. Haha, nag-food fight lang naman kami sa restaurant, nung una kaming lima lang pero kalaunan nakisali narin lahat ng nandoon. Nung napansin naming nagkakagulo na tsaka kami patakbong lumabas habang tumatawa. At patay malisyang lumabas ng mall kahit na pinagtitinginan kami dahil sa dungis namin.
Napapaisip ako kung ano ang mangyayari samin kapag nasa R.A. na kami. Nalaman kasi naming karamihan ng mga nag-aaral doon ay mga sosyalin at spoiled. Hayys, bahala na, basta wag lang nila kaming i-bully. Kawawa sila pag nagkataon.
~~~~~~~~~~~~
VOTE (IF you like it), COMMENT (IF you want to), FOLLOW (IF you think I deserve such)
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the T5
Teen FictionFive girls na kinatatakutan dahil sa pranks, games and rules. For a long time no one dared to challenge them, but what if someone did? Well, why don't you read and find out? ~~~ A/N: This was written way back 2015 so it really has a lot of errors an...
