MUST READ the Author's note.
~~~~~~~~~~~~~
3rd Person's POV
*Prrrrrrrrrrrrrrrrrt*
Pumito na ang kanilang guro hudyat para simulan ang kanilang laro.
Kasalukuyang hawak ni Rianze ang bola, papunta sa kabilang parte ng court. Mahigpit siyang binabantayan ng mga kalaban nila.
Ipinasa niya ang bola kay Sel dahil hindi siya makalusot sa tatlong nagbabantay sa kanila.
Kung titignan ang sitwasyon ay talagang dehado sila dahil tatlo sa kanilang mga kalaban ang magbabantay sa kung sino man ang nakahawak ng bola.
Hindi nagtagal ay nakuha ni MariJuana, I mean Mary Jane ang bola. (okay, cornnnnnnny!)
Pinagpasa-pasahan nila ito hanggang sa maka-shoot ang kabilang team.
Nagpatauloy ang ganitong pangyayari, palaging naaagaw ng kabilang team ang bola kaya't hindi na sila makapuntos.
Ang score??? Well, 10-------40 , in favor ng team ni Mary Jane.
Kanina pa nahahalata nila Keya ang pandaraya ng kabilng team pero binalewala lang nila, may time na natatapakan ang paa nila, nasusuntok, nasisiko, at iba pang klase ng physical contact ang ginagawa sa kanila.
Biglang itinaas ni Rianze ang kanang kamay para humingi ng 5 minutes break na sinang-ayonan naman ng kanilang guro dahil napansin narin naman nito ang pagod nila.
"They're not playing fair."- agad na sabi ni Eicy pagkaupo nila sa isa sa mga benches.
"Uhuh, pansin ko nga rin."- humihingal ang pagsang-ayon ni Cyell.
"What are we going to do then?"- tanong sakanila ni Keya matapos uminom.
"Simple lang, I think kailangan nating magseryoso. You know, ang hirap kasi magpretend na nahihirapan."- nakangising suhestyon ni Rianze.
"Haha, infairness , may point ka."-natatawang sabi ni Sel.
"Okay."- simpleng sabi ni Keya tsaka siya tumayo at naglakad papuntang gitna ng court dahil pumito na ang kanilang guro.
*Prrrrrrrrrrrrrt*
"Guys, before anything else, I would like to inform you na nakasalalay ang grades niyo sa P.E. sa kung ano ang magiging result ng game niyo. Kaya pagbutihan niyo ang paglalaro."
Hindi na nagdalawang isip pa sila Keya na magseryoso dahil sa kanilang narinig.
"Pshhhh, as if naman mananalo sila laban samin *smirk*."- nang-aasar na parinig ni Mary Jane sakanila sabay flip hair.
"Hayy, mananalo nga, dahil naman sa pandaraya."- parinig naman ni Rianze sa kanila.haha
"Oo nga, kawawaaaaaaa."- dagdag naman ni Sel.
Galit na tumingin ang grupo nila M.J. matapos marinig ang sinabi ng dalawa, pero hindi na nila nagawang gumanti/mang-away dahil nagsimula na ang kanilang laro.
~~~~~~~~
"Woaaaaaaaaaaaah."
Sabay-sabay na react ng mga nanunuod matapos makita ang pagkasubsob ni Cyell, na halata namang sinadya siyang itulak ng babaeng nagbabantay sa kaniya na walang iba kundi si Gella.
'Aba't umirap pa ang bruha.'- sabi ni Cyell sa kanyang isip.
Dali-dali siyang tinulungan ni Eicy sa pagtayo, buti nalang at hindi gaanong napuruhan ang kanyang paa sa pagbagsak niya kaya pupwede pa siyang maglaro.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the T5
Teen FictionFive girls na kinatatakutan dahil sa pranks, games and rules. For a long time no one dared to challenge them, but what if someone did? Well, why don't you read and find out? ~~~ A/N: This was written way back 2015 so it really has a lot of errors an...