Chapter#6: UNTITLED

231 19 2
                                    


Eicy's POV

Hello sainyo!!! (kaway kaway)

First time ko magkaroon ng POV dito kaya I'm soooooooo excited,hihi

Kasalukuyan kami ngayong nasa clinic, nakapagbihis naman na kami pero hindi pa kami bumalik sa klase dahil ayaw naming iwan si Keya ng mag-isa baka kasi kung ano ang gawin niya.

Buti nalang talaga at nailayo ko siya kanina dun sa anim na lalake, kung hindi ko ginawa yun baka puro pasa na ang mga yun.

Malakas kasi siya kahit na ang payat payat niya. Maalam siya sa martial arts, taekwondo, judo, and other likes, in short maalam siya sa pakikipaglaban.

Actually, maalam din kaming apat pero hindi kami ganun kagaling. Pinilit nga lang kami ni Keya na mag-aral kami kasama siya kahit self-defense lang daw ang aralin namin kaya pumayag narin kami.

Ibang klase nga eh, nagbabasa lang siya ng story noon then bigla na lang siyang nagkainteres sa martial arts, naging past time niya ang pag-aaral nun.

But one thing is for sure, HINDI KAMI MGA GANGSTERS! SUPER NO NO!

BUT, we looooooooove to play pranks. Hihihi

"Sooooo,, anong gagawin natin dito?"- nabobore na tanong ni Cyell matapos ng ilang minutong katahimikan.

"I dunno."-sagot ni Sel

"Waaaah! I KNOW! I KNOW!"- malakas na sigaw ko habang nakataas ang isang kamay ko na parang nagrerecite, basta ganun.

"Shhhhhhhh!!"-sabay sabay na suway nila sakin.

"Balik na tayo sa klase, okay naman na ako eh."- maya't mayang sabi ni Keya kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

"Pssssh, KJ!"-mahinang bulong ni Sel pero rinig ko kaya napa-tawa nalang ako ng mahina.

After ng ilang minutong paglalakad ay narating na namin sa wakas ang classroom namin. And unfortunately, tapos narin ang klase, saktong pagdating namin ay siya namang alis ng subject teacher namin sa Filipino.

"What a LUCK right?"- sarcastic na sabi ni Sel sabay tingin kay Keya. Hahaha

"Tigilan mo nga yan, baka ikaw masapak ko jan, sige ka."- pagbabanta naman ni Keya sakanya.

"Uwi nalang tayo. I wanna sleep."- sabi ni Rianze habang humihikab.

"Tss, kahit kailan talaga."- pabulong na sabi ni Cyell sabay roll eyes.

"Hindi pwede, may afternoon classes pa tayo."- seryosong sabi ko. Ayoko kasing umabsent ngayon. Hindi ko feel umabsent eh,haha

"Eh saan tayo kakain?"- tanong ni Sel

"Sa plato, syempre."-pabalang sa sagot ko.

"Tara na nga, bahala na."- naiinis na yaya ni Rianze.

-------------------

Keya's POV

Matapos ng isang magulong kainan ay bumalik kami agad sa Academy.

Medyo okay na rin ang mood ko dahil narin sa mga kalokohan nilang apat.

"Mauna na kayo sa room, susunod nalang ako."- sabi ko sa kanila. May kukunin kasi ako sa S.C room.

"Okay."- sagot ni Cyell, kaya humiwalay na ako ng direksiyon.

Magkahalong inis at galit ang nararamdaman ko habang naglalakad ako papunta doon.

Pano ba naman kasi, lahat nalang ng nadadaanan ko biglang tatawa o di naman kaya ay ngingisi. Wala akong clue kong anong meron, pero for sure may ginawa na naman silang kalokohan.

*Student Council Room*

"WHAT THE HELL?!!"-malakas na sigaw ko matapos kong makita ang loob ng S.C room.

Yung dating maayos parang dinaanan ng bagyo. Lahat ng files basa, as in supeeeeeeeer! Yung iba naman punit-punit. Lahat ng upuan at mga mesa ay sira. Pati yung mga bintana hindi pinalampas, basag lahat.

Bigla akong kinabahan ng maalala ko yung bagay na dapat kong kukunin dito. Dali-dali akong nagtungo sa nasirang table ko tsaka ko hinanap iyon.

Nanlumo ako ng makita ko na ang 'necklace' ko, sirang-sira na. Napakaimportante ng necklace na'to sakin dahil bigay 'niya'. Matagal ko tong iningatan tas masisira lang? Nakakagago....arghhhh

Tumingala ako para pigilan ang pagluha ko pero napatigil ako ng may makita akong nakasulat sa kisame na lalong nagpagalit sakin.

'WELCOME TO HELL, BABY!*wink*'

Isinulat yun gamit ang paint na red, halata naman.

Ngayon alam ko na kung bakit ganon nalang makatingin ang mga nadadaanan ko kanina.

Napangisi ako ng mapagtanto ko kung sino ang gumawa nito

"Dark Royalties."- mahinang sambit ko.

Alam kong sila rin ang may pakana sa pagkakabato namin ng itlog sa canteen.
~~~~~~~~
*P.E Class*

Matapos kong ireport kanina sa principal ang nangyari sa S.C room ay dumiretso na ako sa classroom.

Hindi ko na sinabi sa kanila ang nadatnan ko dahil wala naman na silang magagawa, at isa pa, kasalukuyan ng inaayos ang mga sinira nila.

As for now, nandito kami sa gym for our P.E class. Buti nalang nakapagpalit kami agad. Ayaw kasi ni Ms. Cee na may malate sa class niya, sayang daw sa oras.

"Guys listen up, ngayon ang actual game niyo sa basketball, so whether you like it or you like it, maglalaro kayong lahat, and wala kayong choice. But.......you can choose kung sino ang magiging teammates niyo. You have 5 minutes para pumili, GO!"- paliwanag amin ni Ms.

"Ilang teams po ba ang kailangan?"- tanong nung classmate naming girl, hindi ko alam pangalan eh.

"Since 28 lang naman kayo sa klase, 4 teams nalang. 2 teams for the boys as well as for the girls. Para equally divided kayo. Tig-7 members per teams."-Ms. Cee

Nagkatinginan nalang kaming lima, alamna. Kulang kami ng dalawa kaya lang, mukhang wala talagang may gustong ka-team kami.

Grade concious kasi sila sa section namin kaya malamang na sa malalakas tsaka sa magagaling maglaro sila makikigroup.

"Kulang pa kayo ng dalawa Ms. Miller........... Sinong may gustong sumali sa team nila?"- tanong Ms. Cee.

Walang ni isang umimik sakanila, kaya understood na ayaw talaga samin.

"Wala bang sasali sa kanila?! Isa....-"

"Okay lang Ma'am, we can manage."-pagputol ko sa sinasabi or more like pagsigaw ni Ma'am.

"But that's unfair, lalo pa't nasa kabilang team lahat ng varsities ng basketball girls dito sa Academy."- nag-aalalang turan niya.

Bilib din ako kay Ms. mukhang siya lang kasi ang may gusto samin.

"No Ms. , okay lang talaga. Varsity din naman si Rianze ng basketball sa dati naming school."- Cyell habang nakangiti. Mukhang nasiyahan siya sa pag-aalala samin ni Ma'am.

"Hayyy, sige na nga."- pagpayag niya samin.

"Players ng mga girls, pumunta na sa gitna!"- malakas na sabi ni Ma'am

Agad kaming nagtungo sa gitna, pati yung magiging kalaban namin.

Sabay-sabay na napa-tsk sina Eicy ng malaman nilang ang makakalaban pala namin ay sila Tera, Ina, Gella, Dana, at ang leader nilang si Mary Jane.

~~~~~~~~~~~

VOTE (IF you like it), COMMENT (IF you want to), FOLLOW (IF you think I deserve such)

Don't Mess with the T5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon