Keya's POV"Ano nga bang ginawa niyo dun? Ba't ganun yung itsura niya?"-curious na tanong ni Cyell sa tatlo.
Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa greenhouse ng Academy.
"Oo nga, wag niyong sabihin na itinulak niyo siya sa kanal?haha"- ako
"Hindi ah. Well, ganito kasi yun."- panimula ni Eicy.
*FLASHBACK*
Eicy's POV
"Tss, nasan na ba kasi yung dalawang yun?"-asar na tanong ni Sel.
"Malay, kaya nga natin hinahanap diba?"- pabalang namang sagot ko.
Yeah right, kanina pa namin sila hinahanap. Halos libutin na namin ang buong campus, wala pa rin.
Napagdesisyunan kasi naming tatlo (Ako, Sel, Rianze) na kumain muna, kaya humiwalay kami sa dalawa.
"Teka nga, bakit ba natin sila hinahanap?"- takang tanong samin ni Rianze.
Napaisip naman ako dun sa tanong niya.
"Ayyy, oo nga no'? Bakit nga ba?"- tanong ko sabay baling kay Sel.
"Huh? Ah eh, ewan?"- puzzled namang sagot niya.
Parang tanga lang? Kanina pa kami hanap ng hanap hindi naman namin alam kung bakit. Saglit kaming nagkatinginang tatlo.... sabay.....
"Hahahahahaha."- parang baliw na tawa namin ng mapagtanto namin ang kabaliwan namin.
"Ayyy, waiiiit!!! Naalala nio pa ba siya?"-biglang tanong ni Sel sabay turo sa isang babaeng nakikipaghalikan sa di kalayuan samin.
"Hmmmmn, ahhh, alam ko na, siya yung dahilan kung bakit nahulog si Cyell kahapon, buti nalang makapal mukha non, hindi sya nasugatan. Hahahaha."- sagot ko.
"Yeah, if I'm not mistaken, her name is Jem."- Rianze
"Guys, I think I have just the right plan to get back on her."
Nagkatinginan kaming tatlo sabay smirk. Pagkatapos naming magplano ay dali-dali na kaming nagset-up sa daraanan niya. Alam namin iyon dahil iisa lang naman ang pasukan at labasan dito sa parteng ito ng Academy.
Naglagay kami ng mga panis na pagkain na may ipis na sa isang timba, naka-connect iyon sa sinulid na kapag nagalaw ay kusang mahihila ang timba at sure na matatapon kung sino mang tao ang nandoon. Buti nalang malapit ito sa kitchen ng cafeteria. Ayun, madali kaming nakapuslit ng gagamitin namin.
Nagtago naman kaming tatlo sa isang silid para masiguradong siya ang matatamaan. Nagset-up din kami ng personalized bomb na kapag sumabog ay may lalabas na mabaho at maruming liquid.
Makalipas ng ilang sandali ay nakarinig kami ng mga yapak. Sigurado kaming siya na iyon dahil sa lakas ng tunog na galing sa kanyang sandals.
54
3
2
1
*boooooooooooooooooooom*
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaah" -rinig naming sigaw niya.
Dahan-dahan kaming sumilip sa may bintana, tsaka namin siya isa-isang binato ng bubble gum, diretso sa buhok niya.hahaha
"Help Meeeeeeee!!!!"-maarteng sigaw niya.
Syempre, bilang isang matulungin *insert sarcasms here* na mga Student Council ay to the rescue kami.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the T5
Teen FictionFive girls na kinatatakutan dahil sa pranks, games and rules. For a long time no one dared to challenge them, but what if someone did? Well, why don't you read and find out? ~~~ A/N: This was written way back 2015 so it really has a lot of errors an...