Keya's POV
He's observing my every move.
Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. It's like I can't effin control my body.
Naramdaman ko nalang na unti-unti siyang lumalapit sakin. I just closed my eyes and ---
"Ehem! Uhmm, sorry to burst your bubble lovebirds! But I think we need to move on."
Someone interupted and I suddenly felt my cheeks burning.
Para akong napasong napalayo ng mapagtanto kung ... Waaaaaah! I can't even say it.
I mentally slapped my face for that.
'Tanga-tanga! Naghintay ba talaga ako ng kiss? Huhu, way to go Keya!'
"Hahahahaha! Hey guys! What I meant from the move on thing is, move on as in ipagpatuloy ang lakad bago pa tayo abutan ng dilim dito. Ayoko mangapa, nakakatakot pa naman dito." Natatawang pahayag ni Xander samin.
Natawa ang mga kaibigan niya samantalang ang mga kaibigan ko naman ay ngumingiti ng may ibig-sabihin. Argh! I know those smiles.
"Come on! Don't be shy Faye." Sabi sakin ni KD nang makalapit itong muli sakin.
'Waaaah! Pati pagtawag niya sa second name ko nakakakilig'
'Wait what?! Did I just say 'nakakakilig'? Errr---okay, just pretend I didn't say that.'
Sinamaan ko ng tingin ang mga kasama naming parang fangirls kung tumili.
"Yieeeee! OTP!" sabay-sabay na sigaw nila Cyell na hindi ko nalang pinansin dahil ang atensiyon ko ay nasa kamay kong hawak ulit ni KD. But this time, he intertwined our fingers and it amazed me how they perfectly fitted each other.
Lihim akong napangiti dahil dun.
Ngayon lang to. Pagbibigyan ko muna ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Para narin sa ikatatahimik ng isang parte ng isip kong lumalandi. Haha
We walked hand in hand as we follow the path.
Nasa hulihan kami kaya hindi ko alintana ang kamay naming magkahawak. Hindi naman nila nakikita and besides, bibitaw nalang ako pag lumingon sila.
---
After ng halos isang oras na paglalakad ay narating namin ang tuktok ng talampas.
''Eto na nga iyon."- Saad ni Terrence.
Isang tarpaulin ang nabungaran namin na may nakalagay na 'Welcome Campers'.
Nakita rin namin sa di kalayuan ang isang malaking bonfire habang nakapalibot dito ang ilang estudyante na hula ko ay galing sa dalawang paaralan.
Kakalubog lang naman ng araw pero kung tutuusin ay sobrang dilim na.
"Hindi na ako magtataka kung walang kuryente dito." -komento ni Jhay Dee habang naglilibot ang paningin.
"Yeah, pati signal. I doubt kung meron." -segunda ni Xander.
"Ihhhh! Boriiiiiing! How am I suppose to reply sa mga katext ko?"-reklamo ni Eicy. Haha
"Yaan mo na Ei. Dalawang araw lang naman tayo dito. Makakapaghintay naman siguro yang mga yan." ani Cyell.
"Hmp, ano pa nga ba? As if naman may choice ako."-nagtatampong sabi nito.
Napatingin ako kay KD nang bigla nalamang ako nitong akbayan.
Argh! Here goes my beating heart.
"Ano na naman?! Ba't bigla kang nang-aakbay?"-kunwaring galit na tanong ko.
Buti nalang hindi ako nautal baka sabihin na naman netong kapreng to na kinikilig ako.
'Hindi nga ba?'
'Arrrgh! Shut up!'
"I don't like how those guys stare at you." -seryosong saad nito habang nakatingin sa isang direksiyon.
Sinundan ko ng tingin ang sinasabi niya. Pero wala naman akong nakatingin sakin.
"Wala naman eh." Kontra ko.
"Tsk."
Suplado! Batukan ko kaya 'to? Hmp.
"Ayy kabayo---!" Napatili ako ng biglang may sumundot sa tagiliran ko.
"Ano baaaaa?" -binalingan ko ng masamang tingin ang sumundot sakin na walang iba kundi si Sel.
"Anong pinagbubulongan niyo jan? Ayieeeee! Ano? Gagawa na ba kami sa facebook ng fanpage niyo?"-malisyosang sabi niya.
Hindi pa siya nakuntento. Sinenyasan pa niya ang iba naming kasama para makichismis. Nagsilapitan naman ang mga ito samin habang may nakakalokong ngiti.
"Ayos bro! May paakbay-akbay ka narin ngayon ah?"- sita ni Xander kaya bigla itong napabitaw sakin.
'Awts sad!'
"Tumigil nga kayo! Sapak you want?" -pagtataray ko na nagpatawa naman sakanila.
Napansin ko rin ang pagngiti ni KD.
Hinayupak! Ang gwapo talaga pag ngumiti. Arrgh! There's no point denying pero I won't let him know. Lalaki lang ulo niyan. Tsk.
"Finally! Are you the students from Redland Academy?" Singit ng isang mahinhing boses kaya napatingin kami lahat dito.
"Yes po."-sagot ni Joy.
"Right. Come! I'll show you your space, para maayos niyo na ang tents niyo." Aya nito sa amin kaya sumunod na kami.
"Uhmm, tent?"-alinlangang tanong ni Cyell.
Pati ako ay nagtataka kasi wala naman akong dalang tent kasi wala namang sinabi si Miss sa amin.
"Yes. Didn't your principal told you that you'll bring your own tent?"-kunot noong tanong niya sa amin.
Umiling naman ako.
"Uhm, about that guys! Actually kanina ko pa to buhat-buhat. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ang dami kong dala?"- tanong samin ni Jamil.
"No! Ba't kami magtataka? Eh sa sobrang arte mo, sanay na kaming mas marami talaga gamit kesa samin pag may pinupuntahan tayo." - Joy said while rolling her eyes upward.
"Aray ha! Grabe kayo. Tents kaya natin yung iba dito! Pinadala sakin ni Miss kaya nga nalate ako ng dating kasi kinailangan ko pang bumili. Pasalamat nalang kayo dinalhan ko pa kayo. Hmp."-may tampong saad ni Jamil.
"Buti naman kung ganon. Halina kayo." Aya ulit samin kaya pinagpatuloy na namin ang paglakad.
Nadaanan pa namin ang kinauupuan ng ibang students but I didn't mind their stares.
Matapos iset-up ang tents namin ay deretso na ako sa pagtulog. I'm tired kaya I badly needed to rest. I'm sure marami kaming gagawing activity bukas.
~~~
VOTE(IF you like it), COMMENT(IF you want to),FOLLOW(IF you think I deserve such)
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the T5
Teen FictionFive girls na kinatatakutan dahil sa pranks, games and rules. For a long time no one dared to challenge them, but what if someone did? Well, why don't you read and find out? ~~~ A/N: This was written way back 2015 so it really has a lot of errors an...
