Keya's POV
The week for our foundation day came and as soon as we entered our school, loud music, chatterings, screams, and laughs filled our ears which made our faces flash a proud smile.
"Finally mga ate, you're here na! Waaaaah! Look! Everyone seems to be enjoying our celebration. Thanks to your plans, and of course thanks sa kagandahan ng klase natin, everyone is happy. Hahaha" -naeexcite na salubong samin ni 'Ate' Jaztine.
"Naman! Kaya might as well enjoy narin tayo. Tara na! Let's have some fun guys!" -parang batang aya naman ni Sel sabay hatak samin papuntang booths.
"Wieeeeeeeeeeeeee! Alabit! Hahahaha." -tuwang-tuwa namang sabi ni Cyell habang iginagala ang tingin sa paligid.
"Come on Keya! Stop thinking about things and start enjoying." -baling sakin ni Eicy. Mukhang nahalata niya ang pagkabahala sa mukha ko. Deym! Kung ganon lang talaga kadaling kalimutan ang lahat. Hays.
Sinunod ko nalang ang gusto nila at pinasyal ang buong campus.
May mga nagpatayo ng food booth, picture booth, jail booth, wedding booth, movie booth, and even subject booths. At marami pang iba.
Sa rides naman, may roller coaster, bump cars, horror train, anchors away, at ferry's wheel.
Tumutol ako sa pagsakay sa kahit na anong rides dahil ayoko munang mamatay sa kaba. Hahaha, buti nalang at sumang-ayon naman sila. Babalik nalang daw sila sa susunod.
"Wait guys! Kanina ko pa napapansin, wala yata ang mga boys? Wala akong nakita ni isa sa kanila." -nagtatakang ani Sel.
"Oo nga no? Usually naman pag ganitong nasa school na tayo bigla nalang silang susulpot." -segunda naman ni Eicy.
"Guys! Maybe they're just around here, somewhere. Hindi naman sila required na sumama satin everyday, well except nalang si KD, na boyfriend ni Keya. Pero you know, may life din naman silang dapat ienjoy. Besides, baka nagsawa lang sila sa pagmumukha niyo. WAHAHAHA" -Joy explained na sinamahan pa ng pag-asar sa huli.
"Hahahaha! Ha-ha. Funny! Baka sa mukha mo lang nagsawa." -bawi ni Sel pero inirapan nalang siya ni Joy.
"Naku! Alam ko na iyan. Miss niyo lang sila eh. " -Cyell mocked kaya sa kanya napunta ang atensiyon namin sa kanya.
"Baka ikaw!" -balik sa kanya ni Eicy kaya nagkapilitan pa sila.
"Stop girls! You don't really need to miss us that much, you know?" -biglang singit ng pamilyas boses sa usapan namin kaya napabaling napabaling kami sa gawi nila.
"Dale!"- masayang tili ko nang makita ko sila. He spread his arms open signaling me to hug him and so I did.
Napasinghot din ako sa dibdib niya when I smelled his perfume na gustong-gusto ko.
"Woah, there girlfriend! I miss you too." -natatawang saad niya nang mapansin ang ginagawa ko.
Pasimple ko pa siyang hinampas and then I let go sa pagkakayakap.
Okay, I admit. For a moment, I forgot na may kasama pa kaming iba. Haha, bad.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko after that, at ang mga loka parang gulat na gulat sa nasaksihan.
"I didn't know you're that clingy, Keya." -gulat na komento ni Joy habang nanlalaki parin ang mga mata. Tumango naman ang iba pa naming kasama.
"Yeah. Whatever!" -pagtataray ko dahil ayokong mapansin nila na tinubuan ako ng hiya after their comment.
"Ay! Balik maldita ang ate niyo. To think you two still haven't ki---"
Bago pa maituloy ni Eicy ang sasabihin niya ay lumapit na ako sa kinatatayuan niya sabay takip ng bibig niya gamit ang kamay ko. Arrrrgh! Pinapahamak talaga ako ng mga babaeng to. Huhu sarap itakwil! Haha, charoot.
"Haven't what?" -nagtatakang tanong ni Dale.
"Hehe, w-wala. Diba Eicy?" -may pagbabantang baling ko kay Ei habang binibigyan sya ng 'don't-tell-him- look. Pero imbes na tumigil ay ngumisi lang ito.
Waaaaah! I know that look.
Binalikan ko ang kinatatayuan ni Dale tsaka ko siya mabilisang hinatak palayo sa kanila bago pa makapagsalita si Eicy.
"KISS KD! YOU STILL HAVE'NT KISSED!" -sigaw ni Sel na rinig na rinig not only us, but everyone na nasa paligid kaya napatingin sila lahat sa amin ni Dale.
Rinig ko rin ang tawanan ng mga kaibigan namin when Sel shouted that. Waaaaah! Nakakahiya.
Napatungo nalang ako tsaka ko siya hinatak ng mas mabilis para makalayo kami sa maraming tao.
Huhuhu, kahit kailan talaga! Ang hilig nila akong pagtripan.
Naging awkward ang buong araw sa amin ni Dale dahil sa kabaliwan ng mga kaibigan ko. Ni hindi kami makatingin ng diretso sa mata ng isa't-isa.
Nakapaglibot narin naman kami sa mga booths but the awkwardness didn't fade hanggang sa makauwi na ako sa bahay.
Binatukan ko pa isa-isa ang mga kaibigan ko pero pinagtawanan lang nila ako ng bonggang-bongga kaya naman napaakyat nalang ako sa kwarto ko at doon nagkulong hanggang sa makatulog na ako.
~~~VOTE(IF you like it), COMMENT(IF you want to),FOLLOW(IF you think I deserve such)

BINABASA MO ANG
Don't Mess with the T5
Teen FictionFive girls na kinatatakutan dahil sa pranks, games and rules. For a long time no one dared to challenge them, but what if someone did? Well, why don't you read and find out? ~~~ A/N: This was written way back 2015 so it really has a lot of errors an...