3rd Person's POV
Keya's date with Dale was wonderful and fun. Sa buong sem break nila ay madalas sila ang magkasama. Nasundan pa ng numerous number of dates ang nauna.
May mga times din na dadalaw si Dale sa bahay nila Keya and same goes with Keya sa bahay nila Dale.
She already met his parents and of course, his adorable sister na naging ka-close din ni Keya after maging komportable ang bata sa kanya.
Mabait naman ang parents ni Dale pero hindi naiwasang kabahan ni Keya nong first time niyang makita ang mga ito.
Like Dale, his parents are also perfect definitions of gorgeous. Despite that, mataray ang Mom ni Dale samantalang strikto naman ang Dad nito. Pero hindi iyon naging hadlang para pakisamahan sila ni Keya. Hindi naman nagtagal ay unti-unti narin naman siyang nagustuhan ng mga ito.
Halata din ang pagiging mayaman ng pamilya nila Dale. From their big mansion hanggang sa mga kagamitang naka-display sa loob, talaga namang nag-uumapaw ang kayamanan ng pamilya.
Anyway, ngayon na ang huling araw ng semestral break nila kaya naman si Keya ay naghahanda na para bumalik sa tinitirhan nilang bahay kasama ang mga kaibigan.
Si Dale naman ay matyagang naghihintay sa kanya habang kausap ang kapatid niyang si Ken sa kanilang sala.
Nagprisinta kasi ang lalake na ihatid siya tutal ay wala naman daw itong ginagawa sa kanilang bahay.
Matapos mag-ayos ni Keya ay dali-dali na siyang bumaba dahil kanina pa niya naririnig si Dale na nasa baba.
"Ang tagal mo, Barbie." -bungad sa kanya ng kapatid pagkababa niya.
Napatingin naman sa gawi niya si Dale na binigyan niya ng isang ngiti.
"Hindi nga kasi ako tulad mong kung maligo ay parang wisik lang, Ken ko." -natatawang balik niya sa kapatid sabay tawa.
Napasimangot nalang ang kapatid sa sinabi. Tsaka tumayo ito mula sa pagkakaupo at nagpaalam na.
"Kanina ka pa diba? Ba't ang aga mong dumating? 5 ang sabi ko eh. 4:30 palang kaya." -nagtatakang baling ni Keya sa nobyo nang makaalis na ang kapatid niya.
"Wala si Rynzelle sa bahay. Ipinasyal ng yaya niya kaya wala akong magawa sa bahay. Sila Mom naman may inasikaso sa kompanya." -sagot sa kanya.
"Ah, okay. Wala rin parents ko eh. Business matters." -Keya.
"Mukha ngang ang laki ng problema ngayon nila Mommy eh. Hindi ko naman sila nakakausap tungkol dun dahil ayaw nilang sabihin kung anong meron." -dagdag pa ng dalaga at halatang nag-aalala sa mga magulang na halos hindi na makauwi dahil sa problema sa business nila.
"Trust your parents. They can handle it." -pag-aalo nalang sa kanya ni Dale.
Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay lumabas na sila sa bahay nila Keya at nagtungo sa sasakyang dala ni Dale.
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay may nakaabang sa kanilang tao sa kabilang kalsada.
Nang makita ng taong ito ang paglabas ng dalawa ay napaayos siya ng tayo at agad na sinundan ng tingin ang dalawa.
Nakita niya ang masayang pag-uusap ng dalawa dahilan para mataas ang isang kilay pero maya't-maya'y sumilay ang isang ngising nakakapangilabot.
"Sige lang. Mag-enjoy ka ngayon. Pagbibigyan kita pero pinapangako kong hindi mo na mapipigilan kung anong plano ko sayo. I've suffered too much, kaya naman ibabalik ko ang lahat ng sakit na ipinaramdam mo sa akin." The stranger said bago siya umalis.
---
Keya's POV
"GIRLS I'M BAAAAAAAAAACK!" -malakas na sigaw ko pagkapasok ko ng bahay.
Alam kong nandito sa sila dahil pagkababa ko ng sasakyan ay dinig na dinig ko na ang boses nila Sel na sinasabayan ang kantang pinapatugtog nila.
Hindi na sumama si Dale dahil tumawag sa kanya ang yaya ng kapatid niya at sinabing dumating na sila kaya kailangan niya itong alagaan. Wala namang kaso sa akin iyon kaya nagpasalamat nalang ako sa paghatid niya.
Napatigil ang apat sa kanilang ginagawa at tsaka sila tumili. Sinalubong ko sila ng yakap.
"Gosh! I miss you guys! Ni hindi manlang kayo nagparamdam buong break." -medyo may tampong sabi ko sa kanila.
"Ayy. Nagdrama ang loka. Ikaw nga jan ang hindi nagsasabi samin. Kayo na pala ni KD. Hindi ka manlang tumawag para ibalita samin. Kay Premier ko lang nalaman." -saad ni Cyell.
Napa-peace sign nalang ako dahil sa narinig.
Nang bumitiw kami ng yakap ay dali-dali nila akong hinila papuntang sala at sabay tulak sakin sa may isahang sofa. Sila naman ay umupo isa-isa sa harapan ko.
Mukhang alam ko na ang balak ng mga ito.
"Hindi mo kami makukuha sa mga pangiti-ngiti mong iyan, Keya. Spill the details." May pagbabantang saad ni Eicy kaya naman wala akong nagawa kundi ang ikwento sa kanila ang mga nangyari. Simula nong araw na magkaaminan at maging kami hanggang kaninang ihinatid niya ako.
Yes, ganon ka-detailed. May pagka-chismosa sila eh. Hindi lang halata. Haha
"Yieeeeee! Ikaw na talaga. Ikaw na may lovelife. Huhu, sana ako din meron." Pagdrdrama ni Sel with matching punas pa ng invisible na luha niya.
"Asus! Drama neto. Bakit kasi hindi mo ligawan si Terrence para may jowa ka narin?" -pang asar ni Cyell.
"Wow! Nagsalita ang may lovelife." Pambara ni Sel na nagpatahimik kay Cyell.
"Hahaha! Ano? Edi natahimik ka?" Tuloy pa ni Sel na lalong nagpasimangot kay Cyell.
"Tama na nga iyan. May pasok na bukas. Tulog na lang tayo." -biglang saway ni Joy kaya napatingin kami sa labas. And true to her words, madilim na nga sa labas. Ni hindi ko manlang namalayan.
"Mukha mo! As if naman maaga kang magigising bukas kahit di pa magpuyat." Straightforward na sita ko sa kanya kaya nakatanggap ako ng isang matalim na tingin mula sa kanya.
"Hahaha, guilty much?" -tuloy pa ni Eicy na lalong nagpaiba ng mukha ni Joy.
Pareho kaming nagkatinginan ni Eicy sabay takbo paakyat ng silid namin nang mapansin naming handa nang mambatok si Joy.
"Arrgh! Bumalik kayo ditooooo!" Asar na tawag niya sa amin pero dali kong isinara ang silid ko nang makapasok ako. Hinihingal pa akong natawa dahil sa ginagawa naming pagtakbo ni Eicy. Hahaha
~~~
VOTE(IF you like it), COMMENT(IF you want to),FOLLOW(IF you think I deserve such)
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the T5
Teen FictionFive girls na kinatatakutan dahil sa pranks, games and rules. For a long time no one dared to challenge them, but what if someone did? Well, why don't you read and find out? ~~~ A/N: This was written way back 2015 so it really has a lot of errors an...
