Chapter #32

148 7 0
                                        

Keya's POV

I woke up feeling the sunlight in my face.

'Deym! Sunlight nga ba?' I thought as I hear some giggles and clicks.

Nangunot ang noo ko ng may maramdaman akong mabigat sa ulo ko. As far as I remember----wait! Whaaaaat----

Bigla akong napamulagat ng maalala kong nasa byahe nga pala kami. And the first thing I noticed ay mga kaibigan kong nakatutok ang phones sakin habang parang tawang ngumingiti.

Napatingin naman ako sa gilid ko ng maramdaman kong may sinasandalan akong matigas na bagay.

"WHAT THE EFFIN EFFF?!" -gulat na sigaw ko nang makita kong kay KD pala ako nakasandal tapos nakapatong ang ulo niya sa ulo ko.

Agad akong napatayo na hindi ko nalang dapat ginawa dahil muntik akong matumba.

"Loka! Dahan-dahan nasa byahe tayo." - natatawang paalala sakin ni Eicy.

Sinamaan ko sila ng tingin nong mapagtanto kong nakatingin na sila saming dalawa habang ngumingiti.

Sa sobrang asar ko ay hinampas ko ang walanghiyang si KD na hindi manlang nagising.

"What----"

"Ano?! ANO? WHAT THE HELL NA NAMAN?! LECHE KA LUMAYAS KA NGA DITO!" Pagtataboy ko.

Kabanas! Tsk.

Nilingon ko naman ang mga kaibigan ko na nagpataas naman ng isang kilay ko.

Ayun! Wala na. Nakaupo na sila sa kanya-kanya nilang upuan na kunwari busy sa kanilang ginagawa.

Mga patay-malisya! Grrrr. Ang sarap manghampas. Nakakainis!

"What's your problem?!" Halatang timping tanong sakin.

"WALA!" singhal ko nalang sabay umupo.

"Pasalamat ka wala nang bakanteng upuan." Bulong ko nalang.

Napaangat ako ng tingin nang tumigil na sa wakas ang mini bus na sinasakyan namin.

"Woah! Finallyyyyyy!"

Isang signage ang nabungaran ko nang makababa ako ng sasakyan.

"500m to Sunkissed Campsite." -basa ni Joy rito.

Lahat kami ay nagtataka kung bakit dito kami nag-stop kaya nagpasya akong magtanong nalang sa driver.

"Manong bakit dito mo kami binaba?"

"Iyon kasi ang bilin sakin ni Miss ineng. Hindi na kasi kaya ng sasakyan ang daan papunta sa camp site. Masyadong matirik. Kailangan niyo ring magtrek ng kalahating oras bago niyo marating ang lugar. Sige na. Magdidilim na. Kailangan niyong mahanap ang pupuntahan niyo."-sagot nito tsaka siya nagdrive paalis.

Naiwan naman kaming nakatunganga sa tinuran ni manong.

"Waaaaaaaah! Mamamatay na yata ako dito. Huhu, mommyyyyyy!"- atungal ni Cyell habang nililibot ng mata niya ang palagid.

Napatingin naman ako sa paligid. Ang signage ay nasa kaliwang parte ng kalsada. May gate ito na kulay ginto ngunit dahil may mga vines sa mga rehas nito ay nagmumukhang nakakatakot. May isang lamp post din sa magkabilang gilid ng gate.

Wala ni isang bahay ang bagkus ay mga naglalakihang puno. Mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita ang mga bulubundukin at isang talampas sa likod ng gate na nandito. Hula ko ay sa talampas namin matatagpuan ang camping site.

"Hays. Sana naman may mga signage din tayong madaanan para hindi tayo maligaw dito."

Nagsimula na akong maglakad papasok sa gate.

"Ihhh! Don't tell me papasok talaga tayo jan Keya? It's soooooooooo creepy." -sabi sakin ni Sel.

"We don't have a choice. Let's go!" -aya nalang ni Tyrelle na nauna nang maglakad.

"Tsk. Why did I even agree to this?" Pabulong ni KD kaya napatingin ako sa kanya.

Sumabay siya sakin sa paglalakad kaya bigla ko na naman naramdaman ang kakaibang pakiramdam sa tuwing malapit siya sakin.

Isinawalang bahala ko na lamang ito at tumingin sa left side ko nang biglang may humawak saking kamay.

"The fudge Jamil? Ba't mo hawak ang kamay ko?"- singhal ko sabay angat sa kamay kong hawak niya.

Ramdam ko naman ang pagtingin ni KD sa gawi namin.

"Ah eh, hehe! Baka kasi takot ka?" May pag-aalinlangang tanong nito sakin.

Bago ko pa man iwaksi ang kamay ni Jamil ay may bigla nalang humablot sa kamay ko sabay hila sakin kaya nauna kaming maglakad. Napaangat ako ng tingin.

Dugdudgdugdugdug

"Dale." Ang tanging nasambit ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong bumilis na naman ang tibok nito. Damn, don't tell me...?

Seryoso lang siyang nakatingin sa harap. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sakin pero mas lalo lang itong humigpit.

Napatingin ako sa likod kung nasan ang mga kasama namin para sana humingi ng tulong pero ang mga walanghiya ay biglang nagsilingunan sa iba-ibang direksyon. Mga hangal!

Hindi talaga sila mapagkakatiwalaan. Pati si Joy at Jhay Dee na hindi magkasundo magkausap na ngayon. Sila Sel, Cyell, Premier, at Terrence ay nagg-groupie. Si Eicy at Xander ay nag-aasaran. Tapos si Tyrelle at Jamil ay magkaakbay na parang magkabarkada na. Huhu, wala akong choice kundi sumunod nalang sa kapreng humihila sakin.

Napangiwi ako ng mas lalo nitong higpitan ang pagkakahawak sakin.

"Nasasaktan ako."-mahinahong saad ko.

Napatigil ito sa paglalakad. Bumuntong hininga siya ng malalim tsaka siya humarap sakin.

"Sorry. I just..." napapikit ito na parang nahihirapang ituloy ang sasabihin niya.

Nainis ako bigla.

"Ano?! Bakit ka bigla-biglang nangangaladkad jan?! Ang lalaki pa naman ng mga hakbang mo samantalang ako patakbo na para makasabay sayo. Tapos yung kamay ko namang hawak mo ang sakit narin. Sobrang higpit ba naman ng---"

"SHUT UP!" Putol nito sa sasabihin ko.

"BAKIT KA NANINIGAW?!" Balik ko sa kanya.

"HINDI AKO SUMISIGAW!"

"EH ANONG TAWAG MO SA GINAGAWA MO? BUMUBULONG?"

"HIN---tsk. Sorry."- kalmadong sabi nito pero halata parin ang pagtitimpi dahil kita ko ang paglitaw ng mga ugat niya sa leeg. Namumula ang mukha niya and his lips were pressed in a thin line.

Napatitig ako sa kanya. His eyes were glued into mine. I just can't seem to stop staring at his eyes. They're shining. And I noticed his dilating iris. Its like his eyes are taking me somewhere. His stares are drowning me.

I suddenly felt the urge to bite my lower lip. They felt dry, as well as my throat. Damn, what's happening to me?

~~~

VOTE(IF you like it), COMMENT(IF you want to),FOLLOW(IF you think I deserve such)

Don't Mess with the T5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon