Chapter #42

136 4 0
                                        

Keya's POV

Nagising ako sa isang malakas na pagyugyog.

"Baby! Gising na. Your boyfriend is here! Yieeeeeee!"

Napabalikwas ako sa sinabi ni Mommy. Hala!

"Anong oras na Mom?" -tarantang tanong ko. Habang inaayos ang higaan ko.


"Relax, anak. It's just 7:00 in the morning. And kararating lang ng boyfriend mo, if you want to know." Sabi niya sakin na nagpakalma sakin. Akala ko late na naman.


Agad din akong napatingin kay Mom nang makita ko ang ngiti niya, and ngayon ko lang napagtantong nameet na niya si Dale.


"You don't have to look like that you know? Para kang natatae! Hahaha, and don't worry about your boyfriend. I like him for you. Hindi ko lang alam kung anong opinion ng dad and kapatid mo." -nakangiting sabi niya sakin kaya napangiti ako ng malapad.

"Sige Mom. Mag-aayos muna ako. Bababa narin ako after a few minutes." Paalam ko sabay pasok ng banyo.

I did my rituals and then dressed myself with a plain white crop top, black ripped high waist jeans, and sneakers. Nag-powder and lip tint lang ako and, voila! I'm ready to go. I just grabbed my pouch and put my phone, and some cash in it.


Bumaba na ako pagkatapos kong masatisfy sa get up ko. Hindi naman niya ako sinabihan kung saan kami pupunta so ganito nalang ang sinuot ko.


"Finally!" Mom exclaimed nang makita akong palapit sa dining table.

Napatingin naman ako kay Dale na kinakausap ni Dad. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil hindi manlang ako napansin ng dalawa.

"Good Morning guys." I greeted nang makaupo ako sa harap ng hapag. Tsaka pa lamang nila napansin ang pagdating ko.

Magkaharap kami ni Dale. Si dad ang nasa center table, si mom ang nasa kanan ko na kaharap naman si Ken na napansin kong tahimik. Errr---magulo ba? Basta ganon nalang.

"Okay, let's eat." Basag ni mom sa seryosong atmosphere kaya napasunod nalang kami. Siya ang boss eh. Haha

Habang kumakain kami ay nagtatanong-tanong parin sila Dad kay Dale ng kung ano. About his family, his life, and syempre about us. Dale gladly answered naman pero hindi nga lang siya masyadong nagsalita about his family. Na intindi naman nila Dad.

---

"Ang aga mong dumating." -komento ko kay Dale nang palabas na kami ng bahay.


"And you look beautiful, as always." -walang ano'y sabi niya na nagpatawa sakin.

"Anong connect? Hahaha." I asked.

"Wala. Tara na nga. Saan mo gusto?" Pangbabalewala nito sa tanong ko sabay bukas ng pinto sa passenger seat.

"Gusto ko sa Funtasia World." -sagot ko tsaka pumasok. Isinara narin niya ang pinto and then umikot papuntang driver's seat.

"Seatbelt, please." Paalala niya kaya ikinabit ko iyon. And when he saw I'm ready. Pinaandar na niya ang car niya papunta sa lugar na sinabi ko.


If you're wondering what Funtasia World is, isa siyang lugar na parang Enchanted Kingdom din pero mas maliit lang siya. I heard kakabukas palang non kaya I want to try it.


"You met my parents. Haha, what do you think about them?" Tanong ko to start a conversation.


"They're wonderful." Tipid na sagot niya.


"A-huh! And the best." I added na nagpatango sa kanya.



"Ano nga palang pinag-usapan niyo ni Dad?"


"Nothing much. Pinagbantaan lang naman nila ako ng kapatid mo na magtago na kapag sinaktan kita kasi they'll definitely tear me to pieces." He told me then chuckled.



"Talaga? They told you that?! Hahaha." Tawa ko. And yep, they may be kind, pero when it comes to me, they become too protective.


"Yes. But don't worry. I won't hurt you, intentionally. I love you and that's all you have to worry about because I don't think I can still let you go even if you fell out of love. You're stuck with me, forever." -out of the blue'ng sabi niya na nagpatahimik and nagpakilig sakin.

---


"WAAAAAAAAAAAAH! AYOKO NAAAAAAAAAA! HUHU, TIGIL NA DALE! WAAAAAAAAAAAAH!" -walang tigil ang pagsigaw ko habang nakasakay kami sa roller coaster ang taas-taas kasi tapos nababaliktad pa itong coaster sa ilang trails. Huhu, ayoko naaaaaa!


This is the 5th ride na sinakyan namin and its making me hella crazy! And making my throat dry, if I may add.

Si Dale naman ay tumatawa lang sa reaksiyon ko at talagang wala siyang balak ipatigil ang ride dahil nag-eenjoy siya sakin. Ang dami ko na ring epic shots sa phone niya
Huhu!


After a couple of ups and downs ay tumigil na rin ang sinasakyan namin.



Dali-dali akong umalis sa pagkakaupo at lumayo sa ride dahil sa takot kong maulit pa ang nangyari.


"I'm definitely not going to ride that one again! EVER!" Sabi ko kay Dale habang pinapakiramdaman ang puso kong mabilis ang tibok.


Napatawa lang ang kasama ko kaya nahampas ko siya ng wala sa oras.


"Enjoy na enjoy ka talaga eh no?"-sarcastic na tanong ko habang nakatingin ng masama sakanya.


"Stop being sarcastic and let's have something to eat." Sabi nito pero halata parin ang kasiyahan sa mukha niya.


Nag-enjoy din naman ako pero iyong roller coaster ride lang talaga ang pinakaayoko.


May picture booth din kaming pinuntahan and I dressed him up at ang bakla niya dun, promise. Hahaha, yeah, I told him to wear a costume na ako rin ang pumili, may tiara siya, and a long princess gown habang ang akin naman ay maid costume na may bunny headband.


Ang cute namin! Hihi, kaya tig-isang copy kami non. And the rest pics ay walang costume bare faces lang namin pero with different poses.


May mga nag-approach din sakanyang babae para magpapicture pero tinaboy ko lang sila. There's no way na papayag ako. I'm possesive, alright.


"San tayo kakain?" Nagtatakang tanong ko nang palabas na kami ng lugar.


"In a restaurant." Sagot niya and we got inside his car.


"I want pizza!" Agad na sabi ko.


"Okay, pizza it is." Sabi niya and then drove away from Funtasia World.

~~~

Author's Note: Gawa-gawa ko lang ang Funtasia World guys. Pati na iyong Café Amor sa previous chapter. Mag-expect din kayo na may mga new places din kayong mababasa dito na gawa-gawa ko lang din. 😅

VOTE(IF you like it), COMMENT(IF you want to),FOLLOW(IF you think I deserve such)

Don't Mess with the T5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon