Chapter #47

90 4 0
                                    

Keya's POV

Tatlong araw ang makalipas matapos ang pangyayaring iyon.



Nagising ako kinabukasan ng araw na iyon na walang kahit anong naaalala kaya naman kinailangan pang ikwento ng mga kaibigan ko ang mga nangyari sa akin.



Hindi ko alam kung paano ako magrereact ng malaman ko ang lahat. Pero nagpasalamat ako sa kanila dahil kung wala sila ay baka nabaliw na ako.




Sinabi ko na rin sa kanila na huwag nalang nilang ipaalam iyon kay Dale dahil ayokong mag-alala pa ang boyfriend sa bagay na tapos na.



Buti nalang din at iba ang idinahilan nila kung bakit hindi kami pumasok nong araw na iyon.




Btw, kung naguguluhan kayo kung anong araw na ngayon, well, it's Saturday.



At may usapan kami ni Dale ngayon na mamasyal sa bagong bukas na park malapit dito samin.



Pumayag naman ako kaagad nong tinanong niya sakin dahil miss ko na ang boyfriend ko. And kahit ngayong araw lang, I want to forget everything that had happened this week bago ako mag-isip ng plano.



I want to compose myself and toss away the weak Keya na dati nang pinaglaruan. Ayokong maging mahina, lalo pa't ngayon na nagsisibalikan ang nakaraan ko. Dahil kapag naging mahina ako, hindi ko maproprotektahan ang mga taong mahal na mahal ko.



I don't want them to be in danger kaya bago pa iyon mangyari ay sisiguraduhin kong matatapos na ang lahat ng pagpapahirap sakin ng taong iyon.



Sa ngayon ay kailangan ko munang mag-focus sa date namin ng boyfriend ko.



"Iwan mo nalang dito sa bahay iyang sasakyan mo. I want to walk for today." -walang ano'y sabi ko nang makita kong palapit siya sa sasakyan niya.


"No. Mainit ngayon. Baka magkasakit ka." Pagtanggi niya pero hindi ako nagpaawat.



"Sige na boyfriend kooo! Ha? Ha? Maglalakad tayo ha? Malapit lang naman iyon ihh. Tsaka be eco friendly Dale ko. Bawas pollution. Dali naaaaa?" -pagkumbinsi ko while wearing my puppy eyes. Hihi, para hindi siya makatanggi.



"Hays. Okay. Let's just walk." -pagsuko niya kaya napa-Yes ako ng walang tunog with matching suntok pa sa hangin. Hahaha, kaya love ko siya eh. Hindi niya ako matanggihan.



"You're too adorable to resist. Tsk." Parang naiinis pang sabi nito na nagpahagikgik sakin.


Habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Yieeeee! HHWW!




Pasimple kong tinignan ang mukha niya at nakitang nakangiti siya kaya bigla ko siyang tinusok sa may tagiliran to check something.




And my gosh! Hahaha, napatalon siya bigla kaya confirmed! May kiliti siya sa tagiliran.



HAHAHAHA



Tawa ako ng tawa sa naging reaksiyon niya na halos mapaupo na ako sa kalsada kakatawa.



Ang epic ng mukha niya. Hahahaha, pero wag kayo! He's still handsome.




Napatigil ako sa pagtawa ng mapansin ang kakaibang tingin niya sakin. Waaaaaah! I know that looooook!




Unti-unti siyang lumapit sakin pero bago niya ako maabot ay tumakbo na ako.




"Run for your life girlfriend!" May pagbabantang sigaw niya tsaka ako sinimulang habulin.




Waaaaah! He's going to tickle me too!




Natanaw ko na ang park sa kabilang kalsada kaya bago pa niya ako maabutan ay tumakbo ako patawid, napatingin pa ako sa likod ko kung malapit na siya sakin pero napatigil ako bigla nang may makita akong sasakyan na matuling tumatakbo patungo sakin.




My mind and body seemed to stop. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa sasakyang lumalapit na sakin.





Napapikit na lamang ako at hinintay ang mangyayari pero bago pa ako mahagip non ay maymga brasong pumulupot sa katawan ko sabay hila sakin pagilid.





Gulat na gulat akong napatingin sa humila sakin.




"OH MY GOSH! ARE YOU OKAY? ARE YOU HURT?! PLEASE, ANSWER ME!" -halos nagwawalang tanong ko kay Dale habang iniinspeksiyon ang braso't mukha niya.



Imbes na sumagot ay napatanga lang ito sa akin.




"DALE, PLEASE!" Nagmamakaawang pakiusap ko nang hindi siya magsalita kaya napatungo ako.




Napaangat bigla ang tingin ko nang marahan hawakan niya ang mukha ko at iniharap ito sa kanya.




"I'm okay---hey. Why are you crying? Are you hurt somewhere?" -nag-aalalang tanong nito sabay punas ng basang pisngi ko gamit ang kanyang hintuturo.
Gaya ng ginawa ko kanina ay ininspeksiyon din niya ako.




Nang magsalita siya ay bigla akong humagulgol at dinamba ko siya ng yakap. Wala akong pakialam kung nakaupo kami sa gilid ng kalsada. Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sabay siksik ng sarili ko sa dibdib niya.





Natakot ako sa nangyari. Akala ko mawawala na rin sakin gaya ng nangyari sa kanya. Ayoko nang mawalan, not him, not anyone.




Hindi naman siya umimik sa inakto ko bagkus ay hinigpitan din niya ang pagkakayakap kaya kumalma bigla ang pakiramdam ko. He's the only one who can make me feel this way. I feel protected whenever he's this close to me.





Nanatili kami sa ganong posisyon hanggang sa humihikbi nalang ako.





Itinayo niya ako't inalalayan hanggang sa makaupo kami sa malapit na bench.
~~~

VOTE(IF you like it), COMMENT(IF you want to),FOLLOW(IF you think I deserve such)

Don't Mess with the T5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon