Keya's POV
3 days had already passed pero nandito parin ako sa boring na Hospital na 'to.
Kailan ba ako balak palabasin ng mga doctor dito? Tsk, simpleng anemia lang kala mo naman mamamatay na ako.
Wala akong kasama ngayon kasi nasa school sila. Ayoko namang mag-absent sila lalo pa't may responsibilities kami(sila muna ngayon) sa school.
Napabuntong hininga ulit ako ng wala sa oras, anong gagawin kooooo?
Napangisi ako bigla nang may naisip akong kalokohan. Hahaha, siguradong-----
Napatigil ako sa pag-iisip ng kalokohan nang may biglang pumasok sa private room ko.
"Sino ka?"-tanong ko sa lalaking nakatalikod sa akin at parang may tinitignan sa labas. Mukhang may tinataguan kasi nakayuko pa sya.
"Sumagot ka kung ayaw mong batuhin kita ng orange!"-inis na dagdag ko nang hindi manlang ako pansinin.
Inabot ko na ang orange at handa ko na itong batuhin pero bigla syang bumaling sakin kaya napatigil ako.
"Anong ginagawa mo dito?!"-sabay naming tanong habang nakaturo sa isa't-isa.
"G*go! Ikaw ang dapat tinatanong ko nyan. Bakit nandito kang walanghiya dito?!"-nanlilisik ang mata ko habang ready nang ibato ang orange sa kanya.
"Aray naman Ms. President nakakasakit ka ng feelings."-drama nya habang nakahawak sa may dibdib nya.
"Tsk, wag mo kong dramahan. Ano nga? Bakit?"- ulit ko.
"Kasi----Enebe! Ibaba mo na nga muna iyang hawak mo. Baka mabato mo yan sa gwapong mukha ko---"
"Anong gwapo? Baka g*go? Wag mong ibahin ang usapan. Ibabato ko talaga to sayo."-banta ko
Ibinaba ko na ang hawak ko kasi nangawit narin naman ang kamay ko.
"Sorry, hindi ko naman alam na nandito ka. Tsaka, may tinataguan kasi ako. Ang hirap kasi maging gwapo kaya eto, nagtatago ako sa mga humahabol sakin."-nakangising pahayag nya habang nakapogi sign.
"Lecheeee! Wag mo kong lokohin. Lumapit ka nga dito."-utos ko
Agad naman syang sumunod kaya pagkalapit nya ay bigla ko syang binatukan ng malakas. Ayun nasubsob. Wahahahahaha!
"Waaaaaah! Ang sama mooooooo!"-ngawa nya habang nakahawak sa may batok nya.
Buti nalang pala naligaw to dito, hindi na ko maboboringan. Well, kung nagtataka kayo kung sino ang nandito, sya lang naman si Premier Jay Buenavista.
"Seryoso nga ko, may humahabol sakin kaya napadpad ako dito sa private room mo."-nakapout na sabi nya.
Waaaaah! Ang cute nyaaaaa. Parang gusto kong panggigilan ang cheeks nya pero wag nalang. Hindi kami close. Psh.
"Oo na nga, pero anong ginagawa mo dito sa Hospital?"
"Ay yun ba? Sinamahan ko si Mommy. Dinalaw nya kasi si Daddy, doctor sya dito tsaka sya din nagmamanage ng Hospital."-sagot nya sabay kuha ng apple.
"Ahh, so sa inyo to?"-ako na kunwari curious. Hahahaha, alam ko naman kasi na sa kanila 'to. Nabasa ko rin sa infos nila. Para hindi sya magtaka.
"Oo."-nakangiting sagot nya.
"So, absent ka sa school?"-dagdag ko pa. Aish, ba't ang dami kong tanong?
"Hindi rin. Actually, illusion lang ako. Tapos ang totoong ako nasa school."-seryosong tugon nya.
Ayun, sinapak ko nga.
"Cheee! Wag mo nga akong pinaglololoko. Dagdagan ko yang sapak ko sayo eh. You want?"-banta ko dito.
"Hala grabe sya! Ang amazona mo talaga. Pasalamat ka di ako pumapatol sa maganda."
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Infairness, honest sya. Magkakasundo kami neto for sure. Hahahaha (hangiiiiiin)
"On the second thought, hindi ka pala maganda kaya okay lang na gumanti ako. Hahahahahahaha"
"Aba't-------loko ka!"
Lumayo sya bigla sakin kaya naman binato ko sa kanya ang nahawakan kong orange.
*Boooogsh*
"Wahahahahahahaha! Buti nga sayo."-asar ko nang tamaan sya sa may noo.
---
Matapos ng asaran namin ay tumawag ako ng nurse. Nyahahahaha, nagkabukol ang loko, buti nga.
"Ayan kainin mo na."-nakasimangot sa sabi nya sakin sabay lapag sa binalatan nyang apple.
"Wag kang sumimangot. Ang pangit mo. Hahaha"-natatawang komento ko.
Masaya din palang kasama 'to. Ang childish tsaka moody, parang boy version ni Cyell.
Napatingin ako sa kasama ko na nakasimangot pero nang mapansin nyang tumingin ako sa kanya ay bigla syang napangiti.
"Friends?"-nakangiting tanong nya habang nakaabot ang kamay nya.
"Friends."-ako tsaka inabot ang kamay nya. Shake hands daw eh. Arteeee. Hahahaha
"Cool! Nga pala, ba't ka nandito? Anong sakit mo?"
"Hays. Eto, masyado daw akong maganda kaya naadmit ako dito."-natatawang sagot ko.
Napanganga naman sya bigla sa sinabi ko.
"Hahahahahahahaha! Ang hangin mo rin pala! Hahahahahahaha---- ackkk, waaaaaah! t-tubiiiiiiig!"-sya habang nabubulunan.
"Hahahahaha! Buti nga sayo. Ayaw mo kasing tumigil ayan, KARMA!"- nakangising sambit ko. Sinubuan ko sya ng apple habang tumatawa kaya nabulunan. Hahahahaha
Inabutan ko sya ng tubig pagtapos, kawawa naman. Namutla na eh. Hahahahaha
---
Cyell's POV
Nakangiti kaming lima(with Jamil kasi) habang tinatahak ang daan papuntang private room ni Keya. Dinalhan narin namin sya ng pagkain.
Buti nalang at okay na sya ngayon, kaso ang sabi ng doctor kailangan nya munang magpahinga kaya hindi na muna namin sya ilalabas. Knowing her, hindi sya magpapahinga pag pinauwi sya.
'Hahahahaha! Buti nga sayo. Ayaw mo kasing tumigil ayan, KARMA!'
Bigla kaming napatigil ng marinig namin ang boses ni Keya, wait----may kasama sya dun?
Nagkatinginan naan kaming lima.
"Nabaliw na yata sya. Huhuhu"-biglang sabi ko sa kanila.
Binuksan namin agad ang private room nga.
"Oo nga, waaaaaah! Keyaaaaaa! Bakit mo kinakau----*gasp*"-napatanga kaming lima sa nadatnan namin.
Nanlalaki pa ang mga mata namin habang nakaturo sa eksenang nakita namin.
~~~
VOTE (IF you like it), COMMENT (IF you want to), FOLLOW (IF you think I deserve such)
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the T5
Teen FictionFive girls na kinatatakutan dahil sa pranks, games and rules. For a long time no one dared to challenge them, but what if someone did? Well, why don't you read and find out? ~~~ A/N: This was written way back 2015 so it really has a lot of errors an...
