Keya's POV
Friday came. So here we are, waiting for the others to arrive, and when I say 'others' I mean, sila Jamil at KD. Tsk, pag-untugin ko sila eh. Kanina pa kami dito.
"Hey! Ibalik mo yaaaaaaaan!"
Habang nag-aasaran sila ay nakaupo naman ako.
I'm actually not in the mood right now kasi ang aga-agang nabulabog ang tulog ko kanina. Pano ba naman! 3am palang eh gising na silang apat tapos ang lakas pa nila magpatugtog, nananadya lang eh. Tsk. Mga siraulo. Kaya wala akong choice kundi bumangon nang itapat nila sa tenga ko ang speaker habang nakaplay ang kantang 'Hayaan mo Sila'.
"Hey hey hey!"- sigaw ni Jamil habang papalapit. Ang loko dinaig pa ang bagahe naming girls.
Naasiwa din ako bigla sa suot niyang makulay na polo na naka-tucked in, fitted pants, tas isama mo pa yung boots niyang parang galing sa mga sundalo.
"Seryoso? San punta mo? Mukha kang tanga!" - salubong ko sa kanya matapos ko siyang ihead to foot.
"Eto naman! Maka-tanga ka, parang hindi tayo magkaibigan ah." Nakasimangot na turan nito.
"Hindi naman talaga." Pagtataray ko sabay talikod sa kanya.
Kainis naman! Ang init-init ang daming paimportante. Kung bakit kasi hindi pa kami pwedeng magdala ng sasakyan. Tsk, arte-arte.
"Waaaah! Hypebeast!" Rinig kong sigaw ng apat na mga kaibigan ko.
"Zup people!" malakas namang sigaw din ni Jamil na lalong nagpairita sakin.
Hays! Makapagsoundtrip na nga lang muna.
Saktong 10 minutes mula nong dumating si Jamil ay dumating narin si KD habang cool ---este pa-cool na naglalakad palapit samin.
Nagkaroon ako ng oras na titigan siya habang dahan-dahan siyang naglalakad papalapit sa pwesto namin.
Nakasuot siya ngayon ng plain white shirt na pinatungan ng black jacket. Sa pang-ibaba naman ay nakasuot sya ng fitted pantalon with his shoes. Damn, hot.
Gwapo na sana eh. Kung hindi lang gago. Tsk
---
"Kuya matagal pa ---"
Nilingon ko si Jamil nang may matalim na tingin kaya naputol ang sasabihin niya.
"Sige ituloy mo yan! Makakakita ka na talaga ng stars kahit tirik pa ang araw." -ani ko.
Nagtawanan ang iba naming kasama samantalang siya ay napasimangot nalang sabay subo ng kinakain niyang piatos. Tsk.
"Wala tol! Taob ka dito kay Keira. Kaya sinasabi ko sayo, wag na wag kang manliligaw sakanya. Under na under ka panigurado." Pang-asar ni Premier na lalong nagpatawa sa lahat.
Hindi ko mapigilang mapangisi.
Titigil din pala. Kanina pa kasi ako naririndi sa kakatanong nila kung malapit na ba or kung saan ba talaga kami pupunta.
It's been hours already, pero nasa byahe parin kami to who-knows-where.
Wala na akong nakikitang mga naglalakihang gusali bagkus ay mga malawak na kapatagan na. Sariwang hangin at luntiang kapaligiran.
"Eto na nga ba ang sinasabi namin. Baka kung anong kalokohan na naman ang ginawa satin ni Ms. Martinez." Pabulong ni Jhay.
"Yeah. I think she didn't tell us all the details. Something's odd." Segunda naman ni KD.
"Ayy! Taray neto. Tigil-tigilan mo kaka-English papa KD. My nose is bleeding na. Like O to the M." -komento ni Sel na hindi naman pinansin ni KD dahil agad nitong sinalpak ang headset sa magkabilang tenga.
At dahil nga magkatabi kami. Siniko ko siya sa tagiliran.
"What the he---?!" -bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay pinanlakihan ko siya ng mata.
Hoping na sana matakot siya but then he just chuckled.
"Leche ka kasi! Ang nice talking mo. Kinakausap ka nong kaibigan ko eh."
"Why? She's not you. So I don't care." Balewalang sabi nito tsaka siya sumandal at pumikit.
'Shit na malagkit! Lalo akong naa-attract sa ginagawa niya eh. Anong ibig niyang sabihin dun? Na ako lang ang kakausapin at papansinin niya?'
I freaked out to myself.
'Gaga! Wag kang mag-assume.' Kontra ng isang parte ng isip ko.
Napa-pout na lang ako dahil sa mga iniisip ko. Nababaliw na yata ako. Kaloka! Itutulog ko na nga lang 'to.
~~~
VOTE(IF you like it), COMMENT(IF you want to),FOLLOW(IF you think I deserve such)
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the T5
Novela JuvenilFive girls na kinatatakutan dahil sa pranks, games and rules. For a long time no one dared to challenge them, but what if someone did? Well, why don't you read and find out? ~~~ A/N: This was written way back 2015 so it really has a lot of errors an...
