Keya's POV
Bagsak ang balikat ko nang makapasok ako sa bahay.
Sinalubong ako ng mga nag-aalalang tingin ng aking mga kaibigan.
I smiled weakly nang makalapit ako sa kanila.
"What happened?" -tanong sakin ni Joy.
"Nagui-guilty ako. Dale asked me about my problem but I didn't told him a thing. Am I bad?" Parang batang sumbong ko sa kanila. I suddenly became emotional and I don't have any idea as to why I'm being like this.
"No. No, you're not. You're just drained because of what happened today. Just rest okay? Bukas nalang natin problemahin ang nangyari kanina." -pag-aalo sakin ni Eicy.
"And please, don't stress yourself out. You know you can't hadle too much of it." -striktong paalala naman sakin ni Cyell so I nodded as a response.
Buti nalang at nandito sila to lessen my burden. I just can't imagine life without them.
---
3rd Person's POV
Kinabukasan ay maagang nagising ang magkakaibigan, maliban na lamang kay Rianze Joy na tulog-mantika.
Pero kalaunan ay pinagising ni Eicy kaya naman sabay-sabay sila ngayong kumakain.
"Keya, ano nga palang balak mo sa sticky note?" Basag ni Cyell sa katahimikan habang pinagpapatuloy parin ang pagsubo ng pagkain.
"Hayaan na lang muna natin. Baka nga nantritrip lang ang taong naglagay non at saktong sa locker ko nalagay." -pagkibit balikat ng dalaga.
"But---"
*diiing dooong*
Naputol ang pagsasalita ni Cyell nang biglang may magdoor bell.
"I'll get it." Pagprisinta ni Keya tsaka ito madaling umalis at tinungo ang pinto.
Naiwan naman ang iba at pinagpatuloy ang pagkain.
Hindi man sinabi ni Keya sa sakanila, pero nahalata ng apat na ayaw munang pagtuunan ng pansin ang note na natanggap.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
Isang malakas na sigaw ang umagaw sa atensiyon ng apat at base sa boses ay si Keya iyon. Isa-isa silang kinutuban at kasabay non ay ang pagbilis ng tibok ng kanilang puso.
Dali-daling tumayo ang apat tsaka sila tumakbo palabas.
Ganon na lamang ang gulat nila nang makitang nakaupo si Keya sa lapag habang nakayakap sa mga binti. Nakatungo din ito at nakatakip pa ang mga kamay sa magkabilang tenga.
Unti-unti nila itong nilapitan at mas lalo silang magulat nang makitang umiiyak ito at wari'y natatakot habang nakatingin sa iisang direksiyon kaya sinundan nila ito mg tingin.
Sabay-sabay na nanlaki ang mata ng apat na dalaga nang makita ang tinitignan ni Keya.
May isang box na nakabukas at nang matanaw nila ang laman nito ay parang bumaliktad ang mga sikmura nila.
Sa loob ng kahon ay isang patay na pusa. Lasog-lasog ang katawan nito at punong-puno pa ng dugo na animo'y kakamatay lang nito.
Iniwas ng apat na dalaga ang kanilang tingin sa kahon tsaka nagkatinginan. Isa lang ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang kaibigang si Keya. At alam ng apat na dalaga iyon.
"Blood."
~~~VOTE(IF you like it), COMMENT(IF you want to),FOLLOW(IF you think I deserve such)
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the T5
Teen FictionFive girls na kinatatakutan dahil sa pranks, games and rules. For a long time no one dared to challenge them, but what if someone did? Well, why don't you read and find out? ~~~ A/N: This was written way back 2015 so it really has a lot of errors an...