Chapter #25

159 7 0
                                    

Jamil's POV

Kasalukuyan kong binabantayan si Keya dito sa Hospital.

Matapos ko syang tawagan kanina ay kinabahan ako sa narinig kong pagsigaw nya pati narin ang pagkabasag ng kung ano kaya naman napauwi ako ng wala sa oras.

Sobrang kaba at pag-aalala ang naramdaman ko kanina nang maabutan ko syang nakahiga sa may sahig. Dumagdag pa sa kaba ko ng makita kong may basag na baso malapit sa kanya at may dugong tumutulo mula sa braso at mga paa nya.

Dali-dali ko syang binuhat at dinala dito. Buti nalang at hindi traffic.

Nataranta ako kanina to the point na kailangan akong daluhan ng ibang nurses para pakalmahin. Hindi nila ako masisisi dahil buhay kaibigan ko ang nakasalalay dito.

Napatingin ulit ako sa kanya na payapang natutulog.

Maayos na ang lagay nya ngayon at natransfer narin sya sa isang private room.

*Blaaaaaaaaaaaag*

Malakas na bumukas ang pinto kaya naman napabaling ako doon.

There, nakita kong pumasok ang apat pa naming mga kaibigan habang habol ang kanilang hininga.

"Kamusta sya?!"-sabay nilang tanong sakin.

Nakayuko sila Sel at Cyell habang hawak ang dalawang tuhod at habol ang hininga. Habang sila Eicy naman at Rianze ay agad na lumapit sa kama ni Keya.

Pawisan silang apat at halatang minadaling makaakyat dito.

"Mabuti na ang lagay nya. Nagpapahinga nalang sya ngayon dahil iyon ang kailangan nya. Anemic daw sya at masyadong stress kaya hinimatay. Tapos, etong mga galos nya naman dahil sa bubog na nahigaan nya nang mahimatay sya. Pero okay naman na daw, nagamot na. May nireseta ding gamot pati vitamins ang doctor kanina para sa kanya."- mahabang paliwanag ko.

"Hay, buti naman."- sambit nila.

Nakahinga narin sila ng maluwag dahil sa narinig.

"Sige, bantayan nyo na muna sya. Bibili nalang muna ako ng makakain tapos bibilhin ko na rin etong mga sinabi ng Doctor." Paalam ko.

---

Keya's POV

'Our Father in heaven, hallowed be your name. Your kingdom come.'

Naalimpungatan ako sa mga taong nagsasalita---ayy mali, nagdadasal pala na parang nag-oorasyon dahil sa boses nila.

Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko pati narin ang paligid ko.

'Your will be done, on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread.'

Napakunot-noo ako dahil hindi lang pala guni-guni iyong naririnig ko. Naramdaman ko din na parang may nakapalibot sakin.

"Woi! Sure ka ba talaga effective to?"

"Oo! Napanuod ko. Tsaka todo costume na nga rin tayo para effective eh. Tama to."

"Boba! Bakit ba pumayag ako sa kalokohan nyo? Aish."

"Shhhhh! Tumahimik nga kayo!"

"Para eto kay Keya. Wag kayong magulo. Ituloy natin."

"Yuuuuck! Namamawis na kamay mo Sel. Bitiw! Groooooss!"

"Hindi kaya! Tsaka, mamaya na kayo magreklamo. Magconcentrate tayo para magising sya. Eicy, ayusin mo yang hawak mo. Cyell, wag kang madaya, ipikit mo mata mo. Sige na, ituloy na natin. Ehem--"

Don't Mess with the T5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon